Chapter 18

11 1 0
                                    


Ashley

I know you all know that I'm a talkative person,A crazy one and anything, pero kahit naman ang tulad kong madaldal marunong din mag-mahal at masaktan.Yes!.hugot pero that's true kahit ganito ako parang palaging walang problema nagmamahal din ako at ang taong yan ay si Andrei Tan.

Alam kong hindi naman ako pinaniniwalaan ng mga bruha kong kaibigan,pero I know na my point naman sila I fell in love the first time I saw him.Anong magagawa ko that's love,ano nga yung tawag nila dun?." Love at first sight " ngayon alam ko na yang Love at first sight na yan is existing,Matagal na naman akong naniniwala diyan pero hindi ko lang alam na mangyayari siya sa akin.

Papunta kami ngayon sa canteen kasi lunch break at the same time pahinga namin sa training. Pagdating namin sa Canteen marami ng tao pero dahil malawak naman itong canteen ng school namin marami pang vacant na table.

Pagkabili namin ni Shaira ng pagkain nakahanap na agad kami ng pwesto,pero hindi muna kami kumain dahil inaantay pa namin yung isa pang bruha na si Tamarra.

"Ashley, asan na kaya si Tamarra?Lunch break na hindi parin sila tapos."Naiinip na tanong sa akin ni Shaira.

"Ewan ko ba dun sa babaeng yun nagtxt sa akin na sabay tayong maglulunch pero siya yung wala dito.Teka nga I need to pee." Hindi ko na siya inantay na sumagot umalis na agad ako naiihi na kasi talaga ako.

Paglabas ko sa banyo,I check my phone baka kasi nagtxt sa akin si Tamarra hindi ko lang napansin,habang nakayuko ako biglang may nakabangga sa akin kaya nabitawan ko yung phone ko.

"WHAT THE-" pero hindi ko naituloy yung sasabihin ko kasi yung taong nakabangga sa akin ay walang iba kung hindi si Andrei Tan.

"Oppss! Sorry Miss,hindi ko sinasadya." Pero hindi siya nakatingin sa akin kasi dinampot niya yung phone ko.

"N-no it's okey,hindi rin naman kasi ako nakatingin sa daan." Nagulat ako kasi bigla siyang tumingin sa akin and base on his expression mukha siyang nagulat.

"Ikaw pala Ashley. Your Ashley right? One of my cousins friends? "

"A-ahh yes ako nga" nahihiya kong sabi sa kanya.

"Sorry again,sige I need to go see you around. "Pagkasabi niya nun tumakbo na siya papunta dun sa banyo ng lalake.

Ako naman nagsimula ng maglakad para nga akong tanga kasi habang naglalakad ako wala ako sa sarili pero nakangiti ako. Ito ba yung pakiramdam kapag nakausap mo yung crush mo? And I'm happy to know that he know's my name,parang gusto ko tuloy Iannounce na walang pasok dahil magpa-party ako.

Hanggang sa makarating ako ganun parin yung itsura nung tumingin sa akin si Shaira alam kong naguguluhan siya pero ewan ko kung bakit hindi na lang siya nagsalita.Natauhan lang ako nung may magsalita sa likod namin.

"Kanina pa kayo dito?" Pagtingin ko si Tamarra lang pala parang gusto ko siyang batukan dahil sa bigla na lang siyang sumulpot.

"Tamarra naman nakakagulat ka bigla ka na lang umiimik diyan.And yes kanina pa kami dito saan ka ba galing babae ka?

"Sorry,nakatulog kasi ako sa Gym ngayon lang ako nagising. "

"Ahhh, akala namin kung saan ka na nagpunta.Tara kain na tayo binilhan ka na namin ng foods para hindi ka na pumila."

"Wow! thank you.Nakita ba ninyo yung mga ka- teammates ko? Nagising kasi ako na ako na lang ang taou sa gym."

"Hindi pa, baka naman andiyan lang yun sa tabi-tabi."

"Siguro nga. Teka nga Shaira anong problema nitong si Ashley at parang nasa mood ata siya.Mukha siyang normal na tao ngayon" tanong niya kay Shaira na nakatingin din sa akin

"Grabe ka naman Tamarra, palagi naman akong normal at nasa mood." Sabi ko sa kanya with matching tawa pa.

"Ewan ko rin ba diyan,simula nung galing siya sa CR ganan na iyan. "

"My god Ashley, don't tell me you use-"

"Adik ka ba tamarra, sa ating dalawa ikaw ang mukhang nakadrugs.Your wrong I'm not using drugs okey I'm just happy today." Sira talaga itong babaeng ito,Ako?mukha ba akong nagdru-drugs?

"Sorry, nagtatanong lang naman."
Tumawa lang ako sa sinabi niya

Whole lunch break nakatingin lang sa akin yung dalawa,para talaga silang sira masama bang maging happy today lalo na kung ang reason ay yung crush mo.Sabagay hindi nila ako naiintindihan lalo na itong si Tamarra.Hindi ko na lang sila pinansin yung mga tingin nilang nakakaasar dahil I'm in good mood.

Nung narinig na namin yung bell tumayo na kami tutal tapos na rin kaming maglunch.Naunang umalis si Tamarra dahil hahanapin pa daw niya yung ka-team niya.Kami naman naklakad na rin papunta sa tennis court.

Simula ng mag-umpisa kaming maglaro nakangiti na ako alam kong nagtataka yung mga ka-team ko lalo na si Shaira pero wala akong pakialam dahil good mood ako at walang makakasira nun.

Someone's POV

I know this is gay, pero masaya ako kasi nakausap ko siya.

Hey CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon