Ashley POV
Pagdating namin sa Amusement park wala pang masyadong tao siguro dahil weekdays ngayon at may pasok ang mga studyante kaya kaunti lang ang mga pumunta ngayon. Bumili kaagad kami ng ticket pero dahil gentelman daw yung mga kasama namin sila na yung nagbayad para sa amin. Grabe feeling ko ito yung first date namin ni Andrei kasi binilhan niya ako ng ticket tapos kumain kami sa labas o diba parang nagdate na rin kami. Tapos yung mga alalay namin yung apat pa naming kasama ang saya diba. Natatawa ako sa mga iniisip ko for sure pag nalaman ito nung dalawa lagot nanaman ako.
"Saan ninyo unang sumakay girls? Kayo na ang pumili para masaya." Grabe ang gentelman naman ni Jared.
"Kahit saan namn okey lang sa amin. Basta mageenjoy tayo. Pero gusto ko huli yung rollercoaster."
" Bakit Shaira ano bang meron pag hinuli nating sakyan yung rollercoaster? "
Sinamaan ng tingin ni Shaira yung pinsan niya "Wala kang pakialam. Tara na maghanap na tayo ng sasakyan." Nauna ng maglakad ang bruha.
Tinignan ko si Andrei nakasimangot " Para nagtatanong lang sungit mo talaga" bulong pa niya, kaya natawa ako narinig ata niya kaya lumingon siya sa akin.
"Ang taray talaga ng kaibigan mo diba?" Nakangiti niyang sabi.
" Kaibigan ko na pinsan mo. Lagot ka kapag narinig ka nun pagagalitan ka na naman niya alam mo na parang nanay yun pag nagalit" natatawa kong sabi, pero nagulat ako nung tumawa siya ng malakas kaya napalingon sa amin yung apat.
"Hoy! Bakit kayo tumatawa diyan?. Bilisan na ninyong maglakad. " Sigaw ni Shaira.
Nagkatinginan kami ni Andrei at sabay na tumawa. "Sabi ko naman sayo magagalit na naman siya" ngumiti lang siya sa akin.
Grabe hindi ko akalain na ganiti pala yung feeling na makausapa mo yung taong gusto mo na parang close kayo, parang natanggal yung awkward moment namin dalawa sana magtuloy-tuloy na ito para naman mas makilala ko pa siyang mabuti. Kasi naman ayaw kong magtanong kay Shaira baka puro negative side ni Andrei yung sabihin niya sa akin, yung babaeng pa naman na yun para laging galit kay Andrei.
Tamarra POV
Okey so far so good, medyo nasasanay na rin akong kasama siya parang nabawasan na yung awkward moment ko siguro kailangan ko siyang pansinin para naman hindi niya mahalata na nahihiya ako sa kanya. I just need to be natural parang katulad kung paano ko kausapin sina Andrei at Jared.
"So kailan yung next game ninyo?" Nagulat ako nung bigla siyang nagsalita sa tabi ko.
Kami lang kasing dalawa yung nakaupo dito dahil napagod na ako pero yung apat parang walang pagod sige parin sa pagsakay sa mga rides. And he offer na samahan ako para hindi naman daw ako nag-iisa kaya pumayag na ako.
" Ahmm wala pang announcement sa amin. Kayo I heard malapit na ang laban ninyo."
"Yes!Next week na siya. Manonood ba kayo? Sa school Gym lang din naman siya gaganapin."
"Sila manonood" nakangiti kong sabi.
"Sila lang? Ikaw hindi ka ba manonood?" Parang gusto kong tumakbo palayo sa kanya kasi the way he looks at me parang gusto rin niya ako manood. Pero kailangan kong gumanti kasi hindi siya nanood sa akin.
"Well depende kapag sinipaga ako. Bakit hindi ka rin naman nanood sa laban ko kanina diba! " Tumingin siya sa akin sabay ngumiti saka ko lang narealize kung anong nasabi ko.
"Ahhmmm I-I mean- " hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Your waiting for me?" Tanong niya nakangiti siya sa akin.
"W-What N-No bakit naman kita aantayin" hindi ko alam kung anong iwas yung gagawin ko sa kanya kasi naman tinititigan niya ako parang gusto niyang malaman kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo. Pero wala akong balak aminin yun sa kanya. Alam kong namumula na yung buo kong mukha.
Nasaan na ba kasi yung mga bruha kung kailan kaylangan ko ng tulong saka naman sila hindi nagpapakita sa akin.
"Don't worry napanood kita kanina" Napatingin ako sa kanya at nakangiti siya sa akin.
WHAT HE WATCH!!!!!
BINABASA MO ANG
Hey Crush
Teen FictionPano kung yung taong gusto mo ay gusto rin ng maraming babae sa School mo anong gagawin mo? Lalo na kung siya ang first Crush mo. Are you willing to give up or not? I'm Tamarra Lopes and He's my Campus Crush.