Narrator POV:
Dahil sa nangyaring insidente sa Corolla levin University ay bahagyang naantala ang klase sa bawat section. Kanya-kanya ng kwentuhan ang mga estudyante tungkol sa nangyari. May mga natatakot, mayroon namang okay lang na walang reaksyon. Kung mayroon mang tao ang busy sa pag iisip ng mga bagay bagay sa nangyari. Ito na marahil ay si Ashter ang warlord king ng lugar na ito.
Kasalukuyang nakapikit at tahimik lamang siyang nakaupo sa isang tabi habang nakikinig sa mga kaibigan niyang kasalukuyang kausap ang mga head security ng school nila.
"Sorry po, wala talaga kaming nakita sa CCTV video."hinging paumanhin ni Mr.Reynolds ang head security sa eskwelahan nila.
"Okay, sabihin ninyo lang sa amin kung may mga bago kayong nalaman."sabi ni Kiba.
Napamulat si Ashter ng marinig ang pagsara ng pinto ng silid. Nasa paboritong tambayan silang lahat para pag usapan ang mga nangyari kaguluhan ngayong araw.
"Hay, mukhang mas mabilis pa sila sa mga expertong magnanakaw. Ang bilis nila. Wala talaga silang iniwang bakas "umiiling iling na sabi ni Ron-ron.
"Sa ginawa nilang ito, mas lalong kapani-paniwala ang hula nating nandito lang sila sa school."sabi naman ni Spencer.
"Boss, ano ng gagawin natin?"tanong ni Trey kay Ashter.
Nagpakawala siya ng mahabang buntung hininga bago sumagot sa tanong ni trey.
"Ganun pa rin, man-manan ang lahat ng estudyante sa school na ito."
Ibinaling niya ang tingin kay Kiba.
"Utusan mo sila Jiggs para tumulong."sabi naman niya duto.
Napakunoot ang noo ni Ron-ron sa narinig.
"Wait. You mean lahat?"takang tanong nito kay Ashter.
Mabilis namang tumango si Ashter bilang sagot.
"Why? Akala ko ba tanging mga student council member lang ang pinaghihinalaan natin?"dagdag na tanong pa ni Ron-ron.
Napasimangot si Trey doon.
"Tsk. Hindi ka talaga nag iisip. Hindi ba hindi natin alam kung sino-sino ang pitong miyembro ng student council. So, para mapadali iyon. Kailangan nating imbestigahan silang lahat."paliwanag niya.
Napatango nalang si Ron-ron.
"Paano natin yun gagawin?"tanong ni Spencer na bakas ang pagtataka sa mukha.
"Simple lang naman iyan. Kunin natin lahat ng student record ng lahat ng mga estudyanteng nag aaral dito. Kapag nahanap natin iyong pitong student council. Tsaka natin sila iimbestigahang mabuti."sagot ni kiba.
"Dude, papayagan ba tayo ng Dean niyan? Hindi ba, bawal iyon makita?" tanong ni Ron-ron.
Sumimangot ang mukha ni Ashter sa sinabi nito. Isa iyon sa kinaiinisan niya sa ugali ng namumuno ng school nila. Kahit siya ang Warlord ng buong lugar ay napapansin niyang walang tiwala ito sa kanya. Bukod pa doon kung itrato siya nito ay simpleng estudyante lang.
"Kung ayaw niyang ipakita iyon sa atin. Tayo ang kukuha."seryosong sabi ni Ashter na ikinatigil ng lahat.
Mababakas sa kanilang mga mukha ang pagkagulat sa sinabi ng kanilang leader.
"Boss, kahit kailan wala pa tayong experience sa pagnanakaw."nakangiwing sabi ni Ron-ron.
"Oo nga, tingin ninyo ba kaya natin kunin iyon? Eh, nabalitaan ko na ang lahat ng mahahalagang dokumento ng school na ito ay nakatago sa secret room na tanging ang dean lang ang nakakaalam."kwento ni Spencer.
BINABASA MO ANG
Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)
ActionSi Kurou ay isa sa tinaguriang Dry ice queens at ika-siyam na Capo Bastone ng Bonfiglio Famiglia. Siya rin ang isa sa pinaka-malakas sa kanilang grupo dahilan para iwasan siya ng karamihan na nakakilala sa kaniya. Sa panlabas na anyo ay isa siyang...