Forgive?

259 15 2
                                    


ONE WEEK has passed and so far naging maganda naman ang buong linggo namin. Medyo Nawawala nadin yung awkwardness namin ni Daniel. Nakakapagbiruan na kami at madalas na Naghaharutan. And when I say Naghaharutan dalawang klase non ;) hahahaha

Nakalabas narin si Mama sa Ospital at dun na sya nakastay sa Bahay namin Hindi sa mansion, delikado na hahaha. Malakas na sya talaga at nakakabiruan ko na din. Binigyan din sya ng kasama ni Daniel parang katulong para daw Hindi mahirapan. Nagtaka nga si Mama Kung bakit Hindi nalang daw ako ang magstay dun para samahan sya eh.

Ayaw Kasi talaga Ako paalisin Nila Daniel eh. Kaya ayun nagsinungaling nalang Ako na bawal talaga at tsaka mas malapit yung dun kahit na napakalayo nung mansion. Syempre Hindi ko pedeng sabihin yung about dun sa offer Baka biglang atakihin si mama eh. Sabi ko nalang sakanya na sila yung tumulong sakin kaya utang na loob ko na yung magtrabaho para sakanila.

*Krrriiinnggg* *Krrriiinnggg*

Ay wait may natawag. Umubo pa Ako para iclear yung throat ko tsaka pinickup Ito para sagutin.

"Hello? PadillaGil Corporations. This is Julia speaking, how may I help you?" Sagot ko dun sa telepono.

"Baabbyy.." Ahh kilala ko na'to.

"Hahaha Danieell . . What is it?" Malambing na Tanong ko sakanya.

"Miss na Kita agad" Sagot nya at gustuhin ko Mang magtatatalon at magtitili ay Hindi pede! Nasa opisina Kasi Ako. I bit my lip trying to suppress it.

"Stop biting your lip baby" Sabi nya sa kabilang Linya na para bang nakikita nya Ako.

"I am not Mr. Daniel and I really need to hang up. I have work to do remember?"

"Ugh. Alright! After lunch time I need you in my office baby" he said yung huling part medyo husky na yung boses.

I rolled my eyes. Hay jusko itong si Daniel gusto ata akong patayin sa kilig Letse.

"Alright. Bye now. Labyu" yan ang mga huling sinabi ko at binaba na yung telepono. Hindi ko na hinintay na sumagot pa sya. I leaned back on my swivel chair, trying to process what I just said. 'Alright. Bye now. Labyu' pfftt as if naman may pake sila sa huling salita na sinabi ko.

Nagbuntong hininga nalang Ako tsaka isinarado ang mga mata ko ng sandali. Kailangan ko na ng Seryosong dayoff. Yung Ako lang para makapagisip isip Ako ng maayos! Kapag Andyan Kasi sila ang hirap magisip. Para akong natatae na Ewan at Hindi mapakali. I want to think things through. Kapag trabaho, trabaho lang. Masyado akong nahuhulog sakanila eh. Mahirap na Baka WALANG sumalo. Masasaktan na NAMAN Ako.

Hayyy

>>>>>>>>>>

Andito Ako ngayon sa Seattles Best at syempre ano pa bang gagawin ko Diba? Nainom Ako ng kape habang pinagmamasdan yung mga taong lumalabas at pumapasok dito sa shop.

Wala ring manggugulo sakin dito or anything. Sanay na Kasi mga Tao samin kaya Hindi na nagfifreak out kapag nakikita Ako. Although marami paring bulungan about samin wala na kaming nagiging pake as long as they will do no harm. Napahinto Ako sa paghigop ng kape ko nang makita si Diego na papasok dito.

Ano ba kasing meron at laging nandito 'tong lalaking 'to?

Tinry ko nalang na alisin yun sa isip ko at kunyari wala akong nakita. Nilabas ko yung phone ko at scroll scroll sa newsfeed ko sa FB. Hmm wala namang ba-- Aba tignan mo nga naman dito pa talaga sya umupo! Tsk

"Uhh Hi Juls. Pwede makiupo?" Tanong nya na para bang Hindi pa sya nakakaupo. I rolled my eyes. Hay juthko Umiinit na naman dugo ko.

"Makakatanggi pa ba Ako? Nakaupo ka na eh" iritadong sagot ko sakanya at binalik uli yung tingin ko sa phone ko.

"Ahh hehe sorry. Uhmm kamusta?" Tanong nya sakin. Pero Hindi ko sya pinakinggan and pretended na wala akong narinig. Bahala sya dyan Letse.

"Oh, sorry. Galit ka nga pala sakin" sagot nya Pero Hindi parin Ako tumitingala para tignan sya.

"Buti alam mo" I whispered. Bwiset obvious na nga eh tinutuloy pa yung ginagawa.

"Look, I'm sorry okay?" Nagsalita sya uli at hinawakan yung kamay kong nakapatong sa lamesa sa tabi lang nung tasa nung kape ko.

"Wow. 'Sorry' big word for someone like you to say" I said sarcasm present in my tone at hinila ang kamay ko. Nakita kong lumungkot yung mukha nya at parang sumikip yung dibdib ko. Shet Julia Hindi pwede! Galit ka sa walang hiyang gagong 'to.

Tumingala sya para tignan Ako. Mata sa mata. His eyes showing so much sincerity. Sincere ba talaga? Lalong sumisikip yung dibdib ko. Tumingin Ako sa ibang direksyon at iniiwasan yung mga tingin nya.

Ganyan na ganyan yung ginagawa nya sakin dati at mapapatawad ko na sya. Pero Hindi na ngayon! Hindi na yan uubra sakin. Hindi na Ako magpapakatanga. Hindi na! Napapikit Ako at pinigilan ang sarili ko na umiyak. Ugh ano ba'to??

"Alis na'ko" Walang emosyon na Sabi ko sakanya bago tuluyang Tumayo at umalis dun sa coffeshop. Sayang Hindi ko pa naubos yung kape ko. Hays. Nang makalabas ako napabuga Ako agad ng hangin at sinapo yung dibdib ko.

'Ibreak mo na Kasi yung nerd mong girlfriend Baby'

'Malapit na Babe. Kapag natapos 'tong semester na'to. Wala pa'kong tagagawa ng thesis eh'

'Hahaha. Kawawa naman yung girlfriend mo. Akala siguro nya ang Ganda nya Kasi Sikat yung boyfriend nya. Hindi nya alam na niloloko mo lang sya HAHAHA'

Hanggang ngayon masakit parin pala. Fuck. Hindi ko namalayang tumutulo na naman pala yung mga luha ko at pinunasan ko Ito ng mabilis at paalis na Sana nang maramdaman yung kamay nyang nakahawak sa braso ko.

"M-Mara" Nanunuyo nyang Tawag sakin. Parang naging gelatin yung mga Tuhod ko. Ayan na naman sya sa pangalan na yan!. Tanginang Mara yan eh. Ipinikit ko yung mga mata ko at itinry na magpakatatag.

"Bitawan mo nga Ako!" Inis na Sabi ko sakanya without looking back. Ayoko na makita nyang hanggang ngayon umiiyak ako dahil sakanya. Inalis naman nya kagad yung pagkakahawak nya sa braso ko.

"S-sorry" mahinang sagot nya. Nagbuntong hininga Ako at naglakad na palayo. Siguro mga nakalimang hakbang na Ako Pero tinawag nya uli Ako.

"J-Julia Saglit!" sigaw nya. Hindi ko alam Pero kusang tumigil yung mga paa ko.

"I-I want to explain myself to you. Gusto kong magpaliwanag sa Lahat ng nangyare satin dati. I'm going to text you where and when. Pumunta ka kung gusto mong malaman ang Lahat. Julia I'm truly sorry ... I hope y'know I've always liked you and I regret everything I did before" Yan ang Huli nyang sinabi sakin bago Ako tumakbo palayo dun sa pwesto ko. Bwiset bwiset! Gago pala sya eh pagkatapos saktan at halos ipagdukdukan sa mukha ko na ayaw nya sakin, sasabihan ka na gusto ka pala? Bwiset!

>>>>>>>>>>

Tumakbo Ako pabalik sa opisina not minding na Kung sino sino ang nakabanggaan ko basta ang alam ko gusto ko nang mayayakap ngayon. Gusto ko umiyak huhuhu. Bigla ko namang natandaan na pinapapunta Ako ni Daniel sa opisina nya. Nang makaakyat Ako sa floor namin pinunasan ko yung mga luha ko bago pumasok sa opisina nya para Hindi nya mahalata. Sinarado ko yung pintuan Pagkapasok ko sa loob at tinignan sya without crying and bit my lip kaso Hindi umubra

"Okay, send them over. Oh can you put me on hold for a sec? Thanks. Baby glad you-- Baby? Anong nangyare?" Tanong nya at Halata sa boses nya na concerned sya. Ibinaba nya yung teleponong hawak nya at Dali-daling lumapit sakin at niyakap Ako. Hindi ko na napigilan ang sarili at Humagulgol naman Ako nang maramdaman ang mga yakap nya. I hugged him back at hinayaan ang sarili ko na umiyak. Hinigpitan ko yung yakap and buried my face further on his chest.

I need this right now.

I need Him.

+++++++++

Ayan. Update ulit natutuwa Ako eh bakit ba? Hahahaha. 😘😘 Sobrang EsPeeGee yung Susunod na chap dito huhu Sana umalis muna ang mga bata shoo Shoo 😂😂

Labyu <3

-AuthorKunyare💕

TWO Is Better Than ONE (II) (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon