Alex Pov
Ang layo ng narating ko from manila to bukidnon. Maganda dito sariwa ang hangin. Two weeks narin akong nandito. Mabuti nalang bago paman ako tumuloy sa korea nakita ko si Mang Karding galing siya sa abroad.Kakarating niya lang galing Dubai. Nakilala ko siya sa airport.
Flashback:
Ang hirap umalis hindi ko ata kaya iwan ang pilipinas.Kaso kailangan. Naupo muna ako hinihintay ko yung oras ng flight ko. Pag umalis ako wala ng atrasan to. Na guguilty ako dahil pati kay buko kailangan kong mag sinungaling. Alam ko naman na concern siya saakin kaso ayaw ko na siyang madamay sa gulo nato. Marami na siyang naitulong saakin simula paman noon. Problema lang ako sa kanya. Kaya para hindi niya ako mabisto nag kunwari nalang akong magpapatulong ako sa kanya pero ang totoo sa korea talaga ang punta ko. Mas mabuti yung walang nakakaalam para walang madamay. Tinawagan ko na si mama una nagalit siya saakin kaso sa takot na baka may mangyari sa anak ko sabi ni mama hindi niya ititigil yung pagbibigay ng pera saakin basta bumalik daw ako pag handa na ako. Hindi rin alam ni mama kung saan ba talaga ako pupunta ang alam lang nila umalis ako.
"Mukhang malalim ang iniisip mo iha" may isang matandang lalaki ang lumapit saakin.
" halata po ba?" Tumango naman siya.
"Ako nga pala si Karding pero pwede mo rin akong tawaging manong kardz " natawa lang ako sa sinabi niya. " siguro naglalayas ka noh? Naku iha wag ka ng lumayo mahirap ang buhay sa abroad"
"Po bakit niyo po alam na naglayas ako?" Grabi si manong manghuhula.
"Style mo bulok haha " biro niya saakin. Natawa nalang ako parang bagets kasi. " Naku iha buntis ka noh? Lumapad kasi yung balakang mo " hala alam niya rin? Grabi na siya.
"Manghuhula po ba kayo manong karding?" Tumawa lang siya.
"iha patungo ka palang pa balik na ako , kaya alam ko lahat, ito nalang offer ko sayo sumama ka saakin sa bukidnon dun sariwa ang hangin malayo dito sa gulo ng maynila mabait ang asawa ko lahat ng anak namin nasa abroad na kaya kailangan namin ng sakit na ulo para sumaya naman kagaya mo" natawa ako sa sinabi niya. Naisip kong tama siya. Pag pumunta ako ng korea wala akong ka kilala dun kawawa naman kami ng anak ko. Siguro naman malayo ang bukidnon para mahanap pa nila ako.
"Malayo po ba ang bukidnon manong?" Tumango naman siya.
"Oo malayo dito sa maynila yun. Pero maganda dun tahimik, dun ka muna saamin bumalik ka nalang dito pag handa ka ng humarap sa mga taong tinatakasan mo"
Nang dahil sa sinabi ni manong karding kaya na nabuo ang desisyon ko. Sasama ako sa kanya sa bukidnon at dun ako magsisimulang mabuhay at makalimot.
End of flashback
Wala akong pinagsisihan kahit na isa sa desisyon ko. Kasi alam kong ito yung makakabuti para saamin ni baby. Nandito ako sa labas ng bahay nila manong karding. Ang ganda dito. Tahimik lang.
"Iha ang lalim na naman ng iniisip mo" lumingon ako sa likuran ko si manong karding pala. "Ma iba nga tayo ng usapan alam ba ng gowa mo na magkaka anak na kayo?" Alam na kaya niya?.Malamang alam niya na.
"Malamang alam niya na po. Sinabi na siguro ng mga kaibigan ko" ngumiti lang ako.Yung ngiting may halong sakit at ka plastikan. Naiiyak na naman ako.
"Iha hindi naman sa nanghihimasok ako pero bakit hindi mo man lang siya hinayaan na magpaliwanag? Lahat ng away na gagawan ng paraan yan" kung sana ganun lang kadali ang lahat kaso hindi.
"Kasi manong nakita ko siyang may kausap at kayakap na babae tapos nag sinungaling pa siya saakin." Tumango lang siya " kasi manong ang ayaw ko sa lahat yung niloloko ako nagawa niya na akong lokohin dati kaya alam kong pwede niya akong lokohin ulit kaya ayun nangyari na nga ang sakit lang kasi akala ko siya na kaso akala ko lang pala yun" tumulo na naman yung mga luha sa mata ko. Ang sakit ang sakit sakit. Paulit ulit akong nasasaktan. Bakit niya pa kasi ako niloko.
"Naiintindihan kita iha walang tao ang gustong maloko kaso sa sitwasyon mo ngayon hindi habang buhay matatakasan mo siya, Mataas talaga yung pride niyong mga babae ayaw niyong makita na nasasaktan kayo kaya umalis ka naiintindihan kita" taman si maong.
Yun naman talaga yung isa sa dahilan kaya umalis ako. Ayaw kong kaawaan ako ng lahat. Hindi ako pinanganak na talunan. Natatakot ako na dumating yung araw na makipaghiwalay siya saakin kaya mas mabuti na yung nauhan ko siya.Sana maging masaya siya.
Hanggang ngayon iniisip ko parin kung saan ako nagkulang. Siguro nagsawa na siya kasi ang arte ko, alagain ako , masyado akong pabebe. Nagsawa na siguro siya dahil ako nalang lagi yung inaalagaan niya.Tama yun nga siguro kasalanan ko din naman pala. Grabi niya ako alagaan hindi ko man lang nakita na siya lang pala yung nag aalaga saaming dalawa. Pero kahit ganun paman hindi yun basihan para ipagpalit niya ako sa iba sana sinabi niya saakin kung hindi niya na ako mahal baka sana mas naging okay yun O kung kulang pa yung pagmamahal ko kasi kaya ko naman punuan lahat ng yun . Kaso the damage has been done kahit ano pang gawin ko sira na. Wala na kami. Kahit kailan hindi na pwedeng maging kami.
Dont be too confident when someone tells you they love you. The real question is, until when? Because just like seasons, people change and so do feelings.
---
"Ate ilang mangga na ba ang naubos mo?" Ang kulit nitong si Beboy. Kanina niya pa kasi ako pinagtatawanan ang dami ko na daw na ubos na mangga pinaglilihian ko ata to.
"Ang kulit mong bata ka syempre nakikikain din si baby kaya madami akong nakakain" ngumiti lang siya.
"anong pangalan ng baby mo ate?" Ano nga kaya.
"Jose!" Sabi ni mang karding. Hahaha ang pangit naman non.
" Naku jose?ano ba yan Aldin nalang kung babae Maine" Natawa nalang ako kay Manang Isabel maka aldub pala sila.
"Angelica nalang ate kung babae tapos kung lalaki Richard" Maka pastillas siya? Haha ang gulo nila.
"Hahaha ang kulit niyo naman po kung lalaki James pag babae Nadine" haha adik kasi ako ng OTWOL. Hindi naman talaga ako mahilig manood ng tv na hilig lang ako dito sa bukidnon. Ang saya kasi nilang panuorin kumpulan kami kung manood ng tv ang saya nga.
"Alam mo ate ka gaya sa On the wings of love balang araw dadalhin ka ng tadhana sa lalaking para sayo kasi feel ng vibes ko na mahal na mahal ka ng tatay nitong si baby kaya gagawa siya ng paraan mahanap ka lang" tss imposible.
"Baliw hindi na mangyayari yan. Pano mo naman nasabi na mahal na mahal ako ng tatay ng anak ko?" Tumawa lang siya .
"Kasi ang ganda niyo po kasi tapos mabait pa kung ako malaki na tapos yung girlfriend ko kasing ganda niyo?! Naku itatali ko yun sa katawan ko para hindi maagaw ng iba" Sana nga ganun din siya kaso hindi. Nalungkot tuloy ako bigla. Na mi miss ko siya.
"Naku Beboy apo wag mo ngang sirain ang vibes ng ate mo tignan mo busangot na" sabi ni Mang karding.
Nag fake smile nalang ako. Bakit ganito kahit alam kong niloko niya ako mahal na mahal ko parin siya. Ka pantay ng galit ko sa kanya ang pagmamahal ko. Masyado ko siyang mahal. Ang hirap niyang burahin dito sa puso ko. Ang laki kasi ng parte niya dito.Masyado kasi akong naging kampante na ako lang.
Lahat naman ata talaga ng nagmamahal iniisip na sana siya na yung tao na para sayo. Katulad ko hinding hindi ko inisip na ipagpapalit siya pa ako sa iba. Siguro may mga taong dumating lang talaga sa buhay mo para may matutunan ka. Matutunan Kong wag dapat pala ang relasyon give and take kaso feeling ko nagkulang parin ako Hindi niya naman ako ipagpapalit Kong siguro napunan ko yungbmga pagkukulang na yun.
BINABASA MO ANG
Everything for You
Teen FictionAng story na ito ay hango sa aking malikot na imahinasyon at resulta ng walang kain at tulog ko.haha joke lang. Mahal nila ang isa't isa matagal na. Pareho silang walang lakas ng loob para ipakita at sabihin ito. Minamahal nila ng palihim ang bawat...