Chapter 23:

1.6K 42 1
                                    




Kurou






"Bakit may pasa ka?"bungad niyang tanong niya ng makalapit ako.

Hindi ako sumasagot. Nakatingin lamang ako sa kanya habang tahimik na umiiyak. Kung wala siguro ako sa harapan niya ay umatungal na ako ng iyak.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Bakit ka umiiyak? Ano bang nangyari?"nag aalalang tanong niya.

Nanatili akong tahimik. Kasi naman kahit ako hindi ko alam kung ano ba iyong kinaiiyakan ko. Iyong pasa ko sa mukha na gawa nung mga miyembro ng Oregon kuja o iyong makita siyang may hinahalikang ibang babae na ang masaklap ay akala niyang totoong Kurou.

Napatingin ako ng diretso sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko at hinila ako ng marahan.

"Umuwi na tayo. Gamutin natin iyang mga pasa mo."sabi niya at hinila ako palabas sa lugar na iyon. Dumiretso kami sa sasakyan niyang nakaparada sa bukana ng Royale Park.

Habang nasa byahe pa uwi ng mansion nila ay tahimik ang namayani sa aming dalawa. Napansin kung ang lalim ng iniisip niya. Napailing ako at umiwas ng tingin. Hindi ko namalayang tumulo na naman and luha ko. Naiinis ako dahil hindi naman mababaw ang luha ko kaya hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ng ganito ngayon.

Narinig kong nagsalita siya ng mahina kaya binalingan ko siya. Nanlaki ang dalawa niyang mata ng makitang umiiyak ako. May kung ano siyang kinuha sa kaniyang bulsa gamit ang isang kamay. Nakita kong panyo ito.

Tinanggap ko naman ang panyo at pinunas sa mukha ko para mawala ang mga luha ko.

"Masakit kasi itong pasa ko."pagsisinungaling ko.

Tumahimik ako at pumikit. Naiintindihan ko na yung sinasabi sa mga librong nabasa ko. Doon sa istoryang nabasa ko. Nahuli nung bidang babae yung mahal niya na may kahalikang iba. Dati wala paki sa mga ganoong bagay. Pero nung mapag tanto kung mahal ko siya. Doon ko naisip na pwede pala iyong mangyari sa akin. Ang nakakaasar pa, yung taong gusto ko iba ang gusto. Eh, ako rin naman iyong nagugustuhan niya.

Ang gulo lang.

Dapat nga matuwa ako dahil ako rin naman iyon. Kaso lang nakakaselos dahil naniwala siya doon sa impostor na iyon ng ganun kadali. Hinalikan niya pa at kitang kita pa ng dalawang mata ko.

Flashback:

Nang iniwan ako ni Ashter para kausapin yung lalaking mukhang sumo wrestler ay nahagip ng mga mata ko ang isang babaeng nakatalikod malapit sa pwesto ko. Pang dancer sa club lang naman ang suot niyang damit. Yung bukas ang likod na hindi ko alam kung anong tawag doon. Backless yata.

Aalisin ko na sana ang tingin ko sa kanya. Pero ng hawiin niya ang buhok niya pakaliwa ay nakita ko ang tatoo niyang nasa likod malapit sa kanyang balikat. Kaagad akong tumakbo papalapit sa kanya. Alam kong sinasadya niyang magpakita sa akin dahil ng maramdaman niyang papalapit ako ay mabilis siyang tumakbo paalis.

Hindi ko na nagawa pang mag paalam kay ashter na aalis lang ako saglit. Dahil ito na ang pagkakataon ko para mahuli ang babaeng impostor na iyon.

Mabilis siyang tumakbo. Nakita kong pumasok siya sa isang Building. Nang makalapit ako doon ay bigla nalang syang nawala sa paningin ko. Nakita ko ang isang karatula na nakasabit sa isang poste na may nakalagay na "Street View." Napailing nalang dahil hindi ko alam ang lugar na ito.

Naglakad ako papasok doon. Nakita ko kasing dito tumakbo iyong impostor na babae. Nakita ko kung paano ako pasadahan ng tingin ng mga lalaking nandito. Sa isang tingin alam kung mga Gangsters sila. Sa itsura ba naman kasi.

Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon