Alex POV
Nandito parin kami sa kwarto ko.Sabi niya kanina na lock daw kami at wala narin daw siyang balak na lumipat ng kwarto.Nakakainis nga eh! Kung gusto niya akong samahan dito bakit hindi niya man lang ako kinikibo?.May pa kulong kulong pa siyang nalalaman tapos wala din pala siyang gagawin na move.Sh*t!ano ba tong sinasabi ko? Eh kasi naman ang awkward kaya na tahimik hindi ako sanay.
Nagreklamo ako na nagugutom na ako kasi totoo naman at para din may alibi ako para makausap siya pero ganun parin eh..Pagkatapos niyang magluto para sakin bumalik na siya sa terrace at doon naglagi.Ano kayang problema niya?Hindi ko na kaya talaga kung ganito lang kami buong gabi.Hindi naman sa gusto kong may gawin siyang something sweet ang gusto ko lang naman ay may kausap..yun lang..Kaya pumunta din ako ng terrace pagkatapos kong kumain.
Nakita ko siyang umiinom ng alak tsk.Lumapit na ako para kausapin siya.
“Seth…may problema ba..?” sabi ko at tinabihan siya.
Nag angat naman siya ng ulo at ng nakita niya ako kaya tinago niya yung iniinum niya.
“sorry…”sabi niya.Bakit siya nag sosorry?.
“para saan?”tanong ko naman sa kanya.
Tapos tinaas niya yung alak kaya alam ko na ang sosorry siya kasi uminom siya somehow may part sa akin na masaya .
“ok lang naman,walang problema sakin yun” kasi dati ganyan kana at tanggap kita.Gusto ko sanang sabihin yun pero sa ngayon tama na muna yung sinabi ko.
Hindi na siya uminom at nagsimula na kaming mag asaran na naman.Ito yung na mimiss ko sa kanya e,yung mga asaran namin na kahit korny na nakakakilig parin,mga sampling banat na nakakapag papabilis ng tibok ng puso ko.
“Dati parang farm tong puso ko” sabi niya out of the blue.
“bakit naman?” tanong ko.
“ang dami kasing hayop” tsk ano ba ibig niyang sabihin?,kumunot naman ang noo ko kaya ngumisi siya at nagpatuloy sa pagsasalita.”Buti nalang nawala na yung mga hayop…alam ko kung sino ang natira?” tanong niya sakin.
“sino?” curious kong tanong.
“Cow nalang” at kumindat siya.
Sh*t!ang korny niya pero dahil dun napatawa ako at hindi ko mapigilan ang sarili ko na hampasin siya.ANg korny naman kasi.
“napaka mo talaga!” sabi ko sa kanya.
“napaka gwapo?”
Natahimik naman ako bigla at tinignan ko ang kabuuan ng mukha niya.Tama siya ang gwapo niya talaga.
“uy! Alam kong gwapo ako,pero wag ka naman ganyan makatingin kinikilig ako e” sabi niya at nag blush pa talaga! hahaha.
“tsk bakit ka naman kikiligin?” pagtataray ko sa kanya.
“e ikaw kaya yung tignan ng mahal mo,di ka kaya kiligin?” mahal daw..?.tsk.
“mahal daw”
“ayan kana naman ayaw mo na naman maniwala” sabi niya at kinurot ang pisngi ko.
“e kasi naman!ang hirap kaya! Nagka trophy kana nga sa pananakit mo sakin eh!” pabiro kong sabi sa kanya pero parang naging guilty ata siya kaya medyo nag iba ang aura niya.Omg! naging monster siya!. Haha joke lang.
BINABASA MO ANG
Everything for You
Dla nastolatkówAng story na ito ay hango sa aking malikot na imahinasyon at resulta ng walang kain at tulog ko.haha joke lang. Mahal nila ang isa't isa matagal na. Pareho silang walang lakas ng loob para ipakita at sabihin ito. Minamahal nila ng palihim ang bawat...