Cleo
"Kuya Shin"yun lang ang lumabas sa bibig ko.
"Cleo." Kuya Shin
"Kuya Shin!".Lalapitan ko sana sya ng tinawag ako ni Hera.
"Cleo! Cleo!" Hera
Tumingin si kuya Shin sa tumawag sa akin.
"Cleo magkikita pa tayo. Sa ngayon bumalik ka muna sa kanila. "Kuya Shin
"Pero kuya marami pa kong-" pinutol nya ang sasabihin ko.
"Alam ko. Pero sa ngayon bumalik ka muna pangako maguusap tayo hanggang magsawa ka." Ngumiti sa akin si kuya.
At binalik nya ang hood nya at nawala.
"Cleo! Oy kanina pa kita tinatawag." Hera
"A sorry... Tapos na kayong mamili?" Tanong ko sa kanila.
"Yup. Balita namin muntikan ka ng kidnapin a.. Kilala mo ba?" Tanong Brent.
"Nope. Halika uwi na tayo." Yaya ko sa kanila.
"Parang may kausap ka kanina sino yun?" Hera
"A nagtatanong lang ng lugar." Pagsisinungaling ko.
Dala ang mga binili naming gamit ay nakarating na kami sa gate ng academy. Nakita ko sa labas ang mga protectors. Mukhang may inaabangan silang dumating.
"O bat nandito kayong lahat!" Sigaw ni Hera sa kanila.
Lumingon silang 5 sa amin. Lumapit bigla sa akin si Sheena at Lime. Niyakap nila ako.
"Oh? Bakit?" Tanong ko sa kanila.
"Pinagalala mo kami Cleo di namin alam kung nasa mabuti kang kalagayan.." Bulong ni Lime sa akin
"Sabi sa akin ni Lloyd pumunta ka kagad sa Sacred garden gusto ka nilang kausapin." Bulong ni Sheena.
Tumango na lang ako. Kumalas na sa akin ang dalawa.
"San kayo pumunta Hera?" Jun. Ang mukha ni Jun mukhang iiyak na. Pero pinipigilan nya.
"Ah. Sa Wilston Market."Hera
"Lloyd, may gustong kumidnap kay Cleo kanina at mukhang kilala sya nito. Wala naman syang kaylangan kay Cleo pero sabi nya kaylangan nya daw ibalik si Cleo. " Adik
"Prank lang ata yun ng lalaki."sabi ko
"Mukha bang prank yun weird girl?" Adik
"Oo prank lang talaga yun." Ako.
Alam kong di talaga prank yun. Pero kaylangan kong kumbinsihin sila adik na wala lang yun napagkamalan lang ako. Nararamdaman ko ang nilalabas na emosyon ni Drake at Lloyd."Napagkamalan lang ako ng lalaki adik. Di ko nga sya kilala di ba?" Ako
"Pero tinawag ka nya sa pangalan nya." Adik
"Kapangalan ko lang ata yun, masyado kang worried.. Baka isipin ko na nyan may gusto ka na sa akin." Pabiro kong sabi.
Biglang tumahimik ang lahat. May mali ba sa sinabi ko?
"Tsss.. Weird girl." At nauna na si adik. Problema nun. "Sige una na kami Cleo, Hera." Edwin.
Sumunod na ang apat.
"Mauna na ko sayo Cleo may gagawin pa ko e.. " paalam ni Hera.
"Sige." Ako. Nang makalayo na si Hera ay magpapaalam muna ako sana sa kanila pero bigla na lang hinawakan ni Drake ang kamay ko
"Huh? Bakit?" Ako
"Pasensya na binibini maguusap muna tayo." Jun
Nang napapikit ko ng mata ko naramdaman ko na lang na papasok kami sa portal. Pagkadilat ko ay nasa Sacred garden na ko. Binitawan na ni Drake ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Selecting The King
Fantasy"Nakapagdesisyon ka na ba kung sino ang pipiliin mo?" Cleo Freed is a typical girl living in the orphanage.. She's weird, talking to someone that cannot be seen by the naked eye.. Naririnig nya ang mga boses ng mga halaman,hangin,tubig,apoy at lupa...