Chapter 6

402 15 0
                                    




Ashter




"Dinner time!"malakas na naibulalas ni Ron-ron ng magkakasunod kaming pumasok sa Dining room.

Pasado alas-syete na gabi at lahat kami ay nagugutom. Ngayon nga ay nandito na kami para kumain. Kani-kaniya na kami ng upo sa mga bakanteng upuan. Wala ng pinalampas na oras at inumpisahan na ang hapunan.

"Boss, anong gagawin mo kapag nagkita kayo bukas ni Lilo sa school?"tanong ni Spencer.

Natigilan ako ng bahagya doon. Hindi agad nakasagot dahil may pagkain pa ang bibig ko. Mariin ko itong linunok bago sinimangutan si Spencer.

"Wala."simpleng sagot ko.

Nagkatinginan silang tatlo sabay tawa. Habang si Kiba tahimik lang kumakain na katabi ko ngayon. Si Spencer, Ron-ron at Trey naman ay magkakatabing nakaupo tapat namin.

"Hindi ka ba kinilig, Boss?"tanong naman ni Ron-ron.

"At bakit ako kikiligin?"

Napailing ako sa nonsense niyang tanong.

"Dahil gusto ka niya. Sapat na yung dahilan para kiligin."paliwanag niya.

Natawa ako.

"Kakikilala ko palang dun sa tao. Malay ko ba kung nangtitrip lang yun ng sabihin niyang may gusto siya sa akin."

Sa lahat ng nag confess sa akin siya na ang pinaka-kakaiba dahil hindi halata sa itsura na sincere siya dun sa mga salitang binitiwan niya.

Poker face lang siya habang sinasabing gusto niya ako. Napapaisip tuloy ako kung nagkukunwari ba siya o ganun lang talaga siya tumititig.

"Nang titrip? Hindi naman siguro."komento ni Trey.

"Oo nga. Hindi iyon maglalakas loob na umamin sa harap ng maraming tao kung trip lang yun."sabi ni Ron-ron.

Napatango nalang ako.

"Siguro nga."sabi ko at nagpatuloy na sa pag nginain ng aking hapunan.

Dahil gutom na ako ay sandali akong natahimik upang kumain nalang muna. Dedma na ako sa pag tsitsismisan nung tatlo. Tumulad ako kay Kiba na kanina pa tahimik.

Napangiti ako ng malasahan ang kasarapan ng pagkaing kinakain ko ngayon. Masarap talaga magluto ang mga chef namin dito sa mansyon.

Kaya magpapakabusog ako ngayon.

Napansin kong natahimik ang paligid. Pare-parehas ng busy ang mga kaibigan ko. Paano ba naman puro may laman na ang bibig kaya tahimik muna sa kwentuhan. Pero dahil sadyang madaldal si Ron-ron at Spencer ay ilang segundo lang dumaldal na naman sila.

"Bukas pasok na naman sa school na yun. Nakakaboring, Boss."sabi ni Spencer na mukhang tapos na kumain.

Wala ng pagkain ang kaniyang plato kaya nakasandal na siya ng upo sa kaniyang upuan.

"Choice ninyong sumama sa akin kaya magtitis ka."sabi ko at ininom ang isang baso ng tubig na nasa gilid ng aking plato.

Nang maubos ko ito ay nakaramdam na ako ng kabusugan.

"Pero seryoso, Boss. Boring nga. Wala ba tayong mapaglilibangan habang pumapasok sa school na yun?"tanong ni Ron-ron.

Napatingin ako kay Kiba ng marinig ang biglang pagtawa nito.

"Ron, tigilan mo yan. Mukhang hindi ko gusto ang tumatakbo dyan sa isipan mo."sabi niya kay Ron-ron.

Natawa naman si Trey at tinapik-tapik ang kanang balikat ni Ron-ron na katabi lang niya sa upuan.

Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon