Alex POV
Ang ganda naman ng gising ko nakaka good vibes..alam ko kasi na may boyfriend na ako at si seth alexander Mendoza yun.Yung akala kong hanggang tingin nalang ako sa kanya…pero tignan mo nga naman dream do come true pala hehe.Tinignan ko yung phone ko baka kasi may goodmorning text galing sa kanya.
Pagtingin ko wala naman pala.Bakit ganun diba dapat may text siya sakin kahapon palang naging kami tapos wala man lang text? Nakakatampo naman..Na excite ako ng may tumawag sakin and its him kaya sinagot ko agad.
-goodmorning bunny bear..
Masiglang bati niya sakin sa kabilang linya.Napangiti naman ako dahil kinikilig ako e.Boses palang niya nakaka good vibes na.
-hey..kinikilig ka ba?..
*huh?bakit naman ako kikiligin?
-kasi gwapo ako..
*wow ang hangin naman pala ng boyfriend ko..
-kaya nga sayo ako dinala ng hangin e..
*anong konek nun?
-wala..mahal kita yun ..yun..
Tsk ano yun? Haha ang labo niya minsan pero kahit na ganyan siya mahal ko din siya noh!.
-bumaba kana,breakfast na tayo.or gusto mo ng breakfast in bed?
Nandito ba siya?..Nasa bahay ba siya?..Naku I need to fix my self ang messy pa ng hair ko tapos hindi pa ako nag totoothbrush..Nagmadali na akong maghilamos at inayos ang sarili ko.Sinabihan ko siya na maghintay nalang siya sa baba mabuti naman at sumunod naman siya kaya nakapag handa pa ako ng gown..haha biro lang..
Bumaba na ako pagkatapos kong mag ayos ng sarili ko at yun..nakita ko siya sa sala at gaya ng lagging kong nararamdaman tuwing nakikita ko siya..nagwawala na naman ang puso ko sh*t..napaghahalataan ako masyado ah..Nakita niya ako kaya lumapit siya sakin para e kiss ako sa noo kaya ayun amoy na amoy ko ang pabango ko haha parehas nga kasi kami.
“goodmorning bunny bear” bati niya ulit sakin.
“bakit ka nakapasok dito teddy..bear?” haha t.bear na ulit..Ayiee..
Nginuso niya naman si bessy at bro na nasa dining na pala.Tsk alam na siguro nila kasi naka smirked po sila..Tukso na naman ang aabutin ko ni’to..
“ate..tapos na pala ang suyuan nyo ni bayaw kaya let’s party later!” nakangiting sabi ni bro.
“congrats bessy” at sinundot pa talaga ang tagiliran ko..kaya napa smile tuloy ako hehe.
Naupo na kami sa dining para maka kain na, may klase pa kasi kami mamaya.Sobrang saya ko na ngayon kaya medyo natatakot ako na bawiin na naman ang kasayahan na ito sa isang iglap lamang..
“bessy bakit natahimik ka bigla jan?” napansin ata ni bessy na malalim ang iniisip ko.
“natatakot ako bessy..” sabi ko sa kanya.Mahina lang sapat para marinig niya,kami kasi ang magkatabi sa upuan.
“bessy sugal yan e,kahit anong gawin mo hindi mo maiiwasan ang hindi masaktan..kailangan lang tanggapin mo na pag nagmahal ka hindi lahat kasiyahan lang..” tama si bessy kaya hindi ko muna iisipin yun dahil masaya ako sa nangyayari ngayon.
“hey! Wifey are you talking about me?” singit ni bro.
“wow..english bayaw ah!” asar naman ni t.bear
BINABASA MO ANG
Everything for You
Teen FictionAng story na ito ay hango sa aking malikot na imahinasyon at resulta ng walang kain at tulog ko.haha joke lang. Mahal nila ang isa't isa matagal na. Pareho silang walang lakas ng loob para ipakita at sabihin ito. Minamahal nila ng palihim ang bawat...