[A/N: At Dahil New Year, nagupdate Ako! Hahaha HAPPY NEW YEAR MGA BEH ;**]
"300 Million Pesos is the needed money for the operation"
THREE HUNDRED MILLION PESOS
THREE HUNDRED MILLION PESOS
THREE HUNDRED MILLION PESOS
Saan Ako kukuha ng ganyang kalaking pera sa loob ng dalawang araw?? Sobrang kulang nung pera ko sa banko para dyan. Kinakabahan Ako Kasi Baka Hindi Nila operahan si mama kapag Hindi ko sila nabayaran.
Buti Sana Kung napupulot lang yung pera, o di kaya tumutubo sa puno Kaso Hindi eh! Hay nako pano na yan?! Nahihiya narin akong manghiram Kay Kath Kasi Baka Marami na rin yung pinag gagastusan ngayon. Lalo na at nagpapatayo na sila ni Albie ng mansion Nila. Hays.
Hinawi ko yung mga buhok na napunta sa my bandang pisnge ni mama. Mukhang pagod na pagod sya. Hindi ko napansin na may tumutulo na palang luha sa pisnge ko. Pinunasan ko ito gamit ang kamay kong isa.
"Ma, kapit ka lang ah. Gagawa Ako ng paraan! Makakahanap din Ako ng pera para sa operasyon mo" Sabi ko sakanya habang pinagmamasdan syang natutulog. Hinalikan ko yung noo nya bago Ako tuluyang umalis ng kwarto nya.
>>>>>>>>>>
"I'm sorry miss Pero wala po talagang available na posisyon. Hanap ka nalang sa iba"
Pang sampung establishment na yan. Pang sampung establishment na tinanggihan Ako at wala na rin naman akong maisip na pedeng hiraman ng ganung kalaking pera! Juthko haggard na haggard na ang aura ko at feeling ko magcocollapse na Ako any minute now. Buti nalang at tshirt at pantalon ang gamit ko at Hindi Ako nakabestida.
Naghanap muna Ako ng mauupuan sa lugar Kung nasaan man Ako. Nakakita Ako sa tapat ng isang fancy restaurant at naglakad Ako Papunta ruon at tsaka naupo. Inilapag ko yung mga hawak ko sa gilid at ipinikit na kaunti yung mata ko.
"Hay nako. Haggard!" Sabi ko habang medyo pahiga na yung upo ko sa bench.
"Sis? Jusko Julia! Anong ginagawa mo dito??" Wait pamilyar yung boses. Napaupo ako ng maayos at tinignan ang pamilyar na boses.
"K-Kath??!!" Gulat na Sabi ko.
"Ay Ganern? Parang Gulat na Gulat ka ah?" Sagot naman nya.
"H-Hindi naman, Nabigla lang kasi akala ko nasa opisina ka eh"
"Well actually lumabas lang Ako para maglunch"
"Pano ka umabot dito?" Tanong ko
"Wag mo na alamin. Basta! Teka nga, naglunch ka na ba?"
"H-Hindi pa, p-pero wag n--"
"Hep! Ayoko marinig yan Lika na, eat na tayo ng lunch. Treat Ko" pagkasabi na pagkasabi nya non ay hinila nya Ako Patayo at dinala sa loob nung restaurant Kung saan Ako nakiupo na bench.
Hays.
>>>>>>>>>>
"Oh sis, speak up" Sabi nya pagkababang pagkababa nya ng hawak nyang menu. Tinignan ko sya mata sa mata. Hindi ko nakayanan grabe parang pinapatay Ako eh. Iniwas ko yung tingin ko.
"Sis wala lang talaga, napadpad lang talaga Ako dito Kasi ano uhm may bibilin Sana Ako! OO may bibilin ako." Pagsisinungaling ko.
"Talaga lang ah? at ano naman ang bibilin mo aber?" tanong nya na mukhang hindi kumbinsido sa sagot ko
"A-Ano uhh Lapis, tama lapis! nagdodrawing kasi ako kanina tapos biglang nawala yung lapis ko" tinry ko uli magsinungaling
"Ikaw nga, Julia Mara Hautea Schnittka, wag mo nga akong gawing stupid ah! Bibili ka lang ng pencil pero napadpad ka dito. hmm?? Spill it already!" inis na sabi nya saken
Hay buhay, parang life. Well I tried i guess there is no sense of hiding it. mangugulit lang to ng mangugulit. Nagbuntong hininga muna ako bago sya sinagot.
"*sigh*Promise me first na hindi ka tutulong" sabi ko sakanya
"Pero sis--" i cutted her off
"Kath kasi, Hindi sa hindi ko naappreciate yung effort mo, its just that nahihiya na ako sa'yo"
"But Julia.."
"Please Kath?" I pleaded
"ugh FINE. Just make sure na pag hindi mo na talaga kaya just approach me aight?"
"Ofcourse" i assured her
"So ano na yung problem mo?"
"Ay OO nga pala, Kasi Kath si mama..." panimula ko.
"What about Tita sissy?" she asked and ramdam ko yung concern sa boses nya.
"She was sent to the ER kanina lang and ang sabi ng doctor this maybe the last time na makita ko si mama kung hindi sya bibigyan ng immediate operation. Eh alam mo na sobrang kapos ako sa budget"
"WHAT?! How much ba yan sissy? Maybe i could help y-" I cutted her off
"Diba sabi ko i want you out of this?" I said as i looked her in the eyes
"Julia" Sabi nya and hinawakan nya yung kamay ko. Worried look yung binibigay nya saken and i tried my best not to cry. Ayoko ng drama sa ngayon nawawalan ako ng motivation na maghanap ng pera.
"Kath. Im Fine" I assured her, trying to sound convincing as much as possible. I also gave her a weak smile just to make sure na maniwala sya. She sighed and binitawan na yung kamay ko.
"Oh how much ba?" Tanong nya at minassage ang noo nya. Pagtapos nya ay uminom sya ng tubig.
"300 million Pesos sis" sagot ko. Nagulat ako ng bigla nya nadura yung tubig na iniinom nya causing me to push back my chair
"WHAT? 300 FUCKING MILLION PESOS??? ARE YOU SERIOUS RIGHT NOW SIS?Tell me youre joking" she asked, wide eyed. Kahit Ako nagulat and I almost jumped off my seat. Nagtitinginan na samin yung mga Tao sa loob nung Resto.
"Shhh Kath!" Suway ko sakanya. She gave me an apologetic smile and also yung mga napalingon na Tao sa Resto. Naupo na uli sya at minasahe ang noo nya.
"Jusko Hulya kahit Ako, Hindi ko Keri na magbigay in one go. Oh si dad! maybe Dad can hel--"
"Kath.. Diba Sabi ko Ako na?" Sabi ko sakanya and pinatong yung kamay ko on top of her hands.
"Teka nga, are you sure you can? I mean that's pretty big considering your current financial situation sissy. I am willing to help nga Diba? Si Dad Baka may mabigay sya ng isang bagsakan" she explained. Tanggapin ko ba? Pero Nakakahiya na talaga! Lalo na Kay Tito. Iniling ko yung ulo ko at bumuntong hininga.
"Kath I'm sure. I will find a way out of this. Just gimme time."
She sighed before answering. "Hay nako Hulya. Sige sige papabayaan Kita for now. Pero kapag Hindi mo na talaga Keri I'll give dad a call."
I just gave her a smile as an answer. Pagkatapos nun ay nagusap na kami about random things.
'Sana lang talaga makahanap Ako ng solusyon para dito'
++++++++++++
Haaaaayyyyy pano ba Magkakaron ng ganong kalaking pera si Hulya? ;)Tulong nga dyan guys hahahaha
Labyu.
-AuthorKunyare💕
BINABASA MO ANG
TWO Is Better Than ONE (II) (On hold)
FanfictionThis is where everything really starts ;) (SPG) "Why Choose when you can have both?" -AuthorKunyare