@school
Rikky's POV
Time na namin ngayon para magtest. Hayy! Di na ako umaasa pa na makakapasa ako dun. Hayy! Kainis dapat makapasa ako dun para makahabol na rin ako sa mga points.
Nakakainis lang di ako masyadong makapagconcentrate. Pero sa tingin ko nasagutan ko naman lahat yun. Kahit na ganun may natandaan naman ako sa ilang nabasa ko.
Di lang ako sure =_=9
~~after checking the test~~
Tapos na weekly test namin. Grabe kinakabahan ako sa resulta. Kahit na sabihin mong weekly test lang yun. Aba! Malaki rin ang puntos nun kahit na papaano.
Ngayon bigayan na ng papers yung mga kaklase ko inaabot yung mga papers nila mula kay Sir.
"Lyndon" tawag ni Sir sabay abot ng papel sa kanya. Ang saya ni Lyndon nakapasa siguro sya.
"Sir selfie po!" *click*click* Ngumiti naman si Sir. Pinakita pa ni Lyndon yung score nya 40 out of 50. "...thank you po! pang fb lang po. Hehe"
Di na masama! Hayy yung akin kaya? Baka 4 out of 50 lang siguro yun.
"Jason..." mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura nya.
"Yey! Pasa ako" sabay apir nila ni Jaden. Nagjojoke lang pala. "Oh? Yung pusta mo huh!" Mahinang sabi nya kay Jaden
"Zack"
"Thank you Sir!" sabay talikod at subo ng maliit na chocolates mula sa likod nya. Nagtawanan naman yung ilan sa mga classmates ko.
Sa klase kasi namin na 'to bawal kumain. Mukhang di na kasi sya makatiis at kating-kating lumamon ng chocolates nya.
"Jaden" sabay kuha ng papel nya kay Sir at pakita kay Jason.
"Hahaha mataas ako sayo pare! Manlilibre ka huh!" Sabi nya kay Jason
"...grabe ka! 1 pt lang naman yung lamang eh" nag-uusap sila na parang mga bubuyog dito sa gilid ko kaya naririnig ko.
"Quiet class!"
Ang tagal naman ng papel ko...
"Let's call on Jester & Rikky. They got the highest points!" Walang nagreact sa sinabi ni Sir.
"weh??? Highest ako??? Hehey!!!" hayy nakakahiya!!! "Sorry...!" di naman dapat sabihin pa yung nasa utak ko eh
"Wow! Transferee! Matalino ka pala? May kalaban na pala sa klase si Jester eh" sabi ni Lyndon dito sa may gilid ko
"Haha! Anu ka ba? Nakachamba lang ako. Ang totoo di naman ako masyadong nakapagbasa eh!"
"Tsk!" Sambit naman ni Jester sa may likod ko.
Tsk! Ka rin...!!! Pero masaya ako dahil na kapasa ako. Buti na lang kahit na papaano may sumiksik pa pala sa utak ko kahit madami akong iniisip.
***
Lyndon's POV*click*click*
"...thank you po! pang fb lang po. Hehe" gamit ang cp ko
POST
---
May mga bagay talaga na pinagsusumikapan mo? Makakamtan mo ang tagumpay sa huli...!
#WeeklyTestXD---
***
Jester's POVButi na lang at di napapansin ni Sir yung Cp ko dito sa may ilalim ng table ko. Chine-check ko yun baka kasi may importanteng lumabas na news about my fiancee.
Alam nyo ba na walang nakakaalam sa mga kaibigan ko na may fiancee na ako! Di naman sa wala akong tiwala, ayoko lang na malaman nila.
Napa-tsk na lang ako ng wala sa oras. Paano ba naman kasi Dad send me again a picture of my fiancee. Picture nya nung bata pa sya.
Hmm! Ang cute nya dun sa picture este yung pusa pala.
Dun sa picture may kasama kasi syang persian cat na kulay brown.
Malalaman ko rin kung sino ka! *smirk*
~~fast forward~~
3 days past after the test
Bukas na ang laban ng tatlong dorm. Di ko na kailangan sumali pa dun. Alam ko namang kaya na nila yun.
After kasi ng test namin ay pinaghanda na kami sa preparation para sa dorm activity. Pero gaya nga ng sabi ko kaya na yan ng mga ka-dorm ko.
Alam nyo ba na hindi ako mapalagay sa tinanong ni Transferry sakin. Ang totoo gusto kong tumakbo, pero hirap na hirap akong gawin yun.
Nandito ako sa may bleachers at pinapanuod ang ilang nagpa-practice para sa laban nila bukas. Kinukuhaan ko sila ng pictures para maidocument ko.
*click*click*click
"Wow! Ang galing pala nya mag-soccer." mahinang sabi ni Transferee.
Nakita kong kumaway si Lyndon sa may parte ko, ang akala ko para sa akin para pala kay Transferry. Kumaway din si Transferry.
*click*click*click
Para syang nakakita ng kung ano at naestatwa sa pwesto nya dahilan para...
*boogsh* natamaan sya ng bola.
*click*click*click
"...best shot ito" gusto ko talagang tumawa sa itsura nya haha.
Lyndon's POV
Andito kami ngayon sa field at naglalaro ng soccer bukas na kasi yung laban eh.
"Ang galing mo tol" sabi ng kateammate ko ng mai-goal ko yung bola.
Alam nyo ba since pumasok si Rikky dito sa school pakiramdam ko may kakaiba? Ewan ko kung ano yun.
"Yeahh...malamang panalo na tayo bukas!" sabi uli ng kateammates ko
Pakiramdam ko nasa akin ang kakaiba eh, di ko malaman kung ano yun.
"Oo naman, syempre!" Ngumiti na lang ako. Sabay thumbs up.
Napansin ko naman si Rikky dun sa may bleachers kaya kumaway ako, kumaway din sya.
Para akong naestatwa sa pwesto ko. Bakit ganito, feeling ko nagblur at nagslow mo ang paligid at sya lang ang nakikita ko.
Ano bang nangyayare sa akin?
*boogsh* natamaan lang naman ako ng bola.
xxx
ano kayang mangyayare sa dorms activity nila? may makaalam na kaya na ng lihim ni Jester?
keep reading! love lots!
-me_yaows
BINABASA MO ANG
I'm just checking on my Fiancee (Completed)
Teen FictionNagpanggap ka para hanapin at kilalanin ang iyong fiancéé. Paano na lang pag nalaman nya ang totoong pakay mo? Magalit kaya sya? Ano na lang kaya ang magiging reaksyon ng mga kaibigan mo sayo? Ng mga taong nasa paligid mo? Maging maayos kaya o ma...