Alex POV
“bessy nagawa mo na ba yung project natin?”tanong ni bessy sakin.Magkasama kasi kami dito sa canteen.
“not yet,nandun kasi sa locker ni teddy bear ko iniwan” sagot ko sa kanya.
May project kasi kami and kailangan na ipasa kaya ayan kinukulit niya ako.Wala pa kasi si teddy bear may klase pa siya kaya hindi ko makukuha,nasa kanya kasi yung susi ng locker niya kaya ganun.
“we need to pass it na talaga” reklamo niya.Ang conyo namin haha.
“yes I know,kukunin ko later,tapos tatapusin natin sa bahay” sabi ko nalang sa kanya ang kulit na kasi ng lahi niya.
Pumayag naman siya sa usapan namin mabuti naman at hindi na siya nangulit pa kasi makakatikim na talaga siya sakin haha de joke lang.Naghiwalay na kami ng way ni bessy.Pupuntahan ko nalang si teddy bear sa classroom niya.Natigil ako sa paglalakad ng hinarangan ako ng mga higad.
"Princess Alexa Villanueva ang dating malandi na nagbago bigla dahil nagmahal ng nerd,and speaking of nerd haha,alam mo ang tanga mo kasi sa nerd ka pa talaga nagpaka tanga pathetic."
Sabi nung higad at naka evil smile pa ah,tignan niya kaya mukha niya sa salamin kung bagay ba sa kanya ang evil smile for sure mandidiri siya sa mukha niya.Pero ano ba ang ibig sabihin niya?anong pinuputok ng botshe niya jan!.Nag init bigla ang ulo ko kaya nilapitan ko siya at pinagtaasan ng kilay.
“what are you talking about?”sabi ko.Ayaw ko ng habaan ang speech ko kasi talo na naman siya e, sa mukha palang alam ko na ang lamang ko.
“ang tanga mo talaga,I saw your nerd boyfriend He’s with Elisha Smith” sabi niya.
Natulala ako for a second.Alam kong magkaibigan sila pero silang dalawa lang sa classroom nayun sabi ng higad na nagsumbong sakin.Kaya nagmadali akong pumunta sa classromm nila.And yes silang dalawa lang talaga,Kinabahan ako bigla pero nagawa ko parin lumapit para marinig ang usapan nila.
“Kuya stop this,tama na’to aminin mo na sa kanya ang totoo,darating na sila mommy at alam kong hindi sila pabor sa ginagawa mo.”
“I can’t ayaw ko pang itigil to naghahanap pa ako ng tamang panahon para sabihin sa kanya ang totoo.” sabi niya.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.Teka lang ha? Panaginip ba to? Tulog ba ako? Please gisingin nyo ako parang awa nyo na.Ano yung narinig ko,baka nabingi lang ako at yung narinig ko mali mali na.Ang tawag niya kuya,sh*t!damn!kuya? at hindi pabor ang mama nila sa ginagawa niya? Bullsh*t wala akong maintindihan. Anong sasabihin niya yung totoo sa tamang panahon sakin ba yun?.Sabi niya magkaibigan lang sila.Damn walang magkaibigan na iisa ang nanay.Tumakbo na ako papalabas ng school dahil parang pinipiga ang puso ko sa sakit.Anong ibig sabihin ng lahat ng to?.
Nakarating na ako sa bahay.Dumiretso ako agad sa kwarto ko at dun ko binuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan.All this time na akala ko totoo siya sakin yun pala kasinungalingan lang ang lahat ng yun?.Magkapatid sila for pete’s sake.Bakit siya nag sinungaling sakin, ano ba ang motibo niya para saktan ako ng ganito?.One week palang ang nakalipas simula nung first monthsary namin tapos may ganito na bigla?.Siguro alam niya na mahal ko si Seth dati kaya niloko nila ako para hindi ko maagaw si Seth sa kapatid niya kasi nga boyfriend ng kapatid niya yun diba? Bullsh*t nagpaloko ako sa isang nerd. Walang hiya sila na saktan na naman ako ng dahil sa Seth na yun kung hindi lang sana kapatid ni nerd si Elisha hindi ko siya makikilala at hindi niya ako sasaktan ng ganito.
Bakit nagawa niya sakin to? Bakit ako pa?bakit ako pa na walang ibang hinangad na may magmahal din sakin ng totoo.Akala ko siya na e,siya na yung lalaking mamahalin ko habang buhay pero mali pala ako dahil manloloko siya.Walang hiya siya parang pinatay niya na din ako sa ginawa niya.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.Gusto kong magwala at pumatay ng tao bullsh*t naloko ako ng isang nerd!.Minahal ko siya, mahal na mahal ko siya pero ba’t ganun? Hindi ba sapat yun para isipin niya na wag nalang akong saktan.All this time nagmahal ako sa isang maling lalaki.Binago ko ang buhay ko para sa kanya kasi akala ko iba siya sa lahat yun pala wala siyang pinagkaiba.Pinagmukha nila akong tanga, t*angina mahal na mahal ko siya pero hindi ako ganun ka tanga para magpatalo sa larong ginawa nila!.I’m Princess Alexa Villanueva wala akong inaatrasan na laban.Humanda kayo sakin pagbabayaran niyo ang sakit na ginawa niyo sakin.Sh*t ang tanga ko ang laking tanga ko.
BINABASA MO ANG
Everything for You
Novela JuvenilAng story na ito ay hango sa aking malikot na imahinasyon at resulta ng walang kain at tulog ko.haha joke lang. Mahal nila ang isa't isa matagal na. Pareho silang walang lakas ng loob para ipakita at sabihin ito. Minamahal nila ng palihim ang bawat...