I dont remember anything!

758 14 0
                                    

Rikky's POV

...ang sikip naman.

Naalimpungatan ako ng madaling araw dahil nakaramdam ako uhaw, di agad ako bumangon kasi feeling ko matutumba ako pagginawa ko yun.

Gumalaw ako ng konti, habang hinihila pataas yung kumot.

...teka ba't ganito yung amoy ng kumot ko at nagtaka ako ng may nakayakap sakin sa bewang, Kaya pala ang sikip. Kanino bang braso 'to, at saka bakit feeling ko wala akong suot na damit.

..whhhhaaaaaaahhhhhh...!!

Minulat ko agad yung mata ko at agad na tinanggal ang kamay nya sa bewang ko saka humarap sa kanya.

"JESTERRR!?!?!" pinagpapalo ko sya.

Nalaglag ako sa kama ng may magwisik ng tubig sa mukha ko.

*boink*

"Oyy transferee bumangon ka na nga dyan. Kumain ka na."

"ouch~" sabi ko naman sabay hilot sa ulo ko at pwetan kong lumagpak sa sahig.

...nananaginip lang pala ako, hayy buti naman. c:

Tumayo naman ako agad at duon ko lang napagtanto na ang lapit ng mukha namin sa isa't isa, napablink-blink tuloy ako.

Lumayo naman sya agad at pumuwesto sa may living room at kumakain, tumingin ako sa pinagbagsakan ko.

"..teka sa kama mo ba ako natulog?"

"Geez! Di ba obvious."

OO?!?! means yes, tama, correct, absolutely! oh-my-juice! hindi naman kaya nalaman na nya kung sino talaga ako. Tiningnan ko naman yung suot ko ganun pa din pero wala na yung suit ko.

"bakit ka nga pala uminom? bawal yun ah..!" sabi nya pa habang di nakatingin sakin.

"ahhm..a-ahmm, an-no kasi namali ako ng dampot ang akala ko kasi juice yung nakuha ko, sorry naabala tuloy kita.."

"hmm.."

"teka..?? wala akong matandaan kagabi, ano bang nangyare bakit ako nakauwe, alam ko ka--"

"..nakasalubong kasi kita sa daan." tas umupo muna ako sa may living room "Geez! ang dami mong tanong." mabilis na sagot nya pa.

"..teka lang, wala ba akong nasabi o nagawa kagabi?"

"..wala!" sabi nya "geez" mahinang sabi nya sabay hawak sa noo nya habang kumakain.

"..hihi thank you sa pagtulong sa' kin kagabi!" ^^

Sabi ko sabay punta sa banyo at hilamos ko, matapos nun dumiretso ako sa dinning area.

"ikaw nagluto?" ^^

...ang bango naman nito.

Matapos kong kumain ay biglang nagsalita si Jester.

*burp*

"since, naabala mo naman ako kagabi..ikaw ang bahalang mag-intindi dito sa bahay." sabi nya habang nagbabasa ng book nya.

hayy kainis ako lahat ang gagawa?

"..grabe ka naman!"

***
Jester's POV

(a/n: part na di matandaan ni Rikky;)

Matapos naming sumayaw ay umalis na agad ako at saka pumunta kay Mobby para pakainin sya.

"arf! arf!"

I'm just checking on my Fiancee (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon