Luke Cru

5K 219 3
                                    

Naglilibot pa rin ako sa academy ng mapadaan ako sa likod ng school building. May nakita akong malaking puno na kaparehas ng puno sa sacred garden. Nga lang di sya nagniningning. Pumunta ako dun at umupo sa ilalim nun. Hinangin ang ilang piraso ng buhok kong di nasama sa pagtirintas. Tumingin ako sa mga sanga ng puno.

"Kaylan ka pipili?"

"Gusto na namin na tumira ka dun"

"Nalulungkot kami."

"Ano ba naman kayo di madaling pumili. At ayokong tumira sa kung ano man ang tinutukoy nyo. Hayaan nyo muna ako..pakiusap..

"Pero di ka namin mababantayan baka mapahamak ka."

"Di ako mapapano dahil kasama ko ang mga protectors dito.alam kong nalulungkot kayo pero isipin nyo naman ang damdamin ko"

"Kung ganun ang inyong nais susunod kami.. Ngunit maari ba namin ikaw makausap pag ikaw ay nagiisa?"

"Oo naman."

Patuloy pa rin ang pagihip ng hangin.. Nakita kong naglalaro ang mga spirits sa tabi ko.. Nawala silang bigla ng may narinig kaming tunog. Napalingon ako at tumingin doon. Nakita ko ang lalaking isnabero. Na papalapit sa akin. Huminto ito sa harap ko..

Tsss.. Ano namang masamang hangin ang nagpaihip sa lalaking to..

"Who are you?"tanong ni Luke

Yeah si Luke ang nagtatanong na yan.

"Let me correct that. What are you? "

Huh?

"Wait Mr. Cru Im just a normal citizen of Florence. Im not an alien or something that you are thinking" wow. Nageenglish na ko.. Help! Dudugo na ang ilong ko!!!!

"And why are you telling me that im a creature that out of this world?" Tissue! Tissue! I need tissue! Dudugo na ilong ko!

"Chill. Im telling it to you because of the aura that swarming around you.. Its like it protecting you from something. And those spirits they are around this area. Its not normal. Are you connected to them?" Paktay! Lagot. Di nya pwedeng malaman.

"Spirits?,merong spirits dito?"kunwaring tanong ko.. Kaylangang walang alam..

"You can't see them. Poor you"asar na sabi ng lalaking to. Upakan ko kaya to ng sumaya ako.

"Oy magtagalog ka na nga nahihirapan na kong magenglish sayo a.. Tsaka pasensya ka kung di ko nakikita ang mga spirits na yan. Like i said im a normal citizen of Florence Mr. Luke Cru. Di ba gusto mo rin maging hari ng Florence?" Napatigil sya sa sinabi ko at tumingin sa malayo.

Natamaan ko ba sya? Sapul ba? Hehehe.

"Yeah, im one of those people who want to rule the Florence."

Bakit ganun sa bawat pagsabi nya ng salitang binibitawan nya nasasaktan sya. At nasasaktan din ako..

Umihip ang hangin at napatayo ako.. Nanlambot ang mga tuhod ko. Nang babagsak ako. Sinalo ako ng mga matitipunong bisig na di ko akalaing mararamdaman ko. May kung anong kuryente ang dumaloy sa akin.

"Hey! Kung magpapansin ka sakin di na kaylangan na ganito."  Tinulak ko sya. Tsk. Ang kapal naman ng face ng lalaking to.. Uupakan ko na to..

"Kapal naman ng mukha mo. Adik." Inis kong sabi sa kanya

"Wow. Ganito ba magpasalamat ang taong tinulungan ko."

"Wala naman akong sinabing tulungan mo ko a."ako.

Umihip ulit ang hangin.

Isa sya..

Isa sya..

Dalawang araw bago ka tumigil sa pagpili ng pipiliin aantayin namin.

"Ang lakas naman ng hangin" Luke

0_0

Wait you mean di nya narinig yung mga sinabi ng mga spirits?! At isa sya sa napili ko.. Wa!!!!!! Di to pwede!!!  Ang adik na to posibleng maging hari..

At nang ihahakbang ko na ang mga paa ko.. May humawak sa braso ko para mapaharap ako sa pangahas na humawak nito.. Ito na naman yung kuryenteng nararamdaman ko.

"At san ka pupunta weird girl?

Huh? Ako weird ? Adik talaga to.

"Excuse me Mr.Cru. im not oblige to tell you where i will go.. And will you get your hands off me" Wow english again.. Prepare the tissue.

"No.way."diin nyang sabi. Kung ayaw mo may gagawin ako.

"Ayaw mo?"tanong ko sa kanya.

"Yup." Bilis nyang sagot

"Ayaw mo talaga a.!" Sinapak ko sya bigla at natumba sya... Tumakbo ako bigla.. Lumingon ako sandali nakita kong nakahiga pa rin sya.. Nasa state of shock pa rin siguro.. Hehe buti nga sa kanya.

Mukhang di ko sya maiiwasan.
There is a fact na sya ang napili ko. Kaylangan ko syang obserbahan.

Nagdidiscuss ang teacher ng biglang may papel sa desk ko.. Binuksan ko yun at binasa sa isip ko.

Your dead weird girl.

Yun ang nakasulat. Paktay. Tumingin ako sa kanya. Di ko alam na nakatingin din sya sa akin. He just smirked at me. Gusto pa yata nya ng isa pang sapak e. Even if he is a noble. He has no right to do that.

May nakadikit na isang spirit kay Luke. Mukhang nagustuhan sya nito,pero di nya ito nakikita. Nasabi sakin ng mga protectors na pag nakapili ako ay didikitan ito ng spirit, kakausapin ng spirit ang candidate, bibigyan sila ng katanungan sa kanilang panaginip. Pag nasagot nila ito bibigyan ng panibagong kapangyarihan ang mga candidate..lagi ng nakadikit ang spirit dito.

Ang mga spirits balisa sila.. Tumingin ako sa labas. Nakita ko na nagmamadali sila Lime at Lloyd. Bakit kaya?

Napagawi rin ng tingin si Luke sa bintana.. Nakakunot ang ulo nya.

Mga dark spirits

Hinahanap ang binibini

Itaboy sila

Kaylangang mag-ingat

Mga masasamang mahikero

Gusto nilang makita ang binibini

Papayagan ba natin

Yun ang mga narinig ko sa mga spirits. Ibig sabihin may mga dark magicians dito..

Sabi sakin nakikita lang daw ng mga ibang estudyante dito ang mga spirits.

Ayos lang kaya ang mga protectors?

Selecting The KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon