Medyo hapon na kami nakarating dito sa labas ng PadillaGil mansions. Sobrang layo naman Kasi dito, parang Tabing dagat na eh tsaka parang eto lang yung nakatayo dito?
Tumigil yung limousine sa Isang MALAKING gate na may nakakurbang PG sa gitna at 'PadillaGil' sa ilalim non. Narinig kong bumaba yung window sa harapan at nagsalita yung lalaking mukhang Bouncer.
"Code 10. Black Eagle" Sabi nya dun sa voicebox sa may gilid nung malaking gate. Ayan ata yung mga secret code Nila dito. May narinig akong parang buzzer and bumukas magisa yung gate tapos ay pinasok na yung limo sa loob. May nakabantay na dalawang parang katulad nung mukhang bouncer sa magkabilang gilid at tinanguan yung driver neto. Pinasok na ng tuluyan yung sasakyan at Umandar na kami paalis don Kung nasaan man kami kanina.
Binaba ko yung car window and naAmaze Ako sa nakita. Puro puno na mukhang Sakura trees yung nasa magkabilang gilid nitong dinadaanan namin ngayon. Ang lamig nung hangin at Amoy sea side. Siguro nga bandang dagat na Ito. Lumiko ng onti yung sasakyan at napalitan yung magkabilang gilid ng madamong kapatagan na may mga Kabayo sa loob at mga taong nagaalaga rito. May nakaharang ring mga fence na di gaanong kataasan. Grabe sobrang Lawak ng lupain Nila!
After a few minutes tumigil uli yung sasakyan and Tumingin Ako sa labas. Inilabas ko yung ulo ko sa may bintana at napanganga sa nakita. Isang NAPAKALAKING Mansion as in super! Parang kasing laki na'to ng MOA eh! O mas malaki pa! Umandar pa ng kaunti yung sasakyan and natapat na Ito dun sa pinakamain entrance Kung saan may naghihintay na magagandang babae na naka maid uniform.
May Nagbukas ng pintuan para sakin at bumaba na Ako. May sumalubong naman saking lalaking matangkad at pogi take note! Lumapit sya sakin at itinapat sakin yung dala nyang tray na may nakalagay na tatlong Martini Glass.
"You must be Ms.Schnittka, It really is a pleasure to meet you" Sabi nya at kinindatan Ako. Naramdaman kong nagblush yung pisngi ko at nginitian ko nalang sya. Napansin ko ring pinapasok na isa isa yung mga dala kong gamit nung mga katulong kanina.
"I'm Nikko by the way. And please do take one of the drinks on this tray" Sabi nya ule at Inilapit lalo sakin yung tray na dala nya. Pinagmasdan ko muna yung tatlong martini glass sa tray na may iba't ibang kulay na liquid. Pink, green tsaka blue yung mga kulay at kinuha ko yung pinaka naAttract Ako at Ito yung kulay pink.
Kinuha ko yun sa tray at Inilayo nya na Ito sa harap ko at ibinigay dun sa isang katulong dito na maganda. Lumapit syang muli sakin at Tinitigan Ako na para bang hinihintay akong inumin yung hawak ko. Tinignan ko sya at binigyan nya Ako ng isang 'encouraging' nod. Ngumiti nalang Ako at nilagok ng mabilisan yung inumin. Shet ang pakla! Napangiwe Ako sa lasa at narinig ko syang tumawa.
"It'll get sweeter" Sabi nya sakin at tumango nalang Ako. After a few seconds parang tumamis nga yung panglasa ko at Nanlaki yung mga mata ko.
"Woah" yan lang yung lumabas sa bibig ko Kasi nagulat talaga Ako. Kasi naman sobrang pakla eh tapos ngayon feeling ko nagpapak Ako ng asukal.
BINABASA MO ANG
TWO Is Better Than ONE (II) (On hold)
FanfictionThis is where everything really starts ;) (SPG) "Why Choose when you can have both?" -AuthorKunyare