Giving Birth

41 2 0
                                    

Alex POV

Ang bilis ng panahon araw nalang ang bibilangin manganganak na ako. Lahat ng tao sa bahay excited na. Sobra sila kung maka alaga parang anytime manganganak ako. Ang saya ko walang kasing saya. Ganito pala yung feeling na maging nanay. Kahit na takot akong manganak kakayanin ko para sa baby ko. Kailangan kong maging malakas.Nagdadasal ako palagi na sana gabayaan ako ng panginoon.Sana hindi niya ako pabayaan

"baby malapit ka ng lumabas, makikita mo na kung gaano ka ganda yung mundo, Promise ni mama sayo gagawin ko lahat ma protektahan at malagaan ka lang" gumalaw siya. " Nathan James wag mong pahirapan si mama ha? lumabas ka ng healthy at gwapo" natatawa nalang ako sa sarili ko lagi ko kasi siyang kinakausap.

Kumusta na kaya sila? Mga limang buwan narin akong nawala. Hinahanap kaya nila ako?.Malamang Oo lalo na ang kapatid ko. Nag aalala na yun saakin. Miss na miss ko na silang lahat pati siya. Kaso kailangan kong panindigan ang desisyon ko.Kahit pala ilang buwan akong lumayo ganun parin yung sakit na nararamdaman ko .Siguro nga kasi hindi naman panahon ang makakagamot sa sugat sa puso mo . Ang pagtanggap sa sitwasyon ang kailangan gawin kaso sa sitwasyon ko hindi ko parin tanggap.Mahal na mahal ko siya.

Sumakit yung tiyan ko. Sobrang sakit manganganak na yata ako. Napahawak sa bintana dahil sa sobrang sakit.

"Manang Isabel! Manganganak na po yata ako!" Napasigaw na ako dahil sa sakit.

----

Seth POv

Halos nalibot ko na ang buong pilipinas hindi ko parin siya makita. Nawawalan na ako ng pag-asa. Nakakapagod din pala. Sa limang buwan na yun hindi ko parin siya nakikita pakiramdam ko wala akong kwenta .Napaka inutil ko. Wala akong silbi. F*ck tumulo na naman yung mga luha.

"Bayaw wag kang susuko kasi ako hinding hindi ko susukuan ang ate ko" bati na kami ni Brandon, laging sinasabi ni Brandon sakin yan na Hindi niya susukuan ang ate niya.. Alam kong nahihirapan narin siya. Tulad ko sinisisi niya rin yung sarili niya sa nangyari.

"Salamat bayaw" tumango lang siya.

Nandito kami ngayon sa Bukidnon. Nagbabasakali na baka nandito siya. Umaasa na sana makita ko siya. Malakas ang kutob kong iniba niya ang pangalan niya kasi kahit sa radyo walang naka kikilala sa kanya. Ganun nalang ba talaga ang galit niya saakin?. Kung hindi lang sana ako nag sunungaling sa kanya hindi mangyayari to. Napaka gago ko talaga. Isa akong walang kwentang tao.

Nakakaramdam na naman ako ng sakit sa katawan. Feeling ko anytime aataki na naman tong sakit ko.

"Bayaw okay ka lang ba? Namumutla ka na naman sabi ko naman sayo ako nalang muna yung maghahanap"

"Okay lang ako bayaw " pinilit kong maging okay. Ayaw ko naman maging pabigat ako.

Pero dahil sa hindi ko na talaga kaya huminto si Brandon sa pinakamalapit na hospital. Polymedic Hospital. Naupo ako dito sa clinic hinihintay ko yung gamot na ibibigay ng doktor. Kahit papano malawak din pala ang bukidnon. Ka buwanan na ni Alex ngayon.Sana naman okay siya.

Nakatingin lang ako sa may entrance ng hospital. May manganganak ata. Ang ingay ng mga kasama niya . Sana naman may mga taong mag aalaga din sa mag ina ko. Ang tagal naman ni Brandon.

"Alex kayanin mo anak!" Sigaw nung matandang babae.

Nanlaki ang mata ko.Alex?! Kapangalan niya lang ba yung babae o si alex bunny bear ko yun. Kahit na nanghihina ako. Naka ramdam ako ng lakas. Agas akong tumayo at tinignan ko yung babae na manganganak kaso hindi ko aiya makita kasi bawal daw pumasok. Nakita ko yung matandang lalaki siya kasi yung naiwan sa labas.

"Manong anak niyo po ba yung manganak?" Tanong ko sa kanya. Kahit na nagtataka siya kung sino ako. Sinagot niya parin.

"Naku iho hindi pero parang anak ko narin yang si Alex kaya nag aalala ako" SH*t ikaw nga ba yan Alex? F*ck.

"Manong anong buong pangalan ni Alex?" Nakukulitan na ata siya saakin. Kasi nakahawak na ako sa braso niya.

"Hindi ko alam iho hindi ko na tinanong naglayas kasi yan sa kanila" ng dahil sa sinabi niya mas lalong lumakas yung kutob ko nga si Alex nga. Lord kung si Alex man to promise ko sayo magiging mabait na ako. Magsisimba na ako lagi please lang sana siya nato.

Hindi ako mapakali nandito ako sa labas. Hinihintay kong lumabas yung nurse para makapasok ako. Naka lock kasi yung pinto.

"Bayaw kanina pa kita hinahanap anong ginagawa mo dito?" Si Brandon pala.

"Bayaw sa palagay ko nasa loob ang ate mo nandito nga siya sa bukidnon" nagulat siya sa sinabi ko.

Nakita niyang lumabas yung nurse kaya kinuha niya agad yung dalang papel nung nurse. Tinignan namin yung pangalan Princess Alexa Villanueva .Thankyou Lord! Sobrang saya ko. Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya. Sobrang saya ko. Wala na akong pakialam kung mukha na akong bakla dahil sa mga luhang tumutulo sa mga mata ko.

"Family of the patient" lumabas na yung doktor. Sabay kaming napatayo ni Brandon. Pati rin si mang karding nagulat.

"Kapatid ko po yung nanganak dok kumusta na po siya?" Tanong ni Brandon.

"Kumusta na po ang asawa at anak ko dok?" Sh*t ang kinakabahan ako sana naman okay lang siya.

"Okay naman siya. She delivered a healthy baby boy" Lalaki ang anak ko. Grabi hindi ko na alam yung nararamdaman ko ngayon halo halo ang emosyon ko.Ang sigurado lang ako sa pagkakataon nato hindi na ako papayag na mawala pa siya sa tabi ko. Sila ng anak namin.

"Bayaw congrats tatay ka na rin!" Ang laki ng ngiti niya ganun din ako.

"Salamat bayaw"

Sabi ng doktor pwede ko ng makita ang mag ina ko .Pero bago ko pumasok don kinausapo ko muna si mang karding. Nsabi niya narin saakin lahat at nagpapasalamat ako dahil hindi nila pinabayaan ang mag ina ko. Ang laki ng utang na loob ko sa kanila. Sila yung gumawa ng mga bagay na ako dapat ang gumawa.

"Sabi ko na nga ba ang totoong nagmamahal kahit ganaano pa ka layo ang distansya niyo mahahanap niyo parin ang isat isa kung mahal ka hahanapin ka" sabi nung bata.

Nasa labas lang si Brandon.Hinayaan muna nila akong makasama ang mag ina ko. Tulog pa siya napagod siguro siya sa panganganak. Na iinis ako sa sarili ko hindu ko man lang siya na alagaan. Hindi ko man lang naranasan na samahan siyang magpatingin sa doktor. Nakahawak lang ako sa kamay niya. Habang yung isang kamay ko naka karga kay baby. Napaka gwapong bata niya mana saakin.

"Psst baby manang mana kasa akin noh? Tignan mo si papa ang gwapong nilalang" sh*t naiiyak na naman ako. " sorry nak ha? Kung matagal ko kayong mahanap ni mama mo, ang galing kasing magtago ni mama hayaan mo nak babawi si papa sayo" hinding hindi ko na hahayaan na mawala pa sila ulit sa buhay ko.

"Seth?" Gising na pala siya. " bakit ka nandito? Pano---"

"Ssshhh magpahinga ka muna bunny bear mag uusap nalang tayo pag okay ka na talaga" Sa wakas yung pangugulila ko natapos na dahil sa pagkakataon nato hinding hindi ko na siya pakakawalan .

Ang sarap pala sa pakiramdam maging tatay.

Everything for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon