Chaptef 32

20 0 0
                                    

Tamarra POV

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa narinig ko sa kanya. Andun siya? Nanood siya pero bakit hindi ko siya nakita? Akala ko pa naman hindi siya nanood. Tumingin ako sa kanya nag-aantay akong magsabi siya ng joke lang pero hindi nakangiti lang siya sa akin na parang nagsasabi talaga siya ng totoo.

"Talagang nanood ka kanina?" Tanong ko sa kanya.

Tumawa siya " Bakit parang hindi ka ata naniniwala na nanood ako kanina?"

"E-Eh kasi hindi naman kita nakita dun kanina kaya akala namin hindi ka nanood."

"Andun ako trust me. Palalagpasin ko ba yung laban ng favorite player ko syempre hindi." Nakangiti niyang sabi.

Mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko sa mga naririnig ko parang ayaw mag sink-in sa utak ko ng mga sinasabi sa akin ni Tyrone. Parang ang hirap paniwalaan.Parang lahat ng nagyayari sa akin ngayon ay panaginip lang, parang wala lang sa kanya yung mga sinasabi niya sa akin pero sobrang lakas ng impact pagdating sa akin. Ito siguro yung dahil kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya kasi bukod sa gwapo siya parang lahat ng lumalabas sa bibig niya puro sweet words. Tyrone ano bang ginagawa mo sa akin parang binibigyan mo ako ng dahilan para kilalanin at magustuhan ka lalo.

"Tyrone tigilan mo nga ako sa mga joke mo. Sige na manonood na ako ng laban mo para tumigil ka na" natatawa kong sabi.

Tumingin siya sa akin " Grabe ka naman Tamarra hindi naman ako nag jojoke"

"Tigilan mo nga ako. Kumain na nga lang tayo gutom na ako. Mukhang iniwan na tayo ng mga kasama natin." Tumayo na ako at nakita kong sumunod siya sa akin.

"Pero totoo yun nanood talaga ako" pilit parin niyang kumbinsi sa akin kaya natatawa na lang ako. " Ang galing mo pa nga lahat ng points parang galing sa iyo"

"Oo na nanood ka na. Tayo na at kakain na tayo." Narinig ko siyang tumawa sa likod ko.

And it sounds music in my ears. Paano pa kaya ako makakatulog nito mamaya sa daming nangyayari na akala mo sa panaginip lang mangayayari. Parang hindi ako makakatulog.

Shaira POV

Ginawa namun ang planong ito para mapasaya si Tamarra pero hindi ko naman akalain pati ako sasaya kasi naman I got the chance to be with him. Sobrang cool niyang kasama yung parang close na close na kami. Sa sobrang dami na naming napag-usapan hindi ko na matandaan yung iba.

"Shaira hindi ka ba takot sa horror house?"

"Hindi bakit mo naman naitanong?"

Tumingin siya sa akin " Kasi naman halos lahat ng babae takot sa mga creeppy na bagay at kung titignan ka parang matatakutin ka."

Natawa ako sa sinabi niya "Well sad to say I'm not like them, Mas okey nga yung mga horror mas may thrill para sa akin."

"Alam mo yung ganyang personality yung gusto ko sa mga girls" nakangiti niyang sabi.

Napatingin ako sa kanya " Anong sinabi mo?" Tanong ko ulit sa kanya narinig ko naman pero parang hindi ba siya nagsink-in agad sa utak ko parang ayaw kong paniwalaan.

Tumawa siya " Wala ang sabi ko ang ganda mo"   tumingin siya sa akin bago hinila yung kamay papunta kina Ashley medyo nahuhuli na kasi kami.

Akala ko bibitawan niya yung kamay ko pero hindi mas- lalo pa nga niyang hinigpitan na parang ayaw pa niyang bitiwan.

Hey CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon