Rikky's POV
~~Agustus High~~
Ito ang first day ko sa school na to and to tell you guys kinakabahan ako. Ok lang naman kasi kasama ko naman si pinsan. YahOoo~
"Ahh pinsan una ka na pala may nakalimutan pa akong book ko eh, saka may meeting nga pala kami kailangan ko talagang bumalik. Sorry"
Kasalukuyang papunta kami dapat sa office para kunin yung susi ng room ko (yung number ng room ko) at yung susi para sa locker ko (andun kasi yung uniform ko) Problem is kailangan nya bumalik sa dorm para sa book at meeting 'kuno' nya.
"Ok lang. Sigeh na!" pumunta naman ako agad sa direction na itinuro nya sakin, where the office is.
*lakad*lakad
*creeeek~*
"Oh ba't di ka pa naka-uniform? Alam mo bang mali-late ka na sa klase mo? 8 ang pasok! Bilisan mo na. . . !" sinalubong ako kaagad ng sermon sa lalaking nakasuit na may katandaan na sa tingin ko ay nasa 50+ na ang edad, bukod dun mukhang sya ang principal dito". . .alam mo ba na may punishement ang di sumusunod dito?"
With my tone like a men~
"Morning Sir. Sorry po~ 'Im just new here'. Kukunin ko lang po yung susi ng room at locker ko para makapagpalit at makapasok na sa klase." tiningnan nya lang ako ng OK-GETS-NA-KITA-LOOK
"Ahhh ganun! Ba't di mo agad sinabi?" paano ko naman sasabihin eh sinermunan na nya ako kaagad. ". . . .ikaw pala ang transferee dito!" pagtuloy nya. Pinaupo nya muna ako at saka binigay na ang mga susing hinihingi ko.
"Welcome to Augustus High!"
"Ahhm. . .salamat po sir!"
Matapos kong pumunta sa office dumiretso naman ako dito sa locker room.
Nakapamulsa akong naglalakad papunta ng locker. Ang cool ko!
*lakad*lakad*
"67?" sabi ko habang hinahanap yung locker ko.
"Sixty-seven?" lakad ko sa may bandang kaliwa. With matching turo pa.
Sinasabi ko yan ng boses lalaki, baka kasi may makita at mabuking ako kaagad eh.
Number 60 na ako. Malapit na siguro yun.
"Nakakapagod! Asan na ba yun? 67?" Naglakad ule ako sa may bandang dulo. Nakatingin lang ako sa mga locker number. (drower style sya)
"66. . .na yehey!" Lumakad pa ako ng konti ng matalapid ako sa humps?
Teka! may humps ba sa loob ng locker?
"Waaaahh~" sigaw ko
"Ouch~" sabi naman ng humps, kung saan ako natalapid.
Tiningnan ko naman sya. Ang gwapo nya, para syang anghel. Ang bango pa nya. Bago pa tumulo ang laway ko tumayo na ako kaagad para mag-sorry. Psh dapat sya nga eh.
"Sorry pa--"
"Geez! Mag-ingat ka nga!" Galit nyang sabi. Binabawi ko na mukha syang anghel. "nextime tumingin ka sa dinadaanan mo!"
Tumingin sa dinadaanan??? Ako pa ang dapat tumingin??? =_=+++
Aba! Sya pa etong galit dapat ako nga eh. Buset first day ko, mali-late agad ako.
". . .abala sa pagtulog!" dugtong nya pa.
Ngayon ako pa ang abala??? Buset talaga. =_=+++
BINABASA MO ANG
I'm just checking on my Fiancee (Completed)
Teen FictionNagpanggap ka para hanapin at kilalanin ang iyong fiancéé. Paano na lang pag nalaman nya ang totoong pakay mo? Magalit kaya sya? Ano na lang kaya ang magiging reaksyon ng mga kaibigan mo sayo? Ng mga taong nasa paligid mo? Maging maayos kaya o ma...