Nagulat ako nung nakita ko yung note sa ibabaw. Sino naman kaya ang naglagay nito dito? At yung sandwich at tubig ganito rin yung natanggap ko nung nagprapraktis palang kami at hanggang ngayon hindi ko parin alam kung kanino galing. Lumingon ako sa palig baka sakaling malaman ko kung sino yung mga taong lumapit dito sa bench namin pero wala akong makita. Nakakapag taka lang kasi malayo siya sa entrance at makikita mo kung sino yung mga taong lalapit dito pero bakit wala akong nakita niisa.
Narinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako. Nakita kong naglalakad palapit sa akin yung mga kaibigan ko kaya nilagay ko muna sa loob ng bag ko yung tinapay at kinuha yung tubig kasi nauuhaw na ako.
"Tamarra I'm so proud of you, sabi ko naman sayo kayo ang mananalo. Sa cheer palang namin wala ng masabi ang kalaban ninyo" nakangiting sabi ni Ashley.
Natawa ako sa sinabi niya. " Ashley ako ba talaga ang binabati mo o yung pag chicheer mo sa akin kanina?" Nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya.
"Pwede bang half? "
Hindi ko alam kung matatawa o maaasar ako sa kaya. Ang dami talaga alam na kalokohan ng babaeng ito.
"Hay! Tamarra wag mo na nga lang pansinin yung mga sinasabi ni Ashley alam mo naman na puro hangin ang laman ng braincell niyan."
" Ang bad mo talaga Shaira. Tamarra magbihis ka na nga kasi kakain tayo sa labas at may nag-aantay din sa atin." Nakangiting sabi ni Ashley.
Nagaantay? Sino naman kaya yun? pero hindi ko na naitanong kasi tinulak na ako nung dalawa kaya tumalikod na ako para kuhain yung mga gamit ko.
Habang naglalakad ako papunta sa CR nung Gym iniisip ko parin kung kanino galing yung tubig at tinapay kasi this is the second time na may natanggap ako at hanggang ngayon hindi ko parin alam kung kanino siya galing. Pero grabe ang sarap nung sandwich na natanggap ko noon. I eat that without knowing kung kanino galing yung tinapay pero masarap naman. Kaya kinuha ko yung tinapay sa bag ko at kinain ko gutom at pagod na ako, pero nagulat ako kasi parehas sila ng lasa nung unang tinapay na natanggap ko, hindi ako pwedeng magkamali. Hindi kaya iisang tao lang ang nagbigay nito sa akin. Siguro galing to sa pinsan ko ayaw lang niyang umamin sa akin. Inubos ko na yung tinapay bago ako maligo kasi alam kong nag-iintay na sa akin yung mga bruha kong kaibigan.
Paglabas ko ng Gym hindi ko alam kung nasaan na yung dalawa kay nagtxt na lang ako sa kanila. Pero pangalan ng resturant ang reply nila pumunta na lang daw ako dun. Bwisit na dalawang yun hindi manlang ako inantay na matapos at talagang iniwan pa nila ako. Ako kaya yung nanalo hindi sila tapos ako yung iniwan, lagot sila sa akin oorder ako ng marami tapos pa babayaran ko sa kanila. Nakasimangot akong naglalakad habang nakatingin sa cellphone ko dahil hindi ko matanggap na iniwan nila ako.Nung malapit na ako sa gate nung school, Napahinto ako nung may tumawag sa pangalan ko kaya lumingon ako. Pero hindi ko alam kung ano yung gagawin ko kung tatalikod o babatiin ko siya.
Grabe kanina ko pa siya hinahap pero heto siya sa harapan ko.Nakita kong naglakad siya palapit sa akin kaya napatayo ako ng tuwid.Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
"Andrei txt me isabay na daw kita papunta dun sa resturant" nakangiting sabi ni Tyrone.
BINABASA MO ANG
Hey Crush
Teen FictionPano kung yung taong gusto mo ay gusto rin ng maraming babae sa School mo anong gagawin mo? Lalo na kung siya ang first Crush mo. Are you willing to give up or not? I'm Tamarra Lopes and He's my Campus Crush.