Alex POV
Almost two months na ako dito sa bukidnon. Malaki narin yung tiyan ko ngayon ko malalaman kung babae o lalaki yung magiging anak ko. Kahit anong gender okay naman saakin yun. Sinamahan ako ni manang Isabel . Nagpapasalamat ako ng sobra sa kanila dahil hindi nila ako tinuring na iba. Anak na ang turing nila saakin.
"It's a boy Ms. Alex" Naiiyak ako. Ewan ko kung bakit ang saya ko lang siguro. Lalaki pala ang anak ko. "Congrats"
"Thank you doc" hindi maalis sa labi ko ang mga ngiti.
Ano kayang ipapangalan ko sa kanya?. Siguro Nathan James. For sure ang gwapo ng baby boy ko mana sa mama niyang maganda. Sana naman bumilis yung panahon para makita ko na siya. Gustong gusto na siyang alagaan. Kahit na wala siyang papa kaya ko naman siya buhayin mag isa. Malapit na akong mag review para sa board exam pag napasa ko yun magiging Architect na ako. Matutupad ko na yung pangarap ko. Uuwi nalang siguro ako ng maynila after kong manganak. Tsaka ako magsisimula ulit. Kailangan kong mag ipon ng lakas ng loob para harapin siya kung sa kaling mag krus ang landas namin. Hindi ko pa alam ang gagawin ko. Bibigyan ko ba siya ng karapatan sa bata? O hindi. Naguguluhan ako.
Pagdating namin sa bahay ni manang Isabel ang daming handa parang fiesta nga. Anong mayron?. Lumapit sila saakin lahat. Ang saya nilang lahat.
"Ano pong mayron manang Isabel?" Ngumiti si manang.
"Para sayo yan anak, Congrats!" Tapos niyakap niya ako.
Para ba talaga saakin lahat ng to? Para saamin ni Baby? Naiiyak na naman ako. Kahit na hindi naman nila ako kapamilya ang bait nila saakin. Kahit na pabigat lang ako sa kanila.
"Naku umiyak na naman si ate!" Pang aasar ni Beboy.
"Masaya lang ako salamat sa inyung lahat makakabawi din ako sa inyu"
"iha wag mo munang isipin yan kumain na tayo gutom natong si Beboy" tapos nagtawanan nalang kaming lahat.
Ang sarap pala sa pakiramdam kung may ganito kang pamilya. Sana ganito din kami kaso hindi kasi lagi naman busy ang parents namin.Hindi ko naman sila masisisi kasi nga ginagawa lang nila yun para saamin kaso minsan naisip ko okay lang naman kahit simpleng pamumuhay basta kompleto kaming pamilya hindi matutumbasan ng pera yun.
----
Seth Pov
Two months na pero hindi ko parin siya makita. Sirang sira na ang buhay ko. Pero kahit kailan hindi ko siya susukuan. Ngayon pa na nasa pilipinas lang siya. Asan ka na kaya Alex bunny bear. Sana naman bumalik kana saakin. Miss na miss na kita. Five months na siyang buntis. Sino kayang nag aalaga sa kanya? Sana naman okay siya .Pag may masamang nangyari sa kanya Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.Mababaliw ako.Hindi ko kayang mabuhay ng wala siya.Walang katuturan ang buhay ko kung walang Alex Villanueva ganun ko siya ka mahal.Narasan niyo na bang magmahal ng ganito? Yung sobra sobra.
"Kuya lasing ka na naman diba sabi ng doktor bawal kang uminom tigas ng bituka mo" tss wala akong pakialam. Kung mamatay di mamatay total wala namang saysay yung buhay ko kung hindi ko kasama yung mag ina ko.
"Sis pabayaan muna si kuya pagod ako sa byahe kaya kilangan ko to" tinaas ko yung alak na iniinom ko.
"Kuya ang sabihin mo hindi mo na naman siya makita kaya nagkaka ganyan ka , pwede naman sigurong pag dating mo dito magpahinga ka kasi bukas aalis ka na naman para hanapin siya diba?" Tumango ako. Tss Asan ka na ba kasi bunny bear.
"So ayun naman pala itigil mo na yan bukas bawal kang uminom kasi iinom ka ng gamot mo kung gusto mo pang makita ang mag ina mo wag matigas ang ulo"
BINABASA MO ANG
Everything for You
Teen FictionAng story na ito ay hango sa aking malikot na imahinasyon at resulta ng walang kain at tulog ko.haha joke lang. Mahal nila ang isa't isa matagal na. Pareho silang walang lakas ng loob para ipakita at sabihin ito. Minamahal nila ng palihim ang bawat...