Halos hindi na ako gumagalaw sa kinauupuan ko, hindi ko rin alam kung paano ako napunta dito sa loob ng kotse niya basta ang alam ko lang nagulat ako nung nilapitan niya ako kanina at wala na akong nagawa kung hindi tumango at sumunod sa kanya. So I end up here and this is the most awkward scene of my life akala ko last na yung sa canteen pero hindi pala.
Bakit ganon sa tuwing nagkikita kami hindi ko alam kung anong gagawin ko parang bigla ako nabobo kapag siya na yung kausap ko, ano ba naman kasi ang meron sa lalaking ito at parang kapag siya yung nasa harapan ko nauubusan ako ng salita.
Pero teka ang pinagtataka ko kung bakit ako pinapasundo ni Andrei.
Pag ba tinanong ko siya sasagutin kaya niya ako? Pero hindi kami close!
Pero nakasama ko na siya dati at nakausap. Ahhhh naguguluhan ako.Lumingon ako sa kanya. Bahala na nga
" A-ahmm itatanong ko lang sana bakit kaya ako pinapasundo ni Andrei?"
Tumingin siya sa akin, parang gusto ko atang bawiin yung tanong ko " Andrei said my celebration daw ngayon. I heard nanalo daw kayo Congrats." nakangiti niyang sabi.
"Ah ganon ba! Thank you" grabe spell AWKWARD.....
Pagkatapos ng maikling usapan na yun wala ng nagsalita sa aming dalawa. Parang feeling ko awkward din ito para sa kanya. Nako siguradong kasalanan ng mga kaibigan ko kung bakit si Tyrone ang nagsundo sa akin, lagot talaga sa akin yung mga yun pag nakita ko sila sa daming magsusundo sa akin talagang si Tyrone pa yung napili nila. What a great timming.
Minutes later nakarating na rin kami sa wakas dun sa resturant. Bakit parang sobrang haba nung biyahe para sa akin pero malapit lang naman ito sa school namin. Siguro dahil siya yung kasama ko kaya parang sobrang tagal nung takbo ng oras para sa akin.
Pagpasok namin ni Tyrone nakita ko kaagad yung mga kaibigan ko at kaibigan ni Tyrone. Pero yung dalawang bruha lang yung lumingon at tumawa sa akin at hindi nga ako nagkamali na sila ang may kasalanan nito that smile represent that they do something. Lagot sila sa akin mamaya hindi pwedeng hindi ako gaganti, lagot sa akin ang credit cards ninyo.
Umupo na kami dun sa dalawang vacant chair, talagang pinagtutulungan ako ng mga kaibigan ko kasi pinagtabi pa nila kami ni Tyrone.
"Finally the champion is here. Congrats Tamarra grabe sobrang galing mo kanina, parang halos ng pionts sayo galing." Nakangiting sabi sa akin ni Andrei. Halatang excited siya
" Thank you for watching." Nginitian ko siya "Nag-order na ba kayo mukhang kanina pa ata kayo nagiintay dito.?"
"Hindi kararating lang din namin actually"
"Pero order na tayo gutom na rin ako."
Tumingi ako dun sa dalawa. " Shaira may utang kayo sa akin kaya kayo ang magbabayad ng mga oorderin ko diba?" Nakangisi kong sabi sa kanila, alam kong alam nila kung ano ang ibig kong sabihin kaya tumango na lang silang dalawa sa akin.
"Wait Tamarra si Tyrone yung manlilibre ngayon kasi siya lang yung hindi nakapanood nung game kanina" Singit ni Andrei sa usapan namin " Diba bro sagot mo ang Lunch natin ngayon.?" Nakangisiing sabi ni Andrei halata naman na inaasar lang niya si Tyrone. Pero nagulat ako nung ngumiti si Tyrone.
"Okey lang sa akin" Tumingin siya sa akin" This is my treat kasi nanalo kayo and also apology kasi hindi ko napanood yung laban mo kanina."
Ramdam kong namumula yung mukha ko kaya tumingin ako sa ibang direksyon. Grabe this is the best day of my life. Because I got the chance to talk to him.
BINABASA MO ANG
Hey Crush
Teen FictionPano kung yung taong gusto mo ay gusto rin ng maraming babae sa School mo anong gagawin mo? Lalo na kung siya ang first Crush mo. Are you willing to give up or not? I'm Tamarra Lopes and He's my Campus Crush.