Chapter 15

1.6K 48 1
                                    






Kurou







May dalawa akong dahilan ngayon kung bakit ako naiinis. Una, hindi ako nakakain ng hapunan dahil sa paghahanap ni Ashter sa pekeng Kurou. Pangalawa, may lapastangan na gumagamit ng pangalan ko.

Akalain mo ba namang pagkamalan nilang si Kurou ang babaeng nakita lang namin ngayon na imposibleng mangyari dahil ako si Kurou. Kaya sa sobrang inis ko ay sinamantala ko ang pagkakataon para kumprontahin ang pekeng iyon.

Saglit akong umalis sa tabi ni Ashter. Buti nalang hindi niya napansin. Pumunta ako sa likurang bahagi ng bahay kung saan nasa bubong ang pekeng Kurou. Plano ko siyang abangan dito. Sana lang hindi ako hanapin ni Ashter agad para hindi maudlot ang plano kong pag kumpronta sa nagpapanggap na ako.

Hindi naman ako na dismaya dahil saktong pag mula nung babae sa bubong ay kaagad ko siyang sinugod. Pinalipad ko sa kaniyang binti ko. Pero sa tingin ko mabilis ang pangdama ng isang ito dahil kaagad niyang naiwasan ang atake ko.

Tumingin siya sa akin ng diretso. Hindi ko masabi kung ano ang itsura niya dahil nakamaskara siya. Ngayon ko na realize ang katangahan nila Ashter. Paano nilang na sabing totoo ang babaeng ito ay hindi naman nila nakikita ang totoong mukha.

"Sino ka? "tanong ko.

Hinihintay ko siyang sumagot pero hindi siya nagsasalita.Sa inis ko ay sinugod ko siyang muli pero umiwas lang siya sa ikalawang pagkakataon. Balak ko sanang bigyan siya ng sunod-sunod na atake kaso lang bigla siyang tumakbo palayo. No choice ako kung hindi habulin siya.

"Lintik ka. Kapag nahuli talaga kita. Babalatan kita ng buhay!"naiinis na bulyaw ko.

Tumakbo siya sa papunta sa madilim ng bahagi dito sa subdivision. Halos binilisan ko na ang pagtakbo para lang maabutan siya. Mukhang medyo malayo kami sa pwesto nila Ashter kaya hindi nila napansin na hinahabol ko na ang pekeng ito. Pero nakakapagtakang hindi nila ito hinahanap. Samantalang gusto nga ni Ashter na makausap ito.

Napahinto ako sa pagtakbo ng makitang huminto na rin ang pekeng si Kurou. Napangiti ako ng makitang pader na pala ang nasa harapan niya. Isa lang ang ibig sabihin nunn, wala na siyang matatakbuhan pa. Ayos ito.

"Uulitin ko yung tanong ko. Sino ka at bakit ka nagpapanggap na si Kurou?"

Lumingon siya sa akin ng marinig yun. Ilang segundo rin siyang hindi nagsasalita. Ngayong ilang halos dalawang hakbang lang ang layo niya sa akin ay napansin ko ang itsura ng maskara niyang suot.

Ito ay may disensyo ng dragon na may kakaibang kulay. Weird na maskara.

Magsasalita na sana ako dahil mukhang namang wala siyang balak sagutin ang tanong ko. Pero hindi ko nagawa ng bigla siyang tumawa na akala mo kontrabida sa isang teleserye o pelikula.

"Sinabi ng sino ka?"pangungulit ko.

Naikuyom ko ang aking dalawang kamao ng mas lumakas pa ang tawa niya.

Napakunot noo na ako dahil dun.

"Kontrabida yata ang isang ito. Kinakalaban ang bidang katulad ko."mahinang bulong ko.

"Mga tanga talaga ang mga taong yun. Pagmamalan ba naman akong si Kurou. Mas maganda naman siguro ako dun."natatawang sabi nito

Tumaas ang isang kilay ko. Hinayupak ito mas maganda raw siya sa akin.

"Hindi rin. Mas maganda siya saiyo dahil in the first place mas mabango at mas maganda ang long hair niya."napipikong sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit napipikon ako sa pagkukumpara niya sa aming dalawa. Para tuloy akong batang na nakikipag away sa impostor na ito.

Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon