Kurou
Ilang segundo rin kaming nagkatitigan at waring hinihintay niya lang akong sumagot sa tanong niya. Nawala ang kabang naramdaman ko ng ngumiti siya sa akin.
"Ang ibig kong sabihin. Magkwento ka tungkol sa buhay mo. Katulad nung nasaan ang mga magulang mo? Dito ka ba sa Spectrum City talaga nakatira? Kasi ngayon ko lang narinig ang apelyido mo."
Bahagya akong napangiwi at ngumiti sa kaniya.
Naiinitindihan ko kung bakit nagtatanong na siya ng tungkol sa akin. Marahil ay naghihinala na siya.
"Ah, kasi yung mga magulang ko matagal ng patay. Kaya si )ola nalang ang natira kung kamag anak. Tapos, hindi talaga ako taga-dito. Sa Plessey City sa Magnium Guild ako ipinanganak."pagsisinungaling ko.
"Anong nationality mo?"tanong niya pa.
"Italian "mahinang sagot ko.
Napatango tango siya.
"Kaya pala."sabi niya.
Sabay kaming natigilan ng marinig namin ang bell na hudyat na oras na para sa susunod na klase.
"Tara na?"pag aya niya.
"Sige."pagpayag ko at sabay na kaming naglakad paalis.
Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na humaba pa ang pagtatanong niya sa akin. Medyo nakaka-guilty lang dahil ayokong magsinungaling sa kanya. Pero isa iyon sa part ng trabaho ko. Kailangan mong gawin iyon para mapalapit ka sa target mo. Kahit mahal ko siya dapat ko paring ipagpatuloy ang mission ko. Saka nalang siguro ako iisip ng paraan para may happy ending ang love story namin ni Ashter kapag nahuli ko na ang Oregon kuja. Kung balak nila akong patayin. Uunahan ko na sila.
Nandito kami ngayong hapon sa napaka-laking field ng school para sa P. E subject namin. Exited ako dahil isa sa pampalipas ng oras ko dati ang paglalaro ng sports. Katulad ng volleyball, soccer, tennis, taekwando at different kinds of karate. Pero nawala ang excitement ko ng makita ko si Ashter na papalapit sa amin kasama ang mga alalay niya pati na rin si impostora.
"Tignan mo nga naman. Hindi talaga siya natinag sa sinabi ko kahapon."mahinang bulong ko sa sarili ko.
Hanggang sa makalapit na sila sa amin. Pinagtaasan ko kaagad ng kilay si Impostora ng magkatinginan kami. Si Ashter naman ay lumapit sa akin.
"Bagay saiyo ang naka-ganyan."sabi niya sabay turo sa buhok ko.
Ipinusod ko kasi ang mahabang buhok ko dahil naiinitan ako. Isa pa, makakasagabal lang ito sa gagawin naming activities ngayon. Pati nga ang salamin ko sa mata ay tinanggal ko rin.
Ngumiti lamang ako sa kanya bilang sagot. Napatingin ako kay Trey ng maramdaman ko siya sa likod ko.
"Lilo, may tatoo ka?"biglang tanong niya na ikinagulat ko.
Kaagad namang silang nagsilapitan sa akin maliban kay impostora na masama ang tingin.
"Patingin!"sabay na sabi ni Anime girl at Chinese girl.
Ang tatoo na sinasabi nila ay iyong nasa batok ko. Dahil naka pusod ang buhok ko ay makikita talaga nila ito. Hindi ko naiisip ang bagay na iyon. Masyado lang sigurong malinaw ang mga mata nitong si Frey kaya niya nakita.
"Anong ibig sabihin niyan?"tanong ni Ronron.
"Latin meaning ng pangalan ko."mabilis kong sagot.
Napansin ko ang mapanuring tingin ni Kiba at Spencer sa akin. Si Ashter naman ay seryoso lang ang titig.
"Nakakatuwa naman. Magpalagay rin kaya ako niyan."nakangiting sabi ni achinese girl.
BINABASA MO ANG
Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)
AksiyonSi Kurou ay isa sa tinaguriang Dry ice queens at ika-siyam na Capo Bastone ng Bonfiglio Famiglia. Siya rin ang isa sa pinaka-malakas sa kanilang grupo dahilan para iwasan siya ng karamihan na nakakilala sa kaniya. Sa panlabas na anyo ay isa siyang...