Chapter 25

1.5K 38 1
                                    





Kurou




Pulang pula ang mukha ko dahil sa kakaiyak ng makauwi ako sa mansyon. Saktong pagkapasok ko palang ay siya namang paglabas ni Ichirou kasama yung si Aizen Mussomeli. Natigilan sila ng makita ako. Kaagad na napakunoot ang noo ni Ichirou ng mapatingin sa mukha ko.

"Okay ka lang?"tanong niya.

Hindi ako sumagot dun. Wala naman kasi akong panahon para magkwento sa kanya dahil hindi kami close.

"Nasaan si Boss enzio?"tanong ko sa paos na boses.

Bigla akong nainis ng magkatinginan pa sila nung si Aizen.

"I don't know. Baka nasa office niya. Puntahan mo nalang."sagot nito.

Pagkasabi niya nun ay mabilis ko na silang nilagpasan. Tahimik akong umakyat sa ikalawang palapag ng mansyon. Nang makarating ako sa opisina ni Boss Enzio ay napailing ako ng makitang nakasarado ang pinto at nakapad lock pa ito.

"Wala siya rito."bulong ko sa aking sarili.

Mas lalong nadagdagan ang lungkot ko dahil hindi ko makakausap si Noss Enzio. Napalingon ako ng maramdaman ang presensya ng kung sino. Naningkit ang mga mata ko ng makitang si Saborou ito.

"Wala si Boss Enzio. May importanteng pinuntahan."sabi nito.

"Saan siya pumunta?"

"Ang alam ko nagtungo siya sa italy. Ewan kung kailan siya babalik."sagot nito at nakita kong pinasadahan niya ako ng tingin.

Hindi ko na siya pinansin pa at naglakad na paalis. Pero hindi pa ako nakakalayo ng muli niya akong tawagin.

"Kurou!"

Inis na humarap ako sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin at muling tumalikod para umalis na. Pero sadyang makulit talaga ang isang ito dahil again tinawag niya aKo.

"Kurou! May ibebenta ako saiyo. Siguradong magugustuhan mo iyon!"

Padabog na lumapit ako sa kanya.

"Alam mo hindi ako interesado sa binebenta mo at huwag mo akong tawagin sa pangalan na iyan. Naiinis ako! Lilo ang pangalan ko. Jindi Kurou! LI-LO. Tawagin mo uli ako sa pangalan na iyan. Sasamain ka sa akin."dire diretso kong sabi.

Napansin ko ang pagka tulala ni Saburo sa akin. Hindi ko na siya hinintay pa siyang magsalita uli. Dali dali na akong naglakad palayo. Narinig ko nalang ang malakas na pag sigaw niya.

"Naka-drugs ka ba? Naku, Cirillo.agot ka kay Boss Enzio niyan!"natatawang sigaw niya sa akin.

Dumiretso ako sa kwarto ko at kaagad na humilata sa kama. Hindi ko namalayan na tumulo na naman ang luha ko dahil sa inis at lungkot. Biglang pumasok sa isip ko ang pag uusap namin ni Ashter kanina.

Fuck shit na Ashter yan.

Napabalikwas ako ng bangon ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.  Pumasok ang mahaderang kapatid ni Boss.

Si Jorou.

Huli na para punasan o ayusin ko pa ang sarili ko dahil nakatitig na siya sa akin. Umiiling iling siya habang seryoso akong tinitignan.

"Anong drama iyan? Umiiyak ka ba?"maarteng tanong niya.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko at pinag taasan siya ng kilay.

"Ano sa tingin mo?"

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya at agad na lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at tinignan aKo mula ulo hanggang paa.

Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon