Ashter
Halos ten minutes na akong nakatayo dito sa labas ng school pero hanggang ngayon ni anino niya ay hindi ko pa rin nakikita. Napabuga ako ng hangin. Sa totoo lang para sa iba masyadong O.A itong ginagawa ko. Anong magagawa ko. Eh... gusto ko na siyang makita kaya inagahan ko ang pagpasok sa school para sana bago mag klase ay makapag usap kami ng kami lang dalawa. Iyong kami lang talagang dalawa na walang mga sagabal. Napapailing iling ako sa mga iniisip ko.
"Bakit ba ang tagal niya?"tanong ko sa sarili ko.
Muli kong pinagmasdan ang cellphone ko.Bigla akong nalungkot ng makitang wala pa rin siyang reply sa mga text ko. Naisip kung tawagan nalang siya.
Akmang mag ri-ring palang ay napangiti ako ng maaninag ko na siyang naglalakad palapit. Nang magtama ang tingin naming dalawa ay muling tumakbo ng mabilis ang pintig ng puso ko. Ewan.. ganun siguro talaga kapag nakikita mo iyong taong mahal mo.
"Kanina ka pa?"nakangiting tanong niya pagkalapit sa akin.
Umiling iling ako bilang sagot. Aaminin ko, ito ang unang pagkakataon na may taong nakapagpahintay sa akin ng ganun ka tagal.Kung ibang tao siguro iyon ay sinigawan ko na sa inis. Lalo na at mainipin akong tao. Pero dahil si Lilo ang isa sa pinaka mahalagang tao sa buhay ko ngayon ay hindi ko magawang magalit sa kanya.
"Bakit kasi ayaw mong sunduin kita pag umaga? Ayaw mo bang sabay tayo pumasok sa school araw araw?"
Iyon ang nire-reklamo ko sa kanya noon pa. Nagtataka ka nga ako dahil parang ayaw niyang nagtatagal ako sa kanila. Noong hinahatid ko siya. Hindi man lang niya inalok na pumasok sa loob ng bahay niya.
"Hindi sa ganun. Aoko lang na maabala ka pa"mabilis na sagot niya.
Sumimangot ang mukha ko sa sinabi niya.
"Of course not, masaya pa nga ako kapag sinusundo at hinahatid kita sa inyo. Isa pa, isa iyon sa trabaho ko bilang boyfriend mo."nakangiting sabi ko.
Nakita kong napailing siya na tila nag iisip.
"Ha? Ganun ba iyon?"manghang tanong niya.
Natawa ako ng mahina. Napaka insonte niya talaga. Kahit ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ako ng girlfriend ay masasabi kong alam ko ang lahat lahat ng mga ganyang bagay tungkol sa isang relasyon.
"Tara, punta muna tayo sa kotse may kukunin lang ako."paanyaya ko at lahad ng kanang kamay ko sa kanya.
Mabilis naman niyang tinanggap ito. Magkahawak kaming naglakad papasok ng school. Sobrang sarap sa pakiramdam ko kapag kasama ko siya.
"Ashter, ano bang kukunin natin sa kotse mo?"tanong niya.
"Basta."nakangiting sabi ko.
Dumiretso kami sa napakalawak na garahe ng school. Nang makalapit na kami sa kotse ko ay dali dali ko iyong binuksan at kinuha ang isang kahon.
Nakangiting lumapit ako sa kanya at dahan dahan inabot sa kanya ang kahon. Nakakunot lang ang kanyang noo at seryoso akong tinitigan.
"Ano iyan?"
"Ano ba sa tingin mo ang pinaka paborito mo?"nakangising sabi ko.
Sandali din siyang nag isip .Ilang sandali lang nanlaki ang mga mata niya at biglang kinuha sa akin ang box.
"Pagkain!"masayang bulalas niya at dali daling binuksan ang kahon.
Ngumiti siya ng malapad at mababakas mo sa kanyang mukha na masayang masaya siya.

BINABASA MO ANG
Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)
ActionSi Kurou ay isa sa tinaguriang Dry ice queens at ika-siyam na Capo Bastone ng Bonfiglio Famiglia. Siya rin ang isa sa pinaka-malakas sa kanilang grupo dahilan para iwasan siya ng karamihan na nakakilala sa kaniya. Sa panlabas na anyo ay isa siyang...