Im Moving Out!

388 28 0
                                    

[a/n: Sa Susunod na yung pictures wala pa Kami net eh 😭😭]

"*sigh* Mamimiss Kita TV. Mamimiss din Kita Ref, Ikaw din sofa pati na rin Ikaw oven tapos Ika--" Naputol yung pamamaalam ko nung tinapik Ako nung lalaking mukhang bouncer na nagsundo sakin dito sa bahay.

"Ms. Schnittka, We really need to go" Sabi nya. Napabuntong hininga Ako at tinignan muli ang bahay Kung saan Ako lumaki. Saan Ako unang natutong maglakad. Saan Ako, basta! LAHAT NG FIRST ko dito nangyari sa bahay na Ito.

"Alright. Just give me five more minutes" sagot ko sakanya. Tinanguan nya lang Ako as an answer at tsaka lumabas ng bahay. Naupo ako sa sofa namin sa huling pagkakataon at Tumingin sa ceiling fan.

"Baket Kasi kailangan pang Duon tumira?" Tanong ko sa sarili habang nakatingin parin sa itaas.

[FLASHBACK]
It's been four days simula nung araw na tinanggap ko yung alok Nila. Wala na akong magagawa eh kailangan ko talaga. Naoperahan na naman si Mama and nagsabi ang doktor na Baka mga isang buwan nalang na stay dun sa ospital ay pwede na syang umuwi. And ofcourse Masaya Ako. To the highest level ang saya na naramdaman ko nung araw na yon.

Sa apat na araw na nakalipas simula nung Tanggapin ko yung alok Nila ay pumapasok na Ako sa opisina. Hindi sa Kanila ah! Wala namang nangyayari samin wala ring nakakaalam sa opisina kami lang talaga. Tsaka hindi naman Nila binanggit Kung kelan Ako magsisimula dun eh. Hindi ko na nga rin sila masyadong nakakasalubong. Well maganda naman yun atleast wala pang nangyayari kinakabahan pa Kasi Ako.

Inayos ko nalang yung mga nakakalat na files sa desk ko at naglinis ng onti. Natigil Ako nung tumunog yung telephone sa cubicle ko at si Janella ata yung nagsalita.

"Ms Schnittka, please proceed to the main office immediately. Thank you" Sabi nung voice dun sa telepono. Binilisan ko nalang yung pagayos ko dun sa gamit ko at nagmamadaling nagtungo dun sa elevator. Habang naghihintay Ako ay pinagmasdan ko yung reflection ko dun sa elevator door.

Hoodie?

Check.

Pants?

Check.

Rubbershoes?

Check.

All the clothes you need to make you look unlady like. Oo na Ako na lalaki manamit. Sorry naman okay? Hindi ko lang talaga kaya na mag bestida sa Lahat ng Oras. Hindi Ako comfortable. Tsaka Hindi naman required sa opisina na laging nakabestida eh.

>>>>>>>

Nandito na Ako ngayon sa tapat nung main office Nila hinihintay ko lang na lumabas si Janella as a signal na pwede na akong pumasok. Bigla naman akong Nakaramdam ng prisensya sa gilid ko at napalingon Ako dito. Isang lalaking matangkad na medyo may edad na yung nasa gilid ko ngayon. Parang wala syang emosyon at diretso lang ang tingin. Humarap nalang uli Ako dun sa pintuan at sakto namang lumabas si Janella.

Pinapasok nya na kami at Pagkapasok namin sa loob ay napatayo sina sir Enrique at Daniel.

"Julia, come here. Please take a seat" Sabi sakin ni Sir Enrique at itinuro yung upuan sa tapat nung desk Nila. Naglakad na Ako Papunta dun at naiwang nakatayo yung lalaking kasabay ko.

"Ahh Mr.Sy! Welcome. Please take a seat too" sabi ni sir Daniel at itinuro yung upuan na katapat lang nung upuan ko. Once settled may Inilabas na medyo makapal na papel yung lalaki at ipinatong sa lamesa Nila.

"Here are the papers Sir Daniel and Sir Enrique" Sabi nung lalaki. Ang laki nung boses. Katakot!

"Thank you Mr. Sy" Sagot ni Sir Enrique at sinuri yung mga papel.

"Mr. Sy I would like to introduce you to Ms.Julia, Julia this is Mr.Sy our Lawyer which I might add is the greatest lawyer in the world" pagpapakilala ni Sir Daniel saming dalawa. Nginitian ko lang sya at tinanguan nya Ako pabalik. Wala talaga kahit ilang tingin ko sakanya ni kahit isang ngiti o simangot wala. Poker face lang talaga eh.

"Okay so Ms.Julia, This paper right here are the terms and conditions to our offer. You just need to sign here and it'll all be settled" Sabi ni Sir enrique sakin habang Ipinapakita Kung saan Ako pipirma. Tumango nalang Ako at kinuha yung sign pen na inabot nya sakin. Wait kailangan ko pa ba'tong basahin? Pero kahit naman basahin ko 'to wala ring mangyayare, kahit umayaw Ako sa mga kondisyones Nila Hindi pede. Boss sila eh.

Binigyan ko sila ng isang tipid na ngiti at pinirmahan na yung papel. Nung natapos ko na itong pirmahan ay may nagappear na malaking ngiti sa labi nung dalawang boss ko. Hindi ko alam Kung bakit Pero nakaramdam Ako ng onting kagalakan nung makita ko yun.

Haaayyyy

"Okay then. Thank you for coming Mr.Sy it's a pleasure to have you back here. As for you Julia, We'll be seeing you and your stuff this Saturday at our house. We'll just be sending someone to pick you up" Sabi ni Sir Daniel na ikinagulat ko naman.

"What do you mean me and my stuff sir?" I asked

"Well, haven't you read the part where it says that you need to move in our house once you agree to our offer?" Sir Enrique asked, amused reaction shown on his face.

"WHHHHAAAATTT??!!"

[END OF FLASHBACK]

"Hayss baket ba Kasi Hindi ko binasa yung buong papel??" I asked myself at Ginulo yung buhok ko. Lalo kong isinandal yung likod ko sa sofa at ipinikit ng saglit yung mga mata ko.

"Ms. Schnittka!! We really need to leave" Narinig kong sigaw ni Kuyang mukhang bouncer. Napadilat naman Ako at Tumayo na.

"Alright I'm coming!" Sigaw ko pabalik at Inayos yung nalukot kong damit. Naglakad na Ako papuntang pintuan at hinila na yung maleta na Sabi ko Ako na magdadala. Bago ko isinara yung pintuan ay sumilip muna Ako sa loob ng mabilis lang and took one last glance at everything.

"I am so gonna miss this house" Sabi ko sa sarili at tuluyan nang isinara yung pintuan at nilock Ito. Tumalikod na Ako at dahan dahan na naglakad Papunta sa limousine na nagsundo sa akin.

Goodbye Schnittka Residence and Hello PadillaGil Mansions!

++++++++++++
Hays. Mukhang dito na magsisimula ang pagbabago sa Buhay ni bebe 😉😉 Sorry din Kung ang ikli

LabYu.

-AuthorKunyare💕

TWO Is Better Than ONE (II) (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon