France

43 4 0
                                    

Alex Pov

Ang bigat sa pakiramdan yung isang araw magigising ka nalang na wala na pala kayo ng taong mahal mo. Iniisip ko na sana hindi ko nalang sila nakita baka sana hindi ako nasasaktan ng ganito pero mas mabuti narin to ayaw ko naman ding forever tanga nalang. Paalis na ako ng bahay hating gabi palang pinasundo na ako ni buko sa driver nila.Gusto niya sanang siya na maghatid sakin sa airport kaso pinigilan ko siya dahil alam kong baka hindi ko na matuloy yung pag alis ko. Ayaw kong makita isa man sa kanila para ng sa ganun mas maging madali ang lahat. Mas madali akong makalimot. Mas madaling mawala yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Sana nga yung paglimot kagaya lang din nag pag alis isang byahe lang pero hindi.

"Nak aalis muna tayo dito ha? Kasi kailangan ni mama ng magandang place para sayo, gusto ko kasing nakatuon lang yung atensyon ko sayo, nak mahal na mahal ka ni mama okay?" Napapangiti nalang ako kasi alam kong hindi ako nag iisa sa laban nato kasama ko si baby ang anak ko.

Habang nasa eroplano ako marami na naman akong naiisip. Biglaan ang lahat pero kahit na ganun wala akong pinagsisihan. Lahat ng to alam kung tama o kahit maging mali man handa akong harapin ang kalalabasan nito. Ano kayang mararamdaman ni Seth pag nalaman niyang umalis nalang ako bigla ng walang paalam? Mag aalala kaya siya? O magiging masaya siya? Kasi sa wakas magkakasama na sila ng kabit niya. Wala ng hahadlang sa kanya.Wala ng alex na magtatampo pag hindi niya natetext.Wala ng alex na mangungulit sa kanya. Wala ng alex na ma arte.Wala ng alex na pabebe. Wala na. Sana maging masaya siya. Minsan ang pag layo hindi rason para makalimutan mo yung isang tao kailangan mo lang talaga ng space kasi pagod ka na. Kahit naman anong gawin ko hinding hindi siya mawawala sa puso ko kahit pa sabihin na niloko niya ako. Mahal na mahal ko siya kaso hindi ako tanga hindi ako yung babae na mag mamakaawa pag ayaw nasa akin ng lalaki .Hindi ako pinanganak para maging talunan lang.

----

Seth POV

Ang dami kong kailangan asikasuhin para sa kasal na inihanda ko.Surprise kasi to kaya hindi pwedeng malaman ni alex. Gustong gusto ko na siyang maging ka happily ever after. I love her so damn much kaya she deserve all of this. She deserve to be treat like a princess . I want to grow old with her.

"Seth pwede ba don't act like everything is okay" nandito na naman si Ken.

"Shut up, I'm okay" Tss. I'm not sick.

"For God sake! you have a lung cancer kaya pwede ba hanggang maaga pa pumunta kana sa office ni dad , I'm not doing this because I'm still into you I'm doing this as friend kaya tsaka muna planuhin yang kasal niyo kung magaling kana talaga " Tss .

"But--" hindi niya man lang ako pinagsalita. Ang daldal talaga ng babae nato kaya nahalikan ko to dati. Kasi yung bunganga niya hindi matigil.

"shut up Seth ako ng mag aasikaso sa kasal niyo just focus on your health kung gusto mong makasal sa babaeng mahal mo pwes gumawa ka ng paraan para mabuhay ka ka pa" hindi naman ako mamatay malayo sa bituka.

She has a point. Kaya sumama ako sa kanya papunta ta daddy niya. Doctor kasi yung dad niya. Siya yung doctor ko dati pa kaso tumigil ako na pag papagamot simula nung dumating si alex sa buhay ko yun kasi yung time na pag kasama ko siya gumagaling yung sakit ko.Nakakalimutan kong may sakit pala ako.

---

Sinabi ko nalang kay alex na pupunta akong ilocos pero yung totoo ngayon yung mga result ng test ko ngayon ko malalaman. Ayaw ko sanang mag sinungaling sa kanya kaso hindi ko kayang sabihin yung totoo.Ayaw kong makita niya akong mahina. Siya yung dapat kong alagaan.Matagal ko ng dala dala itong sakit nato pero dahil kay alex nakalimutan kong may sakit ako dahil siya yung gamot ko.Siya yung babae na kahit kailan hinding hindi mo nanaisin na masaktan.Siya yung babae na hindi ka mag rereklamo kahit gawin ka pa niyang alalay.Siya yung babae na bumubuhay saakin hanggang ngayon.

Nandito ako ngayon sa icecream shop. Magkikita kami ni Ken para malaman yung result kung anong stage na ba ang lung cancer to.

"Seth stage 2 na kaya please you need to undergo treatment please lang kung gusto mo pang mabuhay then fight for your life" woah! Kahit kailan hindi ko kinatakutan tong sakit nato ngayon lang. Nakaramdam ako ng panghihina hindi pwede to .Pano yung kasal namin ni Alex aasikasuhin ko pa yun.

"Maybe after the wedding" dahil sa sinabi ko kumunot yung noo niya.Kita ko sa mukha niyang ang pagka inis.

"What?!! Baliw ka na! hindi ba pwedeng ipagpaliban mo muna yan! Ang dami mo ng sinayang na panahon dahil sa lintik na pagmamahal na yan Seth!" Nagulat ako dahil sa sigaw niya. Pero mas nagulat ako sa sinabi niya. Nag init bigla yung ulo ko.

"How dare you! You've never been in the situation that's why you'll never understand" Kinuyom ko yung kamao ko. Dahil alam kong concern lang siya saakin kaya niya nasasabi ang mga bagay nato.

"No seth wag mong sabihin na hindi ko na iintindihan alam ko mahirap, nahihirapan ka.Kahit pa mag tapang tapangan ka jan alam kong natatakot ka sa pwedeng mangyari kaya minamadali mo yang kasal na yan kasi gusto mong bago ka mawala nakatali na siya sayo because you love her that much , Gusto mong maging sayo lang siya pero Seth sumugal ka naman ibaba naman yung pride mo hindi kawalan sa pagiging lalaki mo kung ikaw yung may sakit kasi kung mahal ka niya hindi ka niya iiwan sasamahan ka niya sa laban nato kaya pwede ba sumugal ka naman" tumulo na yung mga luhat sa mata niya. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang mga bagay nato kung tutuusin wala na siyang pakialam mamatay man ako o hindi.

"Ken bakit mo to ginagawa?bakit mo ba ako tinutulungan?" Gusto ko lang malaman kasi nagpapasalamat ako sa sinabi niya somehow natauhan ako .

"Because ayaw kong magaya kasa kuya ko namatay siya kasi matigas din ang ulo niya, ayaw niyang magpa gamot kasi malayo naman daw sa bituka but one day nagising nalang ako na wala na pala siya wala man lang akong nagawa kasi akala ko hindi naman malala yun pala tinitiis niya lang yung sakit" now i get it kaya pala ganun nalang siya kung mag malasakit saakin.

Tumayo na ako. Kailangan kung magpa hinga para sa mga treatment na gagawin ko bukas. I should fight for my life.

"Ken thank you and don't worry gagaling ako" tumango lang siya.

Nasa bahay na ako ang daming tumatakbo sa isip ko. Bakit nga ba naging duwag na naman ako. Kung sana sinabi ko kay alex ang sakit nato wala na sana akong problema ngayon. Ayaw ko lang naman kasi na iwan niya ako.Ako yung lalaki kaya dapat ako yung nag aalaga sa kanya. Ayaw ko lang maging pabigat sa kanya. Masyado ko siyang mahal iniwasan kong idamay siya sa problema nato.

Everything for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon