Drawing

73 2 0
                                    

    Nerd POV

One week na ang nakalipas simula nung date namin ni bunny bear.Yung time na akala ko namumukhaan niya ako.Mabuti nalang at naisuot ko bigla yung eyeglass ko at yung buhok ko ay inayos ko rin.Kahit pala yung suot ko pang sinaunang panahon lumalabas parin talaga yung napaka gwapong ako.Yung habulin ng babae at mga bakla haha.Anyway hindi ko muna iisipin yun sa ngayon kasi may bago akong kina iinisan e.Kilala nyo naman siguro kung sino diba?  walang iba kundi yung unggoy na pangit si Josh daw pangalan non tsk.Bw*sit ako sa kanya, kung hindi lang bestfriend ng b.bear ko yun matagal ko na binalian ng buto yun e.

Nandito na ako sa labas ng bahay nila bunny bear susunduin ko kasi siya.Napangiti ako ng nakita ko siyang papalabas na ng bahay nila.Ang ganda niya talaga sobra kaya ayaw kong malingat man lang kahit sandali kasi baka maagaw siya ng iba.Lumabas na ako sa kotse para pagbuksan siya.Hinalikan ko siya sa noo saka siya pinapasok.

“can I have your picture?”tanong ko sa kanya ng makapasok na ako sa kotse.Bigla naman kumunot ang noo niya sa tanong ko.

“bakit aanhin mo ba?” tanong niya sakin.

“kasi I want to prove to all my friends that angel do exist and that’s my bunny bear” sabi ko.Ang cute niyang mag blush.Sh*t parang araw araw nalang yata nagpipigil ako sa sarili ko.Ang sarap niya kasing halikan ng paulit ulit.Aish nagiging pervert na naman ako.”anyway musta ang araw mo kahapon?” tanong ko may lakad kasi sila kahapon at kasama si unggoy na josh.Hindi naman ako nakasama kasi may pinagawa si dad sakin.

“ah..okay naman teddy bear ang saya nga e, ang kulit kasi ng mga kasama ko” tsk ang lapad ng ngiti niya.Nakakabw*sit talaga ang unggoy na yun sa susunod hindi na ako papayag na hindi ako makasama.”Pero dahil wala yung mahal kong boyfriend kaya hindi ganun ka special yun” sabi niya, at dahil dun yung ngiti ko abot tenga na haha uso kiligin ngayon.

***

Nakarating na kami sa school.Sabay na kaming pumasok dahil parehas naman kami ng klase ngayon.Pagdating namin sa classroom ang daming nakatingin samin  lalo na yung mga pangit na lalaki sobra kung makatingin sa GIRLFRIEND ko.Tsk kung dukutin ko kaya yung mga mata nila? sarap talaga kutusan ng mga ito.Napansin ata ni Bunny bear na badtrip ako kaya hinawakan niya ang kamay ko sh*t!! sana badtrip nalang ako lagi para lagi kaming magka hawak kamay.

“umuusok na naman yang ilong mo”biro niya sakin.

“ may mga kalaban kasi na nakatingin sayo” sagot ko.

“alam ko naman na hindi ako magagalaw ng kalaban e,kasi yung superhero ko nerd haha katakot kaya yun” tsk inaasar niya talaga ako.Kung pwede ko lang sana sabihin na alex alam mo sa  totoo lang ang gwapo ko kaya, ang daming babaeng naghahabol sakin pati nga aso e hinahabol ako,at ang pinaka the best sa lahat ng yun ay talagang napaka gwapo ko.Teka nasabi ko bang gwapo ako? Haha.”uy your spacing out” siko niya sakin.Kaya natigil ako sa kaka daydream ko.

“wala iniisip ko lang kung malaman mo na gwapo ako, hindi mo na ako pinagtitripan ng ganyan” hala! Ba’t ko ba sinabi yun?halata masyado.

“uy teddy bear na offend ka ba sa sinabi ko? Joke lang naman yun e,ito naman parang hindi na nasanay sakin” sabi niya tapos yung ulo niya nasa balikat ko.Yes libre chansing ngayon haha.

Hinagod ko yung buhok niya at hinalikan ito.Ang bango niya talaga.Mabuti nalang at wala pa yung prof namin haha baka Makita kaming mag PDA mapagalitan pa kami pero okay lang sakin na mapatawag sa guidance basta ba ang ka PDA ko ay si bunny bear.Napansin niya ata na kanina ko pa hinahalikan yung buhok niya kaya hinampas niya ako huhuhu.

“1,2,3 para paraan ka jan eh” sabi niya at inirapan ako.

Dumating na yung prof namin.Kaya inayos na namin ang pagkaka upo namin.Habang nagsasalita si prof nag sorry naman ako kay b.bear sa para paraan na ginawa ko, tumango naman siya ibig sabihin nun okay lang daw kasi gwapo naman ako haha.

Everything for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon