Cleo
Matapos naming libutin ang kastilyo kahapon. Pinagaralan naman ngayon ng mga candidates kung paano patakbuhin ang mga tauhan sa kastilyo. Sumasama lang ako sa kanila. Pinagmamasdan sila.
Kanina ko pa napapansin na tingin ng tingin sa akin si adik.
Nararamdaman kong gusto nya akong kausapin.
Di lang nya ako makausap dahil may mga tao sa paligid namin.
Anong nangyari nung nakausap ko si Dylan. Iniwanan lang naman ako sa kwartong yun.
Seryoso ang mga mukha ng mga candidates. Napabuga na lang ako ng hangin.
Ang ibang napiling sumama ay sinamahan ni Jun sa ipapaturo sa kanila.
Nabagot ako at iniwan sila.
Nakasalubong ko si Lloyd.
"San ka pupunta Cleo?" Lloyd
"Maglilibot libot saka pupunta sa Sacred garden." Ako
"Gusto mo bang samahan kita?" Lloyd
Umiling ako sa kanya.
"Kaya ko ng mag-isa saka mas kaylangan ka ng mga candidates." Ako
Tumango na lang sya saka ako iniwanan. Nang makaliko na ko sa isang pasilyo. May humila sa akin.
"Layuan mo ang anak ko." Cindy
Yeah, mama ni Adik ang humila sa akin.
"Maari ko po bang malaman kung bakit ko gagawin iyon?" Ako
"Ang anak ko ang magiging hari at magiging asawa ang selector hindi ikaw na hamak na protector lang." Cindy
"Pagpasensyahan nyo na po ako. Pero mahal ko ang anak nyo." Ako
"Kapag di mo sya nilayuan di ko lang alam ang mangyayari sayo." Banta ni Cindy
"Kahit ano pong sabihin nyo di ko po sya lalayuan." Ako
Yumuko ako at naglakad palayo sa kanya.
"Binalaan na kita! Di mo magugustuhan ang mangyayari sayo!" Sigaw nyang pabalik sa akin.
'I don't care. Kung may gawin man syang masama sa akin. So be it.' Isip ko.
Third persons pov
Nainis si Cindy sa sinabi sa kanya ni Cleo. Di nya maaring mahalin ang anak nya dahil nakatakda na ito sa selector at gagawin nya ang lahat para mapaghiwalay ang mga ito kahit magkamatayan pa.
Biglang may lumabas na tatlong lalaki na naka ninja suit. Yumuko ang mga ito kay Cindy.
"Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo." Ninja 1
"Patayin nyo ang babaeng yon. Palihim nyong gawin baka malaman ng ibang protectors."Cindy
"Masusunod."
'Wala namang masama kung babawasan ng isang proctector ang hari di ba?' Isip ni Cindy.
Ngumiti ito ng nakakatakot.
Samantala..
Naglibot libot muli si Cleo sa kastilyo. Nang makalabas sya sa Castle of Thorns. May naramdaman sya.
"Dylan, lumabas ka na dyan." Cleo
"Hehehehe.. Kanina mo pa ba alam?" Dylan
"Yup." Cleo
"So kanina mo pa rin alam na sinusundan ka ng mga iyan. Balak ka nilang patayin alam mo ba yun?" Dylan
"Alam ko, gusto ko sana silang komprontahin sa loob pa lang ng kastilyo kaso mahahalata ako." Cleo
BINABASA MO ANG
Selecting The King
Fantasy"Nakapagdesisyon ka na ba kung sino ang pipiliin mo?" Cleo Freed is a typical girl living in the orphanage.. She's weird, talking to someone that cannot be seen by the naked eye.. Naririnig nya ang mga boses ng mga halaman,hangin,tubig,apoy at lupa...