Third persons pov
"Ako ang unang selector. Ang ngalan ko'y Serena."
Nagulat ang lahat pwera lang kay Mist.
"I-ikaw ang unang selector?" Utal na sabi ni Lime
"Ako nga."
"Nagbibiro ka lang ne Cleo?" Jun
"Di ako nagbibiro lahat ng aking tinuran ay totoo."
"Pero bakit ka nasa katawan ni Cleo kung ganun?" Sheena
"Isa bang vessel si Cleo?" Lloyd
"Hindi ko maaring sabihin sa inyo ang katotohanan. Hindi pa. Pero sa tamang oras malalaman nyo ang inyong mga kasagutan. Sa lahat ng inyong mga katanungan."
"Nasan si Cleo?" Jun
"Tulog sya. Nagising lang ako dahil baka mangyari na naman."
Tumingin sa kanya si Mist.
"Serena di mo sya mapipigilan alam mo yan kahit ilang beses ka pang makiusap sa kanya buo na ang desisyon nya!" Mist
"Mist! Ang Florence masisira ito kung di ko gagawin ang aking tungkulin!"
"Di hayaan mong masira! Wala kaming pakialam sa lugar na to Serena. " Mist
"Anong sinasabi mo Mist?" Lloyd
"Mist, mahal ko ang mga nilalang na nandito at di ko hahayaang mawala ang binuong lugar ni ama para lang masira!"
"Kahit anong sabihin mo Serena buo na ang desisyon namin. Sa ngayon manood ka na lang. Pagmasdan mo ang mga mahal mong nilalang na mawala." Walang emosyong sabi ni Mist.
"Di ako papayag gagawa ako ng paraan para di matupad yang sinabi mo! Di ko hahayaang mangyari uli ang nangyari!"
Lumingon si Cleo sa mga protectors.
"Wag nyong hayaang walang maging hari. Pigilan nyo ang mga-"
Di natuloy ang sinabi ni Cleo. Dahil nawalan ulit ito ng malay. Na ang may gawa ay si Mist
"Mist! Anong ginawa mo!?" Sigaw ni Lloyd.
Naglabas si Lloyd ng espada at tinutok nya yon kay Mist na hawak si Cleo.
"Dapat pala di ko na sya pinagsalita. Tsk. Nawala tuloy sa plano ang lahat." Mist
"Bitawan mo si Cleo Mist!" Lime
"Are you a traitor Mist?" Drake
"Hmmm you could say that. But im only doing this because i have to. We have to protect her. At any cost." Mist
"Amin na si Cleo Mist." Jun
"Ibibigay ko sya sa inyo.. Sa ngayon.. Pero binabalaan ko kayo pag nalaman ko na may nangyari kay Cleo na gawa ng mga nilalang dito sa loob ng academy.Di ako magdadalawang isip na tapusin silang lahat. " Mist
Inilapag ni Mist si Cleo sa damo. Tinitigan nya itong maigi.
"Wag kang magalala Cleo. Di namin hahayaan na mawala ka. Mahal ka namin." Isip ni Mist
Hinawakan ni Mist ang noo ni Cleo at may sinabi na spell.. Pagkatapos nyang sabihin yun ay tumayo na sya.
"A.. Pwede nyo na bang tanggalin ang pagiging protector ko?" Mist
"Wala kaming kapangyarihan na tanggalin yan. Tangging si Master lang. " Lloyd
"Tsk. A.. Wag kayong magalala nasa tabi lang ako kung kaylangan nyo.. Because im doing my role." Saka nawala si Mist.
BINABASA MO ANG
Selecting The King
Fantasy"Nakapagdesisyon ka na ba kung sino ang pipiliin mo?" Cleo Freed is a typical girl living in the orphanage.. She's weird, talking to someone that cannot be seen by the naked eye.. Naririnig nya ang mga boses ng mga halaman,hangin,tubig,apoy at lupa...