Alex POV
Kaya pala nakapa moody ko this past few days dahil buntis ako.Hindi pa alam ni teddy bear to. Three months na pala . Naiiyak ako hindi ko alam kung ano yung gagawin ko. Sobrang saya ko na ewan basta hindi ko ma explain. Pano pag hindi pa siya ready sa ganitong bagay? Pano pag ayaw niya pang magka anak? Pano pag dumating yung panahon na pumangit na ako? Kasi tataba na ako. Naiiyak na naman ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.Ang daming tumatakbo sa isip ko.
Sasabihin ko na sa kanya bukas. Hindi kasi kami magkikita ngayon kasi nasa ilocos daw siya may aasikasuhin.May baby na sa loob ng tiyan ko. Magiging mommy na ako. Ang saya pala sa pakiramdam.Sana pag nalaman ni teddy bear ang totoo ganun din ang maramdaman niya.
Nasa isang icecream shop na ako. Pero bago paman ako tuluyan makapasok may nahagip ang mata ko nakita ko si teddy bear may kausap na babae kilala ko yun hindi ako pwedeng magkamali yun yung babae na hinalikan niya dati. Nanghihina yung tuhod ko hindi ko alam yung magiging reaksyon ko dapat ko ba siyang sugurin dapat ba akong magwala dahil hindi ko na alam.Bakit sila magkasama?.
Bakit niya kausap yung babae na yun? Ang sabi niya nasa ilocos siya?.pero bakit? Bakit niya nagawa sakin to? Bakit niya ako niloko. Niloko niya na naman ako. Nagpaloko na naman ako. Paulit ulit akong nagpaloko. Hindi pwedeng nag usap lang sila sa wala kasi kung wala lang din naman yun dapat sinabi niya saakin ang totoo bakit kailangan niya pang maglihim?.Kaya alam kung may dahilan kaya pala busy siya this past few days siguro nagsasama sila palagi ng babae na yun.
Nandito na ako sa bahay mabuti nalang at hindi nila ako nakita. Mga hayop sila ang sakit sakit gusto kong magwala gusto kong sampalin siya ng paulit ulit. Bakit niya nagawa saakin to may mali ba saakin.? May pagkukulang ba ako kaya naghanap siya ng iba?.Akala ko yung two years na kasama ko siya sapat na yun para mapatunayan ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal ginawa ko naman lahat pero kulang parin pala. Binigay ko nga sa kanya yung lintik na virginity ko kasi nagtiwala ako na ako lang. Pano nato pano na yung baby sa tiyan ko?. Hindi niya pwedeng malaman to dahil wala na siyang karapatan na malaman pato . Tang*na ang sakit sakit kanina pa ako iyak ng iyak dito.
Kailangan kong maging matatag para sa magiging anak ko. Kailangan kong isipin ang kapakanan niya.Baka mapano siya pag iyak lang ako ng iyak.
"Baby nak pasensya kana kay mama ha? Iyakin kasi si mama mahal na mahal kita wag kang malungkot ha? Kasi gagawin ni mama lahat para sayo, nak kapit ka lang jan ha?may six months pa tayo nak kakayanin ni mama lahat basta nandyan ka" tumulo na naman yung mga luha ko.
Ang sakit sakit biglaan lahat. Hindi ko aakalaing mangyayari to ngayong lahat sa araw nato. Dapat goodnews lang to e pero dahil sa panloloko niya hindi ko na alam.
---
"Sigurado ka ba talaga bessy na may babae siya? Baka nagkamali ka lang" sabi ni clariz.
Alam na nilang tatlo yung nangyari saakin. Alam narin nila na buntis ako.
"Hindi ako pwedeng magkamali bessy tama lahat ng nakita ko kung hindi niya ako niloko bakit kailangan niyang mag sinungaling?" Niyakap naman ako ni Joniza.
"wag ka na umiiyak magpaka tatag ka para sa baby niyo"sabi ni Joniza.
"Nandito lang kami para sayo girl wag kang mag alala hindi ka namin pa babayaan" Sabi ni Ruth. Mabuti nalang at nandito sila kahit papano gumaan ang loob ko.
Sabi nila tawagan ko lang daw sila pag may kailangan ako.Sinabi ko narin kay bessy na wag muna ipaalam sa kapatid ko ang nangyari ako ng magsasabi sa kanya. Lumipat na kasi sila ng bahay. Kaya mga katulong nalang ang kasama ko sa bahay.
"Alex ito gatas at prutas mabuti para sa mga buntis to iha" mabuti nalang at napaka swerte ko sa mga katulong namin.
"Salamat po manang" ininom ko na yung binigay niyang gatas .Hindi naman talaga ako mahilig sa gatas na pero dahil sa baby kailangan.
Pagkatapos kung kumain pumunta na agad ako sa kwarto ang dami kung iniisip hindi ko alam kung pano ko siya haharapin bukas. Alam ko na kahit ano pang tago ang gawin ko hinding hindi ko matatakasan ang katutuhanan malalaman niya din. Pano kaya kung pumunta ako ng abroad.? Oo nga mas mabuti yun dun ko nalang ipagpapatuloy yung buhay ko. Walang dapat makaalam kung saan ako para hindi niya ako masundan. Ang sakit ng ginawa niya saakin paulit ulit niya akong niloko. Okay naman kami bakit kailangan niya pang maghanap ng iba?. Kung sana kulang pa sabihin niya saakin para napunan ko sana yung pagkukulang na yun..
Yung feeling na akala mo happy ending yun pala ending lang. Ang hirap pano ba ako magsisimula? Pano ko makakalimutan yung tao na naging dahilan kaya na kompleto yung buhay ko.? Ang hirap sa isang iglap mawawala lang lahat ng pinagsamahan namin. Sabi nila ipag explain ko muna daw siya. Ano pang sasabihin niya? Anong excuse ang sasabihin niya para mabola na naman ako?. Nakakabobo siya. Sa lahat pa ng babae dun pa talaga sa babaeng yun. Buo na ang desisyon ko aalis na ako sa pinas. Pati sila mama hindi alam to si buko lang ang may alam.
"buko sigurado ka na ba talaga? Baka naman pwede pa nating pag usapan yan? Sasamahan kita sa kanya" sabi niya. Alam kong ayaw niya din akong umalis lalo na sa kalagayan ko.
"Buko wag na.wala na kaming dapat pag usapan yung pagiging busy niya palagi, yung pag sisinungaling niya saakin it explain everything kaya please tama na" tumango lang siya.
"Okay promise me you'll be okay there ha? Wag mong pabayaan ang sarili mo nandun naman si tita kaya for sure safe at okay ka dun dadalawin nalang kita dun"
"Thankyou buko" siya lang talaga yung tao na nakaka intindi saakin. "Promise mo secret lang natin to ha? sige ka pag sinabi mo hindi ka ninong ni baby" pagbabanta ko sa kanya.
" Oo na basta buko lagi mong tatandaan na lagi lang akong nandito para sayo mag ingat ka ha? Bukas na yung flight mo kaya matulog ka na bestfriend" tumango nalang ako.
Maaga pa ang flight ko bukas kaya kailangan matulog ako maaga. Goodbye Seth. Thank you kasi kahit na niloko mo ako may iniwan ka namang anghel saakin.
BINABASA MO ANG
Everything for You
Teen FictionAng story na ito ay hango sa aking malikot na imahinasyon at resulta ng walang kain at tulog ko.haha joke lang. Mahal nila ang isa't isa matagal na. Pareho silang walang lakas ng loob para ipakita at sabihin ito. Minamahal nila ng palihim ang bawat...