Missing

42 2 0
                                    


Seth POv

Maaga akong nagising pupunta ako sa bahay nila bunny bear miss na miss ko na kasi siya. Gustong gusto ko na siyang makita. Hindi kasi ako nakapagtext sa kanya kaya for sure nagtatampo na saakin yun. Pinagluto ko na lang siya ng adobo na paborito niya.

Matapos akong magluto naligo at nagbihis na ako. Handa na akong sabihin sa kanya lahat. Sana hindi siya magalit saakin kasi hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nagkataon.

"Goodluck kuya" gising na pala ang little sis ko.

"Thank you pretty sis" kahit na malaki na siya. Feeling ko siya parin yung bugnutin na bata dati.

Nauna na akong umalis. Excited kasi ako masyado or sabihin nalang natin na kinakabahan din ako hindi ko kasi alam kung paano magsimula. Kung pano ko sasabibin sa kanya yung tungkol sa sakit ko. Tama naman si Ken kung mahal niya ako hindi niya ako iiwan sasamahan niya ako sa kahit anong laban. Handa akong harapin kahit si kamatayan para sa babaeng mahal ko. Gusto ko pang mabuhay para makasama siya.

Nandito na pala ako sa bahay nila. Masyado akong nag iisip kaya hindi ko na tuloy namalayan. Nag dorbell ako buti nalang pinagbuksan agad ako ng gate.

"Manang goodmorning po bibisita lang po ako sa bunny bear ko" bakit parang balisa si manang? .Nawala tuloy yung mga ngiti ko. " manang may problema po ba?" Nakita kong tumulo na yung luha niya kaya nagsimula na akong kabahan. "Manang asan po ba si Alex?may nangyari po ba?"

"Sir hindi niyo pa po ba alam? Nawawala po si mam alex umalis po siya nag iwan lang po siya ng sulat" inabot niya yung sulat saakin. Hindi pa ma proseso sa utak ko yung nangyari nanginginig yung kamay ko.

Manang ma mimiss ko po kayo nila ate linda.Wag niyo na po akong hanapin dahil wala po ako sa pilipinas nasa ibang bansa po ako .Wag kayong mag alala manang babalik po ako sa tamang panahon at iingatan ko po si baby.

Alex

What?! May dala siyang bata? Sino naman yun? Bakit umalis siya nang hindi man lang nagpapaalam? Parang panaganip lang lahat ng to.

"Manang naman joke to diba? Grabi di magandang biro to" Pero bakit ganun iyak parin ng iyak si manang?.

"Sir dala niya po ang ibang gamit niya kaya hindi po biro to"

Hindi kayang gawin ni Alex saakin to. Hindi ngayon. Dahil kailangan ko siya. Tumulo na yung mga luha ko dahil sa sobrang lito ko nasuntok ko na yung pader. F*ck bakit alex?. Bakit hindi ako kasama sa mga plano mo?!. Bakit umalis ka na lang bigla?.F*ck ano kayang porblema niya bakit hindi ko man lang alam akala ko ba walang lihiman.

Pinagsusuntok ko yung pader dahil sa sobrang galit .Nalilito ako bakit siya umalis? O baka naman joke niya lang to?.

" tama na Seth! yung kamay mo !" pigil ni Joniza saakin. "manang kumuha ka ng first aid kit". Dahil siya lang yung taong pwede kong pagtanungan ngayon sa kanya ko binaling yung atensyon ko wala na akong pakialam kung mag mukha akong tanga dahil umiiyak ako.

"May alam ka ba sa nangyayari joniza? Please naman sabihin mo" tinaasan niya lang ako ng kilay na para bang kasalanan ko kung bakit umalis si Alex. Kasalanan ko nga ba?.

"Diba kasalanan mo lahat ng to Seth? wala ka ba talagang alam? O nag mamaang maangan ka lang?" F*ck kung alam ko sana hindi siya nawawala ngayon.

"Just please tell me what's going on dahil wala akong alam, you know how much I love her" kinuyom ko nalang yung kamao ko. Asan ka na ba alex?.

" Nakita ka niyang kasama mo si Ken nagalit siya inisip niyang niloko mo siya na may affair kayo, sinabihan na namin siya na hintayin yung paliwanag mo kaso hindi namin akalain na aalis siya ka gaya mo hindi rin namin alam kung asan niya pumunta" the f*ck so nakita niya kami kahapon. Tang*na umalis siya dahil sa maling akala.

Everything for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon