Chilling

224 11 1
                                    

[BELATED HAPPY NEW YEAR!!]

Julia

NASA kwarto nya kami ngayon at Masayang pinagmamasdan ko syang natutulog habang nakahiga sya sa lap ko. Napaka spacious ng kwarto nya at panglalakeng panglalaki yung design. Black and white yung kulay at medyo pang teen age type yung theme. Lumalabas yung totoong edad nya sa disenyo nung kwarto iihh. Hindi Makalat dito Infairness! at Amoy Daniel din, lalo na yung unan! Ang sarap dalin sa kwarto ko ehh ahaha

I traced my fingers on the line of his jaws to his cheeks hanggang sa pinakataas ng ilong. Biglang nagscrunch yung mukha nya at pinigilan ko yung sarili kong magGiggle ng malakas. Ang Cute eh! Hinawi ko yung mga buhok na tumatakip sa mukha nya at hinalikan sya noo.

Ang pogi talaga nilang magkapatid. Baka pati bulag eh mainlove sa 'looks' Nila iihh. Sarap sarap nyang pang titigan ng ganito lang. Napakapeaceful at Hindi yung stressed na Daniel sa opisina. I would feel so blessed Kung habang buhay may times na ganito kaming dalawa.

But No.

May contract kami. Hindi ko alam Kung hanggang kelan pero iisipin ko palang na matapos yung kontrata eh nagiging miserable Ako. Ang Hirap isipin. Naguluhan nga Ako Kasi sabi Nila wala daw exact date Kung kelan matatapos yung kontrata. They will dismiss me kapag ayaw na Nila sakin. Ang pangit pakinggan noh? 'kapag ayaw na Nila' Hayss. Napasimangot ako and focused on his face instead para makalimutan ko yung nasa isip ko.

Bigla namang nagflashback sakin yung time na tinanggihan ko yung offer Nila pati yung ayaw Nila Ako pasamahin dun Kay James.

'Dont leave. Please' Sumikip yung dibdib ko nang matandaan yung scene na yun. Their faces...Their eyes. It looked so hurt na Parang Hindi lang Ako ang sinasabihan Nila.

I want to know them more. I want to know them personally and be there for them. Napakasecured ng mga expression na Ipinapakita Nila sa ibang Tao na minsan bigla nalang silang sisimangot ng walang dahilan. Katulad kanina, ang galing nyang takpan yung dapat na nararamdaman nya. Hayss.

Ang dami dami kong gustong itanong sakanila. Every day kasi masyado na akong nagiging attached sakanila na para bang boyfriend ko talaga sila kahit na alam ko sa sarili ko na Hindi yun Totoo Kasi this is all an act. Para takpan yung real reason na isa lamang akong bayaran na babae. Ako lang naman ang may feelings dito eh. They see me nothing more than a 'courtesan'.

"It hurts" Bigla nalang lumabas sa bibig ko nang Hindi ko namamalayan and a tear fell on my cheek. Letse bakit ang emotera ko??!! Pinunasan ko Ito and He groaned. Naramdaman ko yung kamay nya na hinawakan yung kamay ko. Napangiti naman Ako sa ginawa nya. Pero napalitan din Ito kaagad nang bigla syang naglabas ng tunog na para bang sinasaktan sya.

"Nrngh. D-Dont Go . . Please! I'm begging you. We'll do anything. S-stay" he said while his eyes are closed. Parang Paiyak na sya and Hindi Ako nagkamali dahil saglit lang ay may tumulong mga luha galing sa mata nya habang palipat lipat ng posisyon yung ulo nya. Hinahaplos ko sya sa dalawang pisnge habang hinawi yung mga buhok na nalaglag sa mukha nya.

"Daniel.. Sshh gising na. Wag ka na umiyak andito lang Ako" Sabi ko habang hinahaplos parin yung pisnge nya. Grabe ano bang nangyayare? Parang libo libong kutsilyo yung tumutusok sa puso ko makita syang ganito. Ang Sakit parang pinahirapan sila ng grabe.
Tumigil sya at naramdaman ko yung mahigpit na hawak nya sa kamay kong nakahawak sa pisngi nya. Dinilat nya na yung mga mata nya and I've never seen eyes this beautiful/sad in my life. Lalong nakita yung kulay ng mata nya even though nakocoveran ng luha. Sobrang lungkot ng mga Ito na para bang gusto ko na din umiyak.

"Baby!" Halos Pumiyok na sya nang tawagin yung pangalan ko at tsaka umupo para yakapin ako. Hindi na Ako nag dalawang isip pa at niyakap sya pabalik habang hinihimas yung likod nya para kumalma sya.

TWO Is Better Than ONE (II) (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon