Chapter 2

35 6 0
                                    

Pag pasok ko sa room namin halos kokonti pa lang yung mga tao siguro dahil nasa labas pa silang lahat,ano ba kasi ang meron dun sa labas at nag kakagulo silang lahat. Baka naman may artistang lumipat dito sa school namin, teka bakit ko ba pinapahirapan ko ang sarili ko na mag-isip bahala na nga sila sa buhay nila.
Pag-upo ko sa upuan ko sakto namang bukas yung pinto ng room namin at yung dalawa kong bruhang nakaibigan ay nag uunahan lang naman sa paglapit sa akin.

" Friend nabalitaan mo na ba?" Sabi sa akin ni ashley habang hinahabol ang hininga niya.Bakit ba kasi tumatakbo itong dalawang ito.

"No! At wala akong balak alamin,kayong dalawa tigilan nga ninyo ako sa mga kalokohan ninyo." Irap ko sa kanilang dalawa,alam ko naman kasi na walang sense ang sasabihin ng mga ito sa akin.

"Ay nako tamarra wag ka ngang masyadong KJ okey."irap nila sa akin,pero dahil alam nilang hindi naman tatalab ang mga pag-irap nila sa akin patuloy parin sila sa pangungulit sa akin at dahil sa pinagsamang kakulitan ng dalawang nilalang na ito pumayag na akong makinig sa kanila..

"Fine siguraduhin ninyo na may sense yan dahil kakalbuhin ko kayong dalawa"pataray na sabi ko sa kanila habang inaayos ko yung gamit ko.

Excited na umupo sa tabi ko si ashley " tamarra do you believe in love at first sight? "

"WHAT! Anong klaseng tanong ba iyang ha Ashley Lim sabi ko na nga ba dapat hindi ko na pinakinggan yang mga kalokohan ninyo"

"My god! I'm serious, girl hindi kanaman nakikinig sa akin eh" nagdadabok na sabi sa akin ni ashley,

"Fine I don't believe it happy?sabi ko sa kanya,totoo naman hindi talaga ako naniniwal hello! Sinong matinong tao ang iibig in just a blink of an eye,ilabas ninyo at papatayin ko joke.

"Pwes dapat maniwala ka na dahil nangyari siya sa akin kanina.eiiihhh o-oh my good i need water" maarteng sabi ni ashley habang nagkukunwaring nahihimatay. Malala na talaga itong dalawa na ito,hinayaan ko na lang silang dalawa na mag-usap tutal sila lang naman ang nag kakaintindihan,nilagay ko na lang yung earphones ko sa tenga ko mabuti pang pakinggan ko na lang yung kanta ni Taylor Swift kesa sa dalawang babaeng to.

Habang nakikinig ako ng music nakita kong dumaan na yung teacher namin kaya pinatay ko na yung tugtog ng cellphone ko. Biglang bumukas yung pinto ng room namin kaya natahimik yung mga babaeng nag-iingay sa likod,tulad na lng nitong dalawa kong kaibigan na akala mo hindi mapakali sa pag-upo nila sa bangko nila.

"Good morning class I'm Ms.Villa and I'll be your home room teacher, by the way since first day of class hindi pa regular ang class today and also my meeting ang faculty today so let's dismissed early.. "sabay talikod ni ma'am, hay! Kung alam ko lang sana hindi na muna ako pumasok ngayon badtrip naman eh.

"Let's go na tamarra,punta tayong canteen at baka naandon na ang apple of the eye ko ngayon" excited na sabi ni ashley habang hinhila ako,grabe talaga ang pagka-hyper ng babaeng ito,wala na akong nagawa kung hindi sundan sila.

Pag pasok namin sa canteen konti pa lang yung mga estudyante, siguro dahi masyado pang maaga.Umupo ako dun sa palagi naming inuupuan na table tapos yung dalawa na yung bumili ng pagkain,nag-uunahan pa nga sila ano kaya ang nangyayari sa mga kaibigan koparang mga baliw.Pinag mamasdan ko silang umorder hindi naman kasi masyadong malayo yung table dun sa bilihan ng pagkain kaya kitang-kita ko sila at base na rin sa kilos mukang nagtatalo pa yung dalawang yun,napa-ngiti na lang ako sa sobrang kakulitan ng dalawang yun sila na ang nagiging stress reliever ko.

"Hoy!so deep na naman ng iniisip mo."bulong sa akin ni shai,napatingin ako sa kanya habang nilalapag niya yung tray na may pag-kain sa harapan ko.

"Huh!hindi kaya may naisip lang ako"tanggi ko sa kanya kahit totoo naman yung sinabi niya wala akong balak sabihin sa kanya yung totoo dahil for sure tatawa lang ito may sa mental pa naman ang ugali nito minsan.

"Okie doki sabi mo eh, oh ash bakit ang tagal mo?napatingin ako kay ashley at ang sama ng tingin niya kay shai,habang itong bruha naman ay abala sa pagkain ng dala niyang foods.

"How dare you shai,iniwan mo ako dun para akong tanga na imik ng imik tapos wala ka na pala sa likod ko kung hindi pa sinabi ni ate salita parin ako ng salita dun pout "nagdadabog na sabi ni ashley habang umuupo sa katapat kong upuan.

"Smirk masyado ka kasing madaldal at saka nagugutom na ako hindi mo tulad kahit hindi ka kumain ng isang araw busog ka parin dahil sa daming hangin ang nalunod mo sa sobrang kadaldalan mo"mahabang paliwanag ni sha kay ashley at hindi ko alam kung tatawa ba ako o hindi dahil sa reaction ng face ni ashley and I choose to not dahil baka pati ako madamay.

Habang kumakain kami biglang nagkagulo yung mga student na nasa loob at meron namang nagtatakbuhan papasok ng canteen, napatigil si ashley at shai sa pagkain habang ako naman hindi ko na pinansin baka trip lang nilang tumakbo diba.Biglang bumukas yung pinto ng canteen at kulang na lang na mabingi ako sa sobrang lakas nung sigawan at nakisabay pa si ashley at shai dun sa mga babaeng umiirit

"Ooooohhh myyyy gooood shai,tammyyy it's himmm my apple of my eye"sabi ni ash habang sumisigaw at nagtatalon sa harapan ko.

"WHAT!siya?"sigaw ni shai kay ashley kaya biglang napatigil si ash at yung iba na sumisigaw sa sobrang lakas ng sigaw ni shai.

Hey CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon