Chapter 35

1.9K 36 3
                                    





Kurou





Dati kapag naririnig ko si Avira na kinikilig kilig sa mga romance story na binabasa niya sa mga libro ay naiinis ako. Naiinis dahil masyadong O.A iyon. Kasi naman para sa akin lahat ng naka-lathala sa libro ay pawang imagination lamang. Halimbawa na doon yung isang story na ikinuwento niya sa akin. Mayroong isang babae na hindi masyadong kagandahan. Pero mabait, matalino at napaka matulungin sa kapwa. Iyong tipong pwede ng kunin ni lord dahil sa sobrang bait. Nagkaroon siya ng gusto sa isang lalaki na gwapo, mayaman, matalino at napaka suplado.

Noong una tahimik lamang ako habang kinukwento ni Avira ang storyang iyon. Ang ganda daw kasi lalo na yung ending. Pang cinderella lang ang dating. Napapangiwi ako kapag nagkukwento siya noon. Kahit ayokong kwentuhan niya ako noon ay ginawa niya pa rin. Hanggang sa dumami na ang storyang tumatak sa utak ko dahil sa kanya. Hinayaan ko nalang din, curious din kasi ako.

Sa kanya ko rin nalaman iyong tungkol sa crush. Tinanong niya pa nga ako noon kung may crush din ako. Ang tanging na sagot ko lang sa kanya.

"Yayaman ba ako diyan?"

Hindi ko masyadong iniintindi ang mga ganun dahil wala akong interes. Isa pa, halos fourteen pa lang ako noon. Wala pa sa isip ko ang love na iyan. Pero nagbago iyon ng makilala ko si Ashter.

For the first time sa tana ng buhay ko ay naranasan kung maging katulad ng mga bidang babae sa isang romance story. Dahil sa isang misyon na nakakaloka. Paibigin ko raw ang warlord na si Ashter. Doon ko na experience ang lahat lahat. Una magpapansin sa kanya na umabot na magtapat ako kuno ng naramdaman ko. Ang saya! Halos hindi ako nakatulog noon sa inis at kahihiyan.
Pangalawa, pumayag akong maging alila niya. Pangatlo, binago ko ang ugali ko para lang sa kanya. Nakipag friendship ako sa mga taong nasa paligid niya. Pang apat, nagpabugbog ako sa mga fan niya.
Pang lima, nakaramdam ako ng mga kakaiba dahil sa kanya. Iyong pakiramdam na naiinis ako kapag may kasama siyang iba. Iyon pala, mahal ko na siya.

Nung marealize ko nga na mahal ko na siya. Pilit kong itinatatak sa sarili ko na hindi ako tutulad sa mga tanga na babae na nababasa ko sa libro. Iyong mga tipong kahit sinasaktan ka na ay mahal mo pa rin siya. Kaya nga sabi ni avira."kapag nagmahal ka, huwag mong ibigay lahat. Mag tira ka para sa sarili mo." Yan ang favorite na Quotes niya about sa love. Kaya ng masaktan ako dahil feeling ko gusto na ni Ashter yung impostora.Doon ko naisip yung sinabi ni Avira.

Dahil ito ang unang pagkakataon na mag mahal ako ay hindi ko na kontrol yung sarili ko. Masyado akong umasa. Kumbaga ang OA ko. Hindi pa nga kami ni ashter ay wagas ako makaiyak dahil nasaktan ako kapag kasama niya iyong impostora na iyon. Naisip ko dapat intindihin kong mabuti ang mga bagay bagay. Isa na diyan kung parehas kami ni Ashter ng nararamdaman. Dapat siguro, inalam ko muna kung gusto rin niya ako. Kung ayaw niya sa akin. Eh.. di okay, move on. Ayokong maging tulad ng mga babaeng bida sa mga romance story na habol ng habol sa mga lalaking gusto nila. Ayokong maging ganun. Feeling ko napaka desperada ko. Ang kagandahan nga lang doon sa mga nabasa ko sa libro na ganun ang tema. Sila may happy ending. Eh... ako? Hindi ko alam kung magiging ganun ang kahinatnan ng pagkakagusto ko kay Ashter. Magka-iba naman kasi ang mga nangyayari sa libro at sa totoong buhay.

Pero sadyang mabait si lord sa akin. Sa hindi ko inaasahang araw ay maririnig ko mismo sa kanya ang mga salitang hinihintay ng isang babaeng katulad ko na sabihin sa kanya ng lalaking mahal niya ang ganito...

"Gusto ko sa akin ka lang. I love you, i love you so much!"

Alam ninyo ba iyong feeling na sasabog na ang puso mo sa saya. Iyong feeling na gusto mong tumalon talon at mag pagulong gulong sa kilig.Iyong feeling na sobrang energetic kang gumising sa umaga dahil may inspirasyon ka na at iyong feeling na maiiyak ka dahil sobrang swerte mo dahil nakilala mo siya. Ganun ang pakiramdam ko. Halos tahimik lang ako noong nagsasalita siya sa harapan ko. Halos mamatay naman ako sa kilig dahil kinantahan niya ako. Kahit hindi pamilyar sa akin iyong kinanta niya.

Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon