Cleo
Umaga..
Hay... Gusto kong magtago o kaya lamunin ng lupa.. Pwede kaya yun? Pakiusapan ko kaya ang mga spirits..
Bakit ko nasabi to.. Ganito kasi..
Flashback
Nang makauwi kami ni Luke sa kastilyo sinalubong lang naman kami nila Hera. Na ngising ngisi sa amin ni Luke.
"Am.. Bakit?" Ako
"So anong nangyari?" Hera
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Ako
"Ano!? Walang progress!?" Wilma
Dumako ang tingin nila kay Luke na nakangiti lang sa kanila.
"Hmmmm... Cleo anong nangyari at nakangiti ng nakakaloko si Luke." Black
"E-ewan ko dyan." Utal kong sabi
"Tigilan nyo na nga ang girlfriend ko." Luke
Niyakap ako ni Luke patalikod. Saka hinalikan ang buhok ko.
"Kyaaaahhh!!! Kayo na!!!" Wilma/ Hera
Namula ako. Gosh... Gusto kong umalis dito. Nga lang si Luke mahigpit ang pagkakayakap sa akin.
"Cleo ang ganda naman ng damit mo saan nyo binili yan?" Hazel
"Sa Wilston binili ni Luke sa akin." Ako
"Kyaaaahhh!!! Sinabi mo na yung pangalan nya!" Hera
"So nagkiss na kayo?" Wilma
Bigla kong naalala yung nangyari sa Promised tree lalo akong namula dahil doon.
"Affirmative nagkiss nga kayo." Hazel
"First kiss mo Cleo?" Hera
"No, nagkiss na kami sa Black door di nya ba nakwento sa inyo?" Luke
"Kyaaahhh!!! Cleo naglilihim ka na sa amin a.." Hera
Waaahhh!!! Ayoko na!!!
"Ihahatid ko na si Cleo sa kwarto nya. Pahinga na rin kayo guys." Luke
Saka hinila ako ni Luke palayo sa kanila.
Nang makarating kami sa kwarto ko.
"Goodnight Cleo." Luke
"Goodnight Luke." Ako
Ngumiti si Luke.
"Im happy that you are calling me by my name." Luke
Saka hinalikan ang noo ko. Pumasok na ko sa kwarto at natulog.
Flashback end
Di pa ko nakakamove on kahapon. Hay.. Di ko alam kung anong mangyayari kung lalabas ako sa pintong to.
Nakapagbihis na ko pero nagdadalawang isip talaga ako kung lalabas ako o hindi.
*tok* tok* tok*
"Cleo!?" Sigaw ni Luke.
Di ako sumagot di pa rin kasi ako makapaniwala na sinagot ko itong adik na to e.
"Alam kong gising ka na kung di mo to bubuksan sisirain ko tong pinto!" Patuloy nya.
Di pa rin ako sumagot.
"Bibilang ako ng tatlo pagdi mo pa rin ito binuksan lagot ka sa akin." Banta ni Luke
BINABASA MO ANG
Selecting The King
خيال (فانتازيا)"Nakapagdesisyon ka na ba kung sino ang pipiliin mo?" Cleo Freed is a typical girl living in the orphanage.. She's weird, talking to someone that cannot be seen by the naked eye.. Naririnig nya ang mga boses ng mga halaman,hangin,tubig,apoy at lupa...