Chapter 33

18 2 0
                                    

Tamarra POV

It's been month simula ng makasama namin yung barkada ni Tyrone at simula ng araw na yun parang lahat ng nagyayari sa akin ay hindi totoo na parang panaginip lang silang lahat. At sa loob ng isang buwan na yun maraming nangyari na hindi kapanipaniwala sa mga bruha kong kaibigan like Shaira and Jared is already dating and Andrei is courting Ashley diba sobrang nakakagulat na kahit ako hindi makapaniwala kung paano yun nagsimula na parang nung isang araw lang nagkakahiyaan pa kaming mag-usap tapos ngayon sila na at nagliligawan pa.
At kung ang lovelife ko naman ang pag-uusapan ang masasabi ko lang na masaya ako kasi sa daming babaeng nagkakagusto sa kanya ako na ata ang pinakamaswerte kasi ako yung may chance na makasama siya araw-araw. At sa araw-araw na yun alam ko sa sarili ko na mas lalo ko pang nakikilala kung sino talaga si Tyrone yung mga childish and gentelman side niya na nakikita ko kapag nagkakasama kami. Kaya masaya na ako kung anong friendship ang meron kami ngayon kasi I know that everything happen for a reason. Love is not something that you have to rush. At alam ko namn na hindi na lihim kung ano yung nararamdaman ko para kay Tyrone dahil alam ko na alam na yun ng mga kaibigan ko at alam ko na sila rin yung dahilan kung bakit pag minsa nagkakasama kaming dalawa ni Tyrone.

Natigil kung ano man yung iniisip ko kasi may bigalang tumapik sa likod ko. At pagtingin ko si Shaira na nakakunot ang noo na nakatingin sa akin.

"Tamarra, are you okey? Para kang baliw na tumatawa diyan mag-isa?"

"Huh! Wala may naalala lang ako."

"Tsk... parang kilala ko na kung sino yung nalala mo" nakangiti niyang sabi " Yung pangalan ba niya nagsisimula sa T?" Nakangisi habang tumataas yung kilay niya.

"Hoooyyy hindi kaya. Grabe kayo pag nakangiti si Tyrone agad."

Mas lalong lumaki yung ngisi niya " Ay si ate girl assuming hindi naman si Tyrone yung ibig namin sabihin diba Ashley?" Nakita kong tumango si Ashley "Ikaw talaga umamin ka na kasi para hindi na lang ikaw ang single sa atin" sabay tawa niya ng malakas.

Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya kaya lalo siyang tumawa ng malakas. Pag talaga sa pang-aasar palaging nangunguna yung pangalan ni Shaira. Ang tanga ko namn kasi bakit ba pag letter T yung pinag-uusapan palaging pangalan niya yung naiisip ko kaya palagi akong niloloko nina Shaira at Ashley na palagi ko daw siyang iniisip kahit hindi naman asar..

" Hey babe bakit tawang-tawa ka diyan?" Narinig kong sabi ni Jared. Hindi ko namalayan na andito na pala sila sa harap ng table namin.

"Eh kasi namn babe may friend akong- " tumingin muna sa akin si Shaira kaya nilakihan ko siya ng mata para patingilin.

"Ano yung tungkol sa friend mo babe?" Curious na tanong ni Andrei

"Hayyy wag mo na yung pansinin kasi baka pag sinabi ko sayo kalbuhin niya ako sayang naman ang beauty ko diba babe" nakangisi nitong sabi habang nakatingin sa akin.

Nakita kong tumango si Andrei bago umupo sa katabing upuan ni Shaira. Kahit kailan talaga yung babaeng yun napaka mapang-asar walang magawa sa buhay niya. Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ng libro sa harapan namin dahil inaantay pa namin si Andrei at Tyrone. It's lunch time at palagi kaming sabay-sabay kumain hindi dahil kaibigan namin sila pero dahil may mga lovelife na sila kawawa naman ang beauty ko pang single.

Habang nagbabasa ako biglang may nagbaba ng libro kong binabasa kaya napalingon ako sa likod ko para sigawan kung sino man ang storbo sa pagbabasa ko pero napatigil ako ng makita ko kung sino yung taong yun.

"Hi sobrang busy natin ahh" nakangiti nitong sabi.

"Tyrone bakit mo tiniklop yung book hindi ko na alam kung anong page na ako."

Tumabi siya sa akin " Don't worry tanda ko yung page. Kumain muna tayo bago ka magbasa ng libro mo haha. " nakita kong nilagay niya yung book ko sa bag niya kaya wala na akong nagawa.

Lumingon ako sa mga kaibigan ko para tanungin kung anong kakainin namin pero ang mga bruha kong kaibigan wala na. Kaya lumingon ako sa paligid pero hindi ko sila makita.

"Kung sina Shaira ang hinahanap mo umalis na sila"

Tumingin ako sa kanya " Bakit saan namn sila pupunta?

"Sa labas daw tayo kakain kaya mauuna na sila"

Napakunot yung noo ko sa sinabi ni Tyrone. Grabe talaga yung mga yun hindi manlang ako inakit ang sasama talaga ng mga ugali lagot sa akin yung dalawang bruha na yun.

"Yung noo mo nakakunot na naman." Natatawa nitong sabi

"Kasi naman grabe sila hindi manlang ako inakit samatalang nagbabasa lang namn ako dito." Nakasimangot ko sabi pero teka parang may mali.

"Wait ikaw bakit andito ka? Hindi ka rin ba nila sinabihan?"

"Sinabihan magkasama kami ni Andrei kanina kaso bumalik ako sa room namin para kuhain yung bag ko. Tapos nagtxt siya na andito ka nga daw sa canteen kaya pumunta ako dito"

"Hay nako kung sinama nila ako edi sana hindi ka na pumunta dito ang layo kaya ng building natin sa canteen yung mga yun talaga pahamak lagot sa akin yung mga yun."

"Pabayaan mo na ayus lang naman. Tara pumunta na tayo libre daw ngayon ni Andrei kaya dapat damihan natin yung oorderin natin pangbawi sa pang-iinis niya sayo" nakangiti niyang sabi.

Natawa na lang ako sa sinabi ni Tyrone yung feeling na dapat kang maasar pero hindi mo magawa kasi parang pabor pa sa akin yung ginawa ng mga bruha kong kaibigan kasi may chance na naman ako para makasama siya.

Habang naglalakad kami palabas ng school ramdam kong pinagtitinginan kami. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin kung ganito kagwapo yung makakasama mong maglakad at bukod pa dun ang dami pang nagkakagusto sa kanya. Parang gusto ko tuloy lumubog sa lupa para makaiwas sa usap-usapan ng mga nakakakita. Kaya binagalan ko na lang yung lakad ko para maunang maglakad sa akin si Tyrone at hindi mapansin na magkasama kami. Kinuha ko yung phone ko nung maramdaman kong nagvibrate siya. Nagtxt si Shaira nagtatanong kung nasaan na daw kami kaya nagreply ako habang naglalakad.

Nagulat ako ng may tatlong babae ang tumigil sa tapat namin ni Tyrone kaya napatigil ako sa paglalakad.

" ahmmm Tyrone pwede ka bang iinvite na maging scort sa party?" Namumulang sabi ni ate girl

Napatingin ako kay Tyrone nakatingin siya dun sa girl habang nakangiti. Papayag ka ba please say no. Gusto kong sabihin pero alam kong wala akong karapatan. Saktong nagvibrate ulit yung phone ko kaya napatingin ako sa cellphone ko baka kasi si Shaira na yung nagreply. Pero nagulat ako nung biglang may umakbay sa balikat ko kaya napatingin ako kay Tyrone na nagtataka.

"Ah magpaalam muna kayo sa Girlfriend ko medyo selosa kasi ito." Nakangiting tanong sa akin ni Tyrone.

Pero parang nawala ako sa sarili ko sobrang bilis ng tibok ng puso ko para sasabog na siya. Ako ba yung tinutukoy niyang Girlfriend? Tama ba yung rinig ko hindi ba ako nabibingi? baka joke lang ito. Nakatingin lang ako sa mukha ni Tyrone nag-aantay na sabihin niya na joke lang

"Babe okey lang ba na maging scort niya ako?" Tanong niya ulit

Lalong nanglaki yung mata ko sa tinawag niya sa akin pati na rin yung mga babae sa harapan ko.

Tyrone ano bang ginagawa mo sa akin. Bakit masyado mong pinapabilis ang tibok ng puso ko.

Hey CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon