Kurou
Kung pwede lang umalis sa kinauupuan ko ngayon ay kanina pa ako bumaba sa kotse niya. Ang sama kasi makatingin nitong si Ashter na kasalukuyang pinupunusan ang mukha niya dahil sa ginawa kong pagbuga ng tubig.
"Pasensya na. Nakaharang ka kasi. Tapos nakakagulat pa iyong mga sinabi mo."pagdadahilan ko.
Napansin ko ang pag irap niya sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nag sorry na nga ako. Ayaw niya pa. Ang arte!
"Anong kagulat-gulat sa sinabi ko. Wala ba akong karapatang magkagusto sa isang babae? Lahat ng tao may karapatang umibig. Abnormal lang iyong walang nagugustuhan."nakangiwing sabi niya.
Napakunot noo ako dun.
"So, ibig sabihin abnormal ako?"
Literal na umarko ang isang kilay niya sa narinig.
"Hindi ka pa nagkakagusto sa kahit sinuman?"
Napaisip ako saglit sa sinabi niya. May nagugustuhan ba ako? Parang wala yata.
"Wala. Kasi gusto ko lang kumain."sagot ko.
Sumimangot ang mukha niya na obvious na iritado.
"Iba ang gusto sa tao at gusto sa pagkain. May lahi ka talagang patay gutom."
Ako naman ngayon ang sumimangot. Hindi na siya nagsalita pa. Nakatitig lang siya sa akin tapos ilang saglit pa ay natigilan.
"Bakit?"bored na tanong ko sabay hikab.
Mukhang inaantok na ako. Maaga na kasi akong nagigising.
"Teka, hindi ba sinabi mo nung isang araw na may gusto ka sa akin?"
Ngumiwi ako ng maalala ang tinutukoy niya. Ito yung pagka-confess ko sa kaniya nung isang araw.
"Dont tell me na nag sisinungaling ka sa akin?"
Pilit akong natawa at kinamot ang tuktok ng ulo ko.
"Sinabi ko ba iyon?"
Ngayon ay pinupunto niya ang pag amin ko nga sa kaniya nung nakaraan.
"Baliw na nga. Patay gutom pa. Tapos ngayon, makakalimutin pa. Ewan ko saiyo. Nakakainis ka."iiling iling niyang sabi at umayos ng pagkakaupo.
Tahimik niyang pinagmasadan ang mansyon sa labas na nasa malapit lang.
Ang mansyon na iyon ay ang Bonfiglio Mansion kung saan ako nakatira at ang iba pang Capo Bastone. Kanina sa school ay biglang sumulpot itong si Ashter at kinaladkad ako papunta sa koyse niya. Samahan ko raw siyang pumunta dito. Dahil ako ay slave hindi ako naka-reklamo.
Halos nagulat talaga ako ng sabihin niyang gusto niya raw si Kurou.
Samantalang ako si Kurou.
Dahil dun ay nakumpirma kong nagkita na nga kami noon. Pero hindi niya siguro masyadong nakita ang mukha ko kaya hindi niya ako nakikilala ngayon. Basta alam kilala niya lang si Kurou.
Nakahinga na ako ng maluwag dahil safe pa rin ang misyon ko. Magagawa ko pa rin ng maayos. Buti nalang talaga ng magkita kami noon ay hindi niya nakita ng buo ang mukha ko. Naalala ko ang araw na iyon. Sinong mag aakalang magkikita kami ulit ngayon.
Pero sa kabilang banda, may naisip akong ideya. Ngayong nalaman kong may gusto siya sa akin bilang ako si Kurou talaga. Pwede ko ng sabihin sa kaniya na ako si Lilo at Kurou ay iisa. Para tapos na ang misyon ko at hindi ko na kailangan pang pumasok sa eskwela.
![](https://img.wattpad.com/cover/52101107-288-k848953.jpg)
BINABASA MO ANG
Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)
AzioneSi Kurou ay isa sa tinaguriang Dry ice queens at ika-siyam na Capo Bastone ng Bonfiglio Famiglia. Siya rin ang isa sa pinaka-malakas sa kanilang grupo dahilan para iwasan siya ng karamihan na nakakilala sa kaniya. Sa panlabas na anyo ay isa siyang...