Broken heart

62 2 0
                                    

Alex POV

Maga na ang mata ko sa kakaiyak.P*ta talaga! hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.Bakit ganito? kung kailan handa na akong iparamdam sa kanya na mahal ko siya saka pa nangyari to?.Ang sakit palang isipin na gusto ko siyang maging akin pero hindi na mangyayari yun.Yung makita siyang may kahalikan na iba nakakapanghina naman.Sign ba to para kalimutan ko na siya?. Yun nga siguro, pero pano? hindi ko kaya.Masyado ko siyang mahal. Ang hirap niyang kalimutan.

"umiiyak kana naman" napa angat ako ng ulo dahil sa nagsalita.Bakit ba lagi ko nalang siyang nakikita. Aish stalker talaga.

"lagi nalang ba kitang makikitang ganyan? nung isang araw ganun din" mahinahong sabi niya.Niyakap niya ako dahilan para umiyak ako lalo.Kahit papano nagpapasalamat ako at dumating siya ngayon.

"ang sakit nerd sobra mahal ko siya mahal na mahal" sabi ko sa kanya.

"walang hiya siya kung sino man yun,dahil ang babaeng tulad mo minamahal hindi sinasaktan" na touch naman ako sa sinabi niya.

"Siguro nga deserve ko to.Umasa kasi ako" Oo umasa ako sa wala.

"wag kanang umiyak please? baka pumanget ka" inabutan naman niya ako ng panyo.Natawa nalang ako bigla."ayan! bagay sayo ang nakangiti lagi" sabi niya sabay kurot ng pisngi ko.

"kasi nerd hindi ko pa nasusuli yung isang panyo mo may binigay kana naman" sabi ko na medyo tumigil nasa pag iyak.

"kaw naman kasi ang iyakain mo" tapos

ginulo niya yung  buhok ko.Feeling close talaga to saakin pero sige na nga total wala namang masama siguro.

"stalker ba kita? ba't para kang kabute bigla nalang sumusulpot" biro ko sa kanya.

"ha?...ah...eh ano kasi nagkataon lang siguro ...o..o..ganun na nga nagkataon lang haha."  haha utal.

"okay fine by the way salamat nga pala ha?kasi kung hindi ka dumating baka tumalon na ako sa ilog" ngumiti lang siya.

"Edi kung tumalon ka tatalon din ako hahanapin kita I can be your superhero" HAHA ang nerd na superhero.

" nerd na super hero? haha it's ironic dapat ikaw yung nililigtas ang wierd mo talaga" sabi ko sabay hampas sa kanya patawa

kasi.

"Oh diba ang unique ko? Tsaka nga pala iiyak mo lang yan lahat feel the pain until it hurts no more" Tama siya. Mawawala din to kasi nga walang forever.

Hinatid na ako sa bahay ni nerd.Ayaw ko naman talaga magpahatid baka isipin niya na sinasamantala ko ang kabaitan niya pero dahil mapilit siya pumayag nalang ako.Tahimik lang kami buong byahe.Medyo wala parin kasi ako sa mood para tumawa at magsalita.Masakit parin ang sakit.Pero kakayanin ko to. Sabi nga nila pag may nawala may darating.Nawala man si myloves sa buhay ko may pumalit naman na bago hindi bilang ka romatic relationship pero bilang kaibigan at yun ay si nerd.I think it's time to move on. Nakakapagod din kasing umasa sa wala. Nakakapagod ipaglaban yung wala ka naman palang pinaglalaban. Nakakapagod mag mahal hindi ka rin naman niya mahal walang kwenta.Bakit pa kasi na imbento ang pag ibig kung sakit lang din ang dulot. Sana gaya na lang ng sakit ng ulo yung heartbreaks iinom ka lang ng gamot tapos okay na kaso hindi walang ibang makakagamot sa puso ko kundi ako lang kailangan kung mag move.on.

"your spacing out alex, nandito na tayo"kinalabit niya ako.Kanina pa pala ako tulala? hay!.

"Sorry nerd salamat ulit for comforting me" sabi ko sa kanya.

" ah alex,can we....can..ahm.ahm. can" utal na naman nerd nga talaga.

"sige push mo yan nerd, ano sasabihin mo o sasabihin mo?" haha no choice siya.

Everything for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon