Alex POV
Maaga akong nagising.Napansin kong wala na akong katabi sa kama.Asan kaya si t.bear?.Bumaba na ako para hanapin siya.HAHA mag asawa lang ang drama namin.Pagbaba ko nakita ko siya na nagluluto, teka namamalikmata ba ako? Siya nagluluto?seryoso?.Nakita niya akong pababa kaya ang lapad ng ngiti niya.
“bunny bear goodmorning”bati niya sakin.
“goodmorning din teddy bear,ano yang niluluto mo? Ang sarap naman sa feeling na pag gising mo sa umaga makikita mo yung boyfriend mong nagluluto.
“adobong palaka b.bear” biro niya sakin.
“bakit niluto mo yung kalahi mo?”
“tsk haha wala talaga akong lusot sayo,kumain na tayo para makapag date tayo ngayon” Dahil sa sinabi niya ang lapad ng ngiti ko.
“talaga t.bear? mag dadate tayo ngayon?” sorry masyado akong excited hehe.
Tumango naman siya at hinalikan ako sa noo tapos kumain na kami.Yehey! may date kami ng teddy bear ko.Tawa lang ako ng tawa dahil sa joke niya ng biglang dumating ang gwapo kong kapatid.Mana talaga sa ate maganda ako eh.
“uy bayaw ang aga mong duamalaw ah” bati niya ng makita niya si t.bear.
“dito siya natulog bro” sabi ko.Nanlaki naman ang mata niya at Lumapit kay teddy bear.
“bayaw binuo nyo na ba ang pamangkin ko?,sabi ko na nga ba sharpshooter din ang mga kalahi ni rizal e” ano daw?napaka dirty minded talaga nito mabatukan nga.
“aray!ate naman eh”reklamo niya sabay hawak sa ulo niya.
“e kasi ang green minded mo, natulog lang kami wala kaming ginawang milagro” sabi ko.Totoo naman kasi diba?
“totoo ba yun bayaw?”tumango naman si teddy bear.
“mabuti naman akala ko mauunahan nyo na kami ni wifey”sabi niya at nag smirked.
“bakit bayaw may marathon ba sa paggawa ng baby?” tanong ng boyfriend kong loko din.
“oo bayaw kaya dapat mag unahan tayo” sabay nag apir ang dalawa.Mga baliw talaga sarap e untog sa pader eh.
“tumigil nga kayo sa kalokohan nyo, ang pervert nyong dalawa,kumain na nga kayo” e kasi ang kulit nila.
“bayaw may regla ba si ate?” tanong niya sabay kamot sa ulo niya.May kuto ka bro?haha.
“ewan ko bayaw, hindi ko nakita ka gabi madilim kasi” sagot ni nerd baliw talaga.Batukan ko nga.”aray naman bunny bear joke lang naman eh,hindi mo nga hinawakan yung ano….aray!” sabay hawak niya sa ulo niya.
Nagkulitan pa kaming tatlo ng may biglang nag doorbell at sabi ni manang siya na daw ang magbubukas. Pumunta na ako muna ako sa sala para makuha yung phone ko.Nabigla ako ng may yumakap sakin sa likod.Wala naman kasi si bro at t.bear nasa kusina sila kumukuha ng pagkain darating daw kasi sila Luhan at Bessy.Akala ko si bessy yung nakayakap sakin pero alam kung lalaki to kaya nilingon ko siya at nakita ko si buko.
“buko i miss you” bulong niya sakin.Humarap ako sa kanya at niyakap siya .
Si buko ay ang bestfriend ko.Magkababata kami lumipat kasi sila sa Laguna kaya hindi na kami masyadong nagkikita.Nabigla naman ako ng may umubo sa harapan namin kaya dahil dun humiwalay ako ng pagkakayakap kay buko.
“ehem..ehem..” si t.bear yan.
“oh sino siya buko? Tutor mo?” sabi ni buko ng nakita niya si t.bear.
“ano ka ba buko hindi ko sya tutor boyfriend ko siya,teddy bear si buko bestfriend ko at buko si Raven boyfriend ko” pakilala ko sa kanila sa isat isa.
BINABASA MO ANG
Everything for You
Teen FictionAng story na ito ay hango sa aking malikot na imahinasyon at resulta ng walang kain at tulog ko.haha joke lang. Mahal nila ang isa't isa matagal na. Pareho silang walang lakas ng loob para ipakita at sabihin ito. Minamahal nila ng palihim ang bawat...