Ashter
Tahimik akong nakamasid sa paligid habang nakasandal sa kotse ko. Medyo naiinip narin ako sa paghihintay sa kanya. Ang paalam nilang tatlo ay may pupuntahan lang sa library kaya pumayag ako. Pero bigla akong nag alala kay lilo. Paano kung biglang sumugod dito iyong oregon kuja. Wala pa naman ako sa tabi niya. Naisipan kong hintayin nalang sila para maihatid ko siya pauwi.
Napaayos ako ng tayo ng marinig ko na sa di kalayuan ang ilang boses na naguusap.Tahimik lamang akong nakikinig sa pinag uusapan nila.
"Nakakahalata na siguro ang mga iyon dahil kanina pa nila tayo nakita na umaaligid sa building nila."sabi nung isang babae na sa tingin ko ay si Chinilyn.
"Kaya nga next time nalang natin ituloy ang pag iimbestiga."sabi naman nung isa pa niyang kausap na si Anilyn.
"Lilo, yos ka lang ba? Bakit ang tahimik mo?"nag alalang tanong ni Anilyn.
"Gutom na ako"sagot nito na ikinangiti ko.
"Gutumin talaga."mahinang bulong ko sabay iling
Natawa ang dalawang kasama niya sa sagot niya.
"Grabe, nakakailang kain ka ba sa isang araw?"may kuryusidad na tanong ni Chinilyn.
Hindi sumagot si Lilo. Nakasimangot lang siyang tinitignan ang dalawang kasama.
Dahil mukhang hindi nila nararamdaman ang presensya ko ay naisipan ko ng lumapit sa kanila.
"Tara na, punta tayo sa bahay para makakain ka na."biglang sabat ko sa usapan nila.
Sabay-sabay silang napatingin sa akin. Nakita kong lumaki ang mga mata ni Lilo at dali-daling naglakad palapit sa akin
"Akala ko nakauwi ka na?"nagtatakang tanong niya.
Ngumiti ako ng tipid.
"I'm worried na baka mapano ka kapag hindi kita hinatid pauwi."sabi ko.
Narinig ko ang pag singhap nung dalawa naming kasama kaya napatingin ako sa kanila.
"Baka nakaka-istorbo na kami."sabi ni Chinilyn.
Natawa lang ako at marahang hinila ang kanang braso ni Lilo.
"Mauna na kami."paalam ko.
Magkasabay silang tumango. Si Lilo naman ay tumango lang sa kanila kaya sabay na kaming naglakad palayo sa mga ito.
Pagkauwi namin ng mansyon ay dumiretso kami sa Dining room. Nakita sa mukha ni Lilo ang saya ng makita ang mga pagkaing naka-handa na sa lamesa. Agad siyang na upo at abilis na nilantakan ang mga iyon. Natatawang pinanonood ko lang siyang kumain. Umupo ako sa kaniyang tabi.
"Dahan dahan baka mabulunan ka."paalala ko.
Tumango lang siya bilang sagot.
"Since nung bata ka ba ganyan ka na kagana kumain?"curious na tanong ko.
Nag aalangan pa ako itanong iyon sa kanya dahil baka ma-offend siya. Ayokong isipin niya na tu-turn off ako sa kanya dahil ang takaw niya. Natutuwa pa nga ako.
Nilunok niya ang pagkaing nasa bibig bago nagsalita.
"Sorry, nung bata kasi ako limitado ang kinakain ko kaya siguro ngayon ko lang na e-enjoy ang pagkain."
Nabigla at naguluhan ako sa sagot niya.
"Limitado? What do you mean? Hindi ka ba nakakain ng mga gusto mo?"
BINABASA MO ANG
Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)
AzioneSi Kurou ay isa sa tinaguriang Dry ice queens at ika-siyam na Capo Bastone ng Bonfiglio Famiglia. Siya rin ang isa sa pinaka-malakas sa kanilang grupo dahilan para iwasan siya ng karamihan na nakakilala sa kaniya. Sa panlabas na anyo ay isa siyang...