Naglalakad lakad Ako ngayon sa mall nagwiwindow shopping at nagbabakasakali naring makahanap ng store na may nakapaskil na papel sa labas na may nakasulat na 'HIRING'. Sinabi ko Kay Kath kahapon na Hindi Ako hihingi ng Tulong sakanya kaya kailangan kong magtiyaga. Nakakahiya naman dun sa Tao eh.
Napatigil Ako ng makaramdam Ako nang parang may sumusunod sakin. Lumingon Ako sa lahat ng direksyon Pero wala akong nakita kaya pinagpatuloy ko nalang yung paglalakad. Biglang nagring yung phone ko kaya binuksan ko yung bag ko para hanapin Ito kaso medyo magulo yung bag kaya natagalan ako sa paghahanap nito. Nasa gitna pa naman Ako ng daanan sa mall.
"Ay Leche" Sabi ko nang may bumangga sakin at Nahulog yung bag ko at nagkalat yung mga gamit na laman nito. Lumuhod Ako para pulutin ang mga Ito Kaso nabobother Ako sa nagriring kong phone kaya Inipit ko sa may gitna ng tenga at braso ko habang pinupulot yung mga gamit na nakakalat.
[Julia] Hello?
[Unknown] Hello Sissy?
[Julia] Oh Kath napatawag ka, baket?
[Kath] Sissy mabilis lang 'to uhmm may idea na'ko Kung San ka makakahingi ng tulong agad agad karaka raka!
[Julia] Diba Kath Sabi ko sa'yo Hindi ak-
[Kath] Gaga Hindi sakin!
[Julia] huh? Eh kanino naman?
[Kath] Malamang sino pa bang kilala natin na super rich?
[Julia] Oh my gahd, No
[Kath] Oh my gahd, Yes! Sige na nasabi ko na suggestion ko Baka pagalitan na'ko ni babes. Try mo Hulya ah? Byiee balitaan mo nalang me. Labyu
[Julia] Pero Ka--Hindi ko na natuloy yung gusto kong sabihin sakanya kasi binaba nya na yung Tawag. 'Hayss Hindi pwede' I thought habang pinupulot yung mga natitirang gamit ko. Napatigil Ako nang may mapansin Akong pirasong papel na nakabaliktad sa wallet kong nasa sahig din. Pinulot ko muna yung wallet ko bago pinulot yung papel.
"Calling Card ng Company" I said to myself. Tinititigan ko yung papel at Kung ano anong pumapasok sa isip ko. Pati na yung offer Nila.
'No Julia. Hindi mo pwedeng Tanggapin ang alok Nila' Sabi ko sa sarili ko habang iniiling yung ulo ko. Nilagay ko na Lahat ng natirang gamit na nakakalat sa sahig sa bag ko at yung calling card naman sa bulsa.
>>>>>>>
Nasa pila na Ako ng FX pauwi samin. Wala! Wala akong mahanap na trabaho. Well who am I kidding? Wala ring mangyayare Kung makahanap man Ako ng trabaho Hindi rin naman ganon kalaki kikitain ko tsk. Nagaalala na'ko Baka nga baliwalain na Nila si mama :(
"Uy beh ang pogi pala nung may ari nung kompanyang PG noh? Nakita ko sa isang article Jusko parang mga model eh! Christian Grey lang ang peg!" Sabi nung girl 1 sa likod ko na nakapila din
"Talaga? Oh my gosh beh mamaya nga isesearch ko yan!" Sagot naman nung kasama nya
"Hahaha Sige beh ah tapos message mo ko mamaya!" Girl1
"Okay. Ang sarap siguro maging asawa yun noh? Hihihi" Girl2
"Kaya nga eh! Lalo na kapag nakasama mo pa yun sa higaan *tili*" Girl1
Ay Jusko Sakit sa Tenga nitong dalawang 'to. Sarap tirisin eh! Ang lalande pa amph.
[a/n: iihhh selos hahaha]
Heh! Hinde author bat naman Ako magseselos Kung alam ko naman na Ako ang gusto non Bleh :P
[a/n: Ay Grabe sya Oh! Sige na tahimik na'ko]
Good! andito narin yung konduktor eh. Pumasok na Ako sa fx at sa Katabi Ako ng driver pumwesto. Pumasok narin yung ibang pasahero at Umandar na yung sasakyan. Isinandal ko nalang yung ulo ko sa may bintana nung kotse at Tumingin sa labas. Medyo malayo layo narin yung natatakbo nung sasakyan nang mag vibrate yung phone ko.
BINABASA MO ANG
TWO Is Better Than ONE (II) (On hold)
FanfictionThis is where everything really starts ;) (SPG) "Why Choose when you can have both?" -AuthorKunyare