Kurou
Kung kanina lang ay halos mapapikit na ako sa sakit dahil sa pagkirot ng mga sugat ko. Ngayon ay para akong walang nararamdaman. Blangko ang utak ko. Tahimik lamang akong naka-yuko habang pinakikinggan ang mga sinasabi nila tungkol sa akin.
"Alam ko na! Sa Bonfiglio famiglia!"narinig kong sabi ni Spencer.
Napapikit nalang ako sa inis. Gusto kung lapitan si Ashter para ipaliwanag sa kanya ang side ko. Kung bakit ako nagsinungaling sa totoong pagka-tao ko. Pero kahit pag lingon sa kanya ay hindi ko magawa. Ayokong makarinig ng masasakit na salita mula sa kanya. Akala ko kaya kong makita ang reaksyon niya kapag nalaman niya kung sino talaga ako. Hindi ko pala kaya.
Nabalik ako sa reyalidad ng biglang may humila sa buhok ko at ihinarap ako kay Jhon na tahimik na nakatayo sa harapan namin.
"Jhon, ano pang tinatayo tayo mo diyan. Patayin mo na ang babaeng ito!"Utos ni Danica.
Tahimik na umiling iling si Jhon habang nakatingin sa mga kaibigan niyang napapalibutan ng mga kaibigan ni Ashter at Fire.
Napaiwas ako ng tingin ng makita ang kakaibang tingin ni Ashter na halatang may hinanakit.
"Wala kang silbi!"sigaw niya pa kay Jhon at mas lalong hinigpitan ang pag hawak sa buhok ko.
Dahil may mga sugat akong naramdaman ngayon ay wala akong lakas para labanan ang baliw na ito.
Kinuha niya ang espada ko sa sahig at itinutok ito sa akin. Napailing ako, Obvious na hindi niya ako kayang patayin. Dahil kung papatayin niya ako dapat ay kanina pa niya ginawa nung binaril niya ako.
"Ituloy muna, patayin muna ako. Kapag ako ginanahan. Ikaw ang papatayin ko kasama ng mga ka-grupo mo."paghahamon ko kay Danica.
"Huwag kang mayabang."sabi niya at idiniin sa leeg ko ang espada niya.
"Huwag mong gagawin iyan. Papatayin namin ang mga kasamahan mo!"malakas na sigaw ni Ron-ron.
"Pakialam ko sa mga iyan"mabilis na sagot ni Danica sa kanila.
"Stupid, mga kaibigan ko sila. Ikaw ang papatayin ko kapag nasaktan man isa kanila."pagbabanta ni Jhon na masama ang tingin kay Danica.
Bigla akong napangiti ng marinig ko iyon. Kahit paano ay mahalaga parin pala sa kanya ang mga kaibigan niya.
"Fuck you! Usapan natin na kailangang mamatay ng babaeng ito!"sigaw ni Danica.
G na G talaga sa akin ang babaeng ito.
"Don't you dare!"banta ni Ashter dito.
Imbes na matutuwa ako dahil feeling ko nag aalala siya sa akin ay mas lalo akong kinabahan. Ewan ko kung bakit.
"Kailangang mamatay ng babaeng ito ng sa gayon ay mapunta na sa akin si Ashter."parang baliw na litanya ni Danica.
"Baliw na ang isang iyan."narinig kong komento ni Teey.
"Matagal ng baliw iyan. Hindi ko nga alam bakit pinayagan ni leader na sumama iyan sa amin."sabi naman ni impostorang si Maegan.
Mukhang lalong nagalit si Danica sa sinabi nila. Dahil ramdam kung diniinan niya pa ng husto ang espada niya sa leeg ko. Napangiwi ako ng makaramdam muli ng kirot.
Ilang sandali lang ay sabay sabay kaming napatingin sa gate ng school namin ng makarinig ng malakas na pag busina.
"Beep! Beep! Beep!"
Hindi kalayuan mula dito sa field ang gate ng school kaya kitang kita namin kung paano biglang nawasak ang bakal na gate nito at pumasok mula doon ang isang pulang kotse. Sa bilis ng sasakyan na ito ay napansin ko nalang na papunta ito sa direksyon namin. Mabilis namang tumabi sa gilid ang mga kaibigan ni Ashter kasama ang mga alalay ni Jhon.
BINABASA MO ANG
Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)
ActionSi Kurou ay isa sa tinaguriang Dry ice queens at ika-siyam na Capo Bastone ng Bonfiglio Famiglia. Siya rin ang isa sa pinaka-malakas sa kanilang grupo dahilan para iwasan siya ng karamihan na nakakilala sa kaniya. Sa panlabas na anyo ay isa siyang...