Alex POV
Weekend ngayon at naisipan namin na pumunta sa resort para magsaya kasama ang buong barkada.
Sinama rin namin si bessy 6 months na pala yung tiyan niya at 2 months nalang lalabas na ang pamangkin ko malapit lang naman yung resort kaya ok lang na isama siya.Hinihintay pa namin yung iba dahil sabay sabay nadaw kaming pupunta at yung mga lalaki nagdala pa talaga ng kanya kanyang kotse para daw by partners ang peg.
“Buko samin ka nalang sumabay” alok ni buko sakin.Kakarating lang kasi ni Luhan at si Seth nalang ang kulang.
“ah..buko ano ka ba..moment nyo yan kaya ayaw kong maistorbo kayo” sagot ko sa kanya.
“uy alex girl walang kaso naman sakin yung pagsabay mo kaya sige na” sabi naman ni Ruth.
Sasagot na sana ako na sa kanila nalang ako sasabay pero na tulala ako sa nakita ko dahil my gosh! Yung panty ko nalaglag ata.Parang naging slow motion ang lahat dahil ang gwapo ng dumating.Naka shades siya tapos naka sando na black at ang simple lang ng pants niyang pang summer pero sh*t ang gwapo niya talaga.kung tutuusin walang ka effort effort yung suot niya pero bakit ganun ang gwapo niya parin?.
“bessy yung laway mo tulo oh” sabi ni bessy at siniko ako kaya natauhan ako.
“Uy!bayaw! kung dati anak kani rizal ngayon hindi na, dahil parang anak kana ni Lee min hoo ang gwapo mo bayaw” sabi ni bro.
“sh*t Brandon!bakla ka ba?” tanong naman ni Luhan.
“tsk.may bakla bang ganito ka gwapo?”
“oo ikaw pag nagkataon” sagot naman ni Buko sa kanya.
“kayo ang bakla dahil mga baog kayo!” sigaw niya sa dalawang lalaki.
Bago pa sila magkagulo inawat ko na.Baka kasi san na naman mapunta ang usapan.
“stop it guy’s,sige na let’s go na” sabi ko.
“buko samin kana sumabay” yaya ulit ni buko.
Sasagot na sana ako pero hinila agad ako ni seth at nagpahila naman ako.Bago niya sinara yung pinto may sinabi muna siya kay buko.
“from now on I’ll be the one who will take care of her,you have your girl already so better focus on your attention to her dahil baka maagaw na naman sayo ang babaeng maahl mo..” sabi niya at pumasok nasa loob.
Anong ibig niyang sabihin dun sa sinabi niya kay buko?may pinaghuhugutan siya ah.gusto ko sana magtanong pero parang ang awkward na kaya tumahimik nalang ako.Napansin niya at na tahimik ako kaya nagsalita siya at parang may kinuha siya sa backseat ng kotse niya.
“ah…for you pala” sabay abot niya ng red roses sakin.
Kinilig naman ako sa ginawa niya kaya umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko at nahimatay ako..haha joke lang.
“thank you seth.” Sabi ko at tumahimik na ulit.
Kung si nerd lang guro siya gaya ng dati siguro talak ako ng talak ngayon.Tsk I should forget the past na dahil nakaraan na yun at hindi na kailangang balikan pa.Ang tahimik naman ata, feeling ko sasabog na ako pag hindi ako nagsalita hindi kasi ako sanay na tahimik e.Kakapalan ko nalang yung mukha ko.Kakausapin ko siya.
BINABASA MO ANG
Everything for You
Novela JuvenilAng story na ito ay hango sa aking malikot na imahinasyon at resulta ng walang kain at tulog ko.haha joke lang. Mahal nila ang isa't isa matagal na. Pareho silang walang lakas ng loob para ipakita at sabihin ito. Minamahal nila ng palihim ang bawat...