Alex POV
Dahil sa Friday ngayon malamang kailangan ko parin pumasok . Hang over parin ako kahapon ang sakit lang naman ng ulo ko.
Bumaba na ako pagkatapos kung maligo magkakape nalang muna ako ang sakit talaga kasi ng ulo ko na sobrahan ata ng inom.
"Ate pinagtimpla na kita ng kape" ang sweet naman ng kapatid ko. "Sino nga pala yung naghatid sayo ka gabi?"
"Classmate ko yun" tumango lang siya.
"Bakit ang pangit naman ng classmate mong yun?" Haha baliw to. Ang harsh.
"Baliw! haha nerd yun grabi siya oh!" Sabay kaming natawa haha.
Pagkatapos namin magkulitan sabay na kaming pumunta sa school.Dahil sa may lahing superman ang driver namin kaya ilang minuto lang nakarating na kami agad. Grabi si manong.
Bakit parang kunti lang yung tao ngayon? hindi pa naman oras ng klase. Baka naman suspended. Aish! may nakasalubong akong babae kaya tinanong ko agad siya iiwas pa sana nung nakita niya ako kaso tinawag ko siya kaya wala siyang magagawa dahil hindi niya ma tatanggihan ang ganda ko.
"Uy ate wala bang klase bakit walang masyadong tao?"
"Kasi Alex nandun halos lahat sa soccer field may gulo daw kasi dun may nerd daw na kinakawawa" kaya naman pala. Sino naman kaya yung Nerd na yun. Wala na namang magawa yung mga ganster daw dito sa campus ang yayabang.
Aalis na sana yung babae ng tinanong siya ng kapatid ko.
"Sino yung lalaki na ng bubully ngayon? Gwapo ba kagaya ko?" Ay grabi si ate tulala .Tulo laway. Haha
"Si..si Aldren!"tapos ayun tumakbo na. Hala anyari dun?naumay siguro.
"Natakot ba naman sa mukha ko haha ang eng eng nun" napa kamot nalang siya ng ulo.
Bigla kung naisip yung sinabi niya. Si Aldren daw binugbog yung nerd? Biglang nag pop up sa utak ko yung nangyari ka gabi. Diba nga sumingit si nerd sa moment namin ni Aldren posible kaya siyang yung pinagkakaisahan nila ngayon? .Aish! tumakbo na ako patungo sa soccerfield nakalimutan ko ng may kasama ako. Aish baka bangkay nalang abutan ko dun!.
Pagkadating ko dun. Kumpulan ang mga tao. Buti nalang at maganda ako kaya nag give way sila. Tama nga ang hinala ko. Pinagkakaisahan nila si nerd.
"Uy pangit! Bakit ba ayaw mung sumagot kanina kapa ah!" Sinikmuraan niya si nerd. Bakit ba talaga ang lampa ng mga nerd.Aish! Sana naman lumaban siya.
"Lampa na pangit pa! ang epal mo!" Tapos ayung sinuntok na naman siya.Dahil sa hindi ko na talaga kayang manuod lang makikisali na ako.Kawawa naman kasi ang nerd nato mukhang kanina pa to. Kahit papano may utang na loob naman ako sa kanya. Lumapit ako sa kanila.
"Aldren tama na yan!" Lahat ng tao napatingin saakin. Pakialam ko sa kanila.
"Anong tama na! Sinira niya yung moment natin kagabi!" Sh*t ipagsigawan ba naman.
Nababaliw na talaga siya sa kagandahan ko alam niya naman na laro lang yung ka gabi.Hinsi lang aiguro niya matanggap na nasira yung moment namin ng dahil sa isang epal na nerd.
"Yes I know pero wala kang karapatan na saktan siya bitawan mo na siya" mahinahon lang yung pagka sabi ko nun.
Pero hindi siya nakinig bagkos lumapit siya saakin. Kitang kita ko sa mukha niya yung pagka manyak niya nababaliw na talaga siya.Kahit naman bitch ako babae parin ako kaya natakot ako sa pwede niyang gawin. Hinawakan niya yung kamay ko. Tapos hinila niya ako palapit sa katawan niya. Ang higpit ng yakap niya saakin. Bwes*t ang daming tao.
"Bitawan mo siya!" sabi ni nerd sa kanya.Asan na ba kasi yung kapatid ko.
Nilingon siya ni Aldren ng hindi parin binibitawan yung kamay ko. Hindi ako pumalag ewan ko ba walang lumalabas aa bibig ko please naman pa andarin niyo yung ka malditahan ko.
"Nagsalita ka din pangit!bakit ko naman siya bibitawan akin siya" yuck! Baliw na talaga tong si Aldren.
Tumayo si Nerd. Inayos niya yung salamin niya tapos yung buhok niya. BAliw na talaga tong nerd nato baka gusto niyang ma bugbog ulit. ! Aish.
"Bibitawan mo siya o papatayin kita" woah! Baliw to! Ang cool pa nung pagkasabi niya.
Mabuti nalang at dumating na yung kapatid ko. Nabitawan agad ni Aldren yung kamay ko. Kilala niya ang kapatid ko hindi niya basta matatalo si Brandon. Lumapit yung kapatid ko yung aura niya nababalot ng masamang enirhiya!. Mahal na mahal niya kasi yung ate niyang maganda.
"Sinong nagbigay sayo ng karapatan na saktan ang ate ko?" Mahinahon lang siya.
"Brandon hindi ko kayang saktan ang kapatid mo""Ano yung nakikita ko kanina? Anong akala mo saakin Bobo? Sa susunod na hawakan mo ang ate ko manghihiram ka ng mukha sa aso tandaan mo yan Aldren alam mo ang kaya kung gawin, sige na umalis na kayo " woah! sabi ko na nga ba. Siya na yung kuya ako na yung bunso haha.Super hero!.
Pumunta ako agad kay Nerd. Ewan ko ba basta nakahawak lang ako sa kamay niya. Mukhang na bubog talaga siya.
"Nerd alam mo ang eng eng mo maypa 'bitawan mo siya' may pa ganyan ka pang linya pano nalang kung sinuntok ka ulit? Grabi ka hahaha nakakatawa di bagay sayo yung mga lines mo kanina hahaha" Grabi nakakatawa talaga. Bigla ba naman nag tapang tapangan haha.
"Ah ganun ba haha Oo nga bat ko pa kasi naisip yun nag aalala lang kasi ako sayo" sabay kamot sa ulo niya.
"Salamat sa panandaliang katapangan hahahaha" hindi ko talaga mapigilan tumawa.
"Salamat din kasi dumating ka para ipagtanggol ako kundi masisira natong mukha ko" haha baliw to.
"Wala na silang masisira sa mukha mo haha sira na kasi siya dati pa" mabuti nalang at natawa rin siya. "Joke lang ah! Baka plastic na yang pagtawa mo".
"Ate alis na ako treat mo ako mamaya ha? Ikaw magluto ng ulam natin" tumango lang ako. "Tsaka nga pala Raven pre bantayan mo ate ko"
"Salamat pre" sabi ni nerd tumango lang yung kapatid ko tapos umalis na.
Nagsialisan narin yung mga tao. Wala na kasing palabas kaya ayun umalis na sila. Naiwan kaming dalawa dito late na kami sa math subject namin. Mamaya pa naman susunod klase ko.
"Bye math solve your own problem!" Sigaw ko.
"Oo nga late na pala tayo sorry sa abala" sabi niya.
"Okay lang treat mo nalang ako dali!"
Pumayag naman siya .Dun kami pumunta sa sun flower garden. Bumili lang kami ng pagkain para dito na kaninin.Naupo kami sa damuhan.
"Salamat ulit alex" kanina pa siya nagpapasalamat.
"Oo na nga wala na yun quits na tayo diba kaya wag kang over acting jan" na piktusan ko tuloy siya.
"Aray sakit nun ah! Amazona ka pala" haha talaga.
"Ang ganda kong amazona noh?" Kumunot yung noo niya.
"Oo kaya ang dami kong kaagaw sayo" whaaat? .hindi ko kasi marinig yung sinasabi niya.
"Ano? Napaka mo talaga!"
" napaka gwapo noh?" Hahaha patawa to.
Pagkatapos naming magkulitan. Pumasok na kami sa next class namin. Masaya din palang kasama tong nerd nato kahit na pangit siya may sense din pala siyang kausap.Wala naman sigurong masama kung maging magkaibigan kami.
Itutuloy.
BINABASA MO ANG
Everything for You
Teen FictionAng story na ito ay hango sa aking malikot na imahinasyon at resulta ng walang kain at tulog ko.haha joke lang. Mahal nila ang isa't isa matagal na. Pareho silang walang lakas ng loob para ipakita at sabihin ito. Minamahal nila ng palihim ang bawat...