Chapter 42

1.1K 19 1
                                    






Narrator POV:




"Bored na ako!" Sabi niya sa isip niya habang malayong nakatanaw sa malayo.Kaninang kanina pa siya wala sa konsentrasyon habang nag ka-klase ang kanilang guro. Pagkapasok niya palang kaninang umaga ay isang tao kaagad ang una niyang gustong makita. Pero dahil ito ang unang araw ng suspension nito ay hindi niya ito makikita. Nakaramdam tuloy siya ng kalungkutan dahil na sanay na siya na laging nasa tabi niya si Lilo.

Napabuga nalang siya ng hangin sa kakaisip dito. Naagaw ang kanyang pansin ng hindi sinasadyang marinig niya ang pinag uusapan ng dalawa niyang klase sa unahan.

"Oh my gosh?! Talaga? Nakilala mo siya?"gulat na tanong ni Sapphire ang number one na pinaka maingay sa klase nila.

"Yup, ang pogi nga eh! Sabi niya sa amin na mamayang hapon raw ang meeting."masayang sagot ni Enma ang pinaka masasabi niyang balimbing sa klase. Bakit? Laging naka-dikit sa dean.

Balak niya sanang sawayin ang dalawa dahil sa sobrang kaingayan ng mga ito ay nakakabulabog na sa ibang mga kaklase nilang busy sa pag aaral.
Bukod pa doon naririndi siya sa paghahagikhikan ng mga ito dahil halos malapit lang ito sa pwesto nila. Patayo na sana siya ng mapahinto ng marinig ang pangalang binanggit ni Enma.

"Crush ko nga doon si Keith Daniel Chadwick. Ang kaso lang hindi ko makausap ng personal dahil laging ang bilis mawala kapag may meeting"pagku-kwento ni Enma kay Sapphire.

Napangisi si Ashter ng marinig ang pangalan ng taong iyon. Kaagad na may isang bagay ang tumakbo sa isip niya.

Bahagya siyang nagulat ng bigla may tumapik sa kanyang balikat.Ang nakakunoot noong mukha ni Ron-ron ang kanyang nakita pag lingon niya.

"Anong problema Boss?"tanong nito.

Napatingin sa kanila si Trey, Spencer at Kiba na ngayon ay naghihintay sa sagot niya.

"Pupunta tayo mamaya sa Art club."seryosong sabi niya.

Nakita niyang napailing iling si Trey at Spencer sa kanya. Habang si Kiba ay nakakunoot noong nagtataka.

"Anong gagawin natin doon boss?"takang tanong ni ronron.

"Si Keith Daniel Chadwick ng SC ay nandoon. May kailangan lang akong makumpirma."sagot niya.

"Ano naman iyon?"curious na tanong ni Trey.

"Basta."mabilis na sagot niya dito.

May isang bagay ang hindi mawala wala sa isipan ni Ashter. Iyon ay ang pag nanais na malaman pa ang lahat lahat ng tungkol sa SC members. May kutob siya na hindi basta bastang mga estudyante lamang ito.

Nabalik siya sa reyalidad ng biglang umalingaw ngaw ng malakas ang alarm system ng buong school. Hudyat na may hindi magandang nangyayari sa eskwelahan.

"Wang! Wang! Wang! Wang!!!!!!"

Napalabas ang lahat ng mga estudyante sa kani kanilang mga classsroom. Mayroong nagtatakbo, mayroon namang sigaw ng sigaw. Lahat sila nag pa-panic at nag tataka sa kung anong nangyayari.

Nagkatinginan ang mga kaibigan ni Ashter at sabay sabay na tinignan siya.

"Lets go!"sabi niya at dali daling tumakbo palabas.Tahimik namang sumunod sa kanya ang mga kaibigan.

Pagkalabas nila ng kanilang building ay naabutan nila ang napakaraming estudyanteng nag titipon sa napakalaking football field ng eskwelahan. Napakunoot ang kanyang noo ng mapansing may kung anong tinitignan ang mga ito sa kung saan.Dali dali silang lumapit doon. Binigyan naman sila ng daan ng makita ng mga estudyante na paparating na sila.

Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon