Cleo
Iniwanan ko na sila Gon at Nix sa Sacred Garden. Mas mabuti yun baka may masaktan pa silang mga students.
Bumalik na ko sa dorm ko at humiga na sa aking napakakomportableng higaan.
Napatingin ako sa kisame. Mali na nasigawan ko si Lloyd dahil lang sa selfish kong hiling. But i really don't want a war. Baka may mamatay. Obviously, may mamatay war nga pala. Hay...
Mag sosorry ako bukas sa kanya. Di ko sana dinaan sa bugso ng damdamin.. Lalim nun a.
Sila Shin, Clive, Felix, Andrea at Mike. Mga dark magicians na nakilala ko. Mababait sila may mga bagay na gustong protektahan. Sana ganito din sa Wilston. Hay..
Sigurado akong pagdidiskitahan ako ni Tanya, pano kaya to. Hay..
Simula ng inungkat ko ang topic ng tungkol kay Adik. Hindi na ko kinakausap ni Serena. Masama pa siguro ang loob nya.
Nung nalaman ko ang nakaraan.. Ang tungkol kay Dimitri, sa mga guardians of elements ,ang mga dark spirits at great spirits. Nangako ako na itatama ko na ang nangyari para hindi na mangyari ulit iyon. Alam kong alam nila ang nangyari.. At gagawa sila ng paraan para mapigilan ako. Kaya uunahan ko na sila. Pag punta namin sa Palace of Thorns ihahayag ko na kung sino ang magiging Hari.
************
Third persons pov"Sa tingin mo anong gagawin ng selector Lord?"
Nakatayo ang dalawa.sa isang mataas na puno sa magkabilang sanga nito.
"Gagawa yan ng paraan para di matuloy ang balak natin." Lord
"Wag kang mag alala. Nagawa ko na yung selyo. At isa pa kaylangan mo kong tulungan sa isa pa hirap kaya nun.."
"Alam ko wag kang magalala. Pero handa ka na ba?" Lord
"Oo, handa na."
"Mayroon akong hinandang sorpresa. Nga lang baka mapahamak ka." Lord
"Anong tingin mo sa akin mahina. Para saan pa ang pagsasanay ko kung madali lang akong matatalo."
"Wala naman akong sinasabing ganyan a. Nagaalala lang naman ako sayo Kuya." Lord
"Huwag kang mangasar dyan baka masapak kita.. Ginugulo mo ang isip ko candidate."
"Hahahahaha.. Di ka pa rin nagbabago.. Ilang taon na ba nung naghiwalay tayo?" Lord
"Malay ko di ko iniisip ang taon iniisip ko kung ano ang pwede kong gawin."
"Hehehehe.. Okay sinabi mo e." Lord
"Wag mong sarilinin ang lahat.. Tandaan mo nangako ako na aalagaan at proprotektahan ko kayo kahit na kapalit nito ang buhay ko."
Tumahimik ng sandali ang Lord.
"Masyado kang seryoso kuya. Yaan mo gagawin kitang kanang kamay ko." Lord
"Tssss... Bahala ka na nga dyan."
At nawala na ang lalaki.
"Para rin sayo to kuya. Gagawa ako ng paraan para maging masaya ka. Kahit kapalit nito ay..." Lord
Tumingin ang Lord sa langit.
"Di ko hahayaang mangyari yun."
***********
"Ano kaya ang meron sa librong yan?" Lime"Di yan libro Lime.. Diary yan ni Lady Serena." Sheena
"Nagtataka ako pano napunta ang diary na yan kay Cleo. E wala naman tayong binigay o iniwan sa kanya sa lugar ng mga mortal?" Jun
BINABASA MO ANG
Selecting The King
Fantasy"Nakapagdesisyon ka na ba kung sino ang pipiliin mo?" Cleo Freed is a typical girl living in the orphanage.. She's weird, talking to someone that cannot be seen by the naked eye.. Naririnig nya ang mga boses ng mga halaman,hangin,tubig,apoy at lupa...