Starting Again

2.8K 94 14
                                    

Third persons pov

"Tanya dahil sa kasakiman mo at pagiging gahaman ikaw ay pinaparusahan ko na ipatapon sa dulo ng Florence. Doon ay magisa kang mabubuhay walang tutulong sayo kundi ikaw lang. Pero nasa hari pa rin ang desisyon kung anong mangyayari sa buhay mo. Tatanggapin ko kung ano man ang sasabihin nya." Cleo

"Wala kang kapangyarihan na parusahan ako hindi ikaw ang hari!" Tanya

"Di habang buhay ay nasa loob ka ng kastilyong ito Tanya. Sigurado akong paparusahan ka ng Hari." Cleo

"Walanghiya ka!!!!!!" Susugurin na sana ni Tanya si Cleo ng pinigilan sya ng mga kawal.

"Dalhin yan sa kulungan hayaan ang hari ang magpasya ng kanyang buhay." Luke

Pumiglas si Tanya ngunit lalo lang syang pinigilan ng nga kawal. Hinila nila ito at umalis.

Ilang minuto ang nakalipas...

"Binibini nandito na ang Hari." Kawal

Agad na bumukas ang pinto. Nilabas nun ang Hari na walang malay may mga sugat ito. Nakahiga ito sa isang tela na hawak ng mga kawal. Agad na lumapit si Cleo kay Shin.

"Shin naririnig mo ba ako?" Nagaalalang wika ni Cleo.

"Cl-Cleo..." Shin

"Shhh... Okay ka na.. Ligtas ka na Shin.." Pagaalo ni Cleo sa hari. Niligon nya ang mga kawal.

"Dalhin sya sa kanyang silid. Tawagin nyo na rin ang healer para magamot ang mga sugat nya madali kayo." Cleo

Agad na umalis ang mga kawal dala si Shin.

Lumingon si Cleo sa mga opisyal.

"Gawin nyo ang dapat nyong gawin. Kung may problema saka kayo lumapit sa akin." Cleo

Yumuko ang mga opisyal.

"Masusunod binibini."

Saka sila umalis at ginawa ang dapat na gawin.

Cleo

Matapos umalis ng mga opisyal ay agad kong hinarap si Luke na kanina pa hawak ang kamay ko.

"Luke magpahinga ka muna di pa magaling ang mga sugat mo." Ako

"Walang problema sa sugat ko Cleo." Luke

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Gusto sana kitang dalhin sa Sacred Garden kaso marami akong gagawin." Ako

Umiling lang si Luke at ngumiti sa akin.

"Ayos lang gusto ko nasa tabi mo lang ako." Luke

'Patawad Luke pero hindi matutupad yang gusto mo, gusto ko man pero di maari'.

"Halika puntahan natin ang mga protectors." Yaya ko kay Luke.

Hawak nya pa rin ang kamay ko. Ayaw nya talaga akong bitawan.

Bumuntong hininga na lang ako. At hinila sya papunta sa klinika.

Sumunod din sa amin sina Nix at Gon.

Nakarating kami sa klinika nadatnan namin na ginagamot ang mga sugat nila. Lumapit sa akin ang isang healer.

"Binibini ayos na po ang mga kalagayan nila. Unting pahinga na lang po ay babalik na ang kanilang lakas."

Napangiti ako sa sinabi nito.

"Salamat." Ako

Biglang may kumatok at binukasan iyon ng isa sa katulong sa loob. Nilabas nun ang dalawang kawal. Lumapit sa akin ang isa dito. Yumuko sila sa akin.

Selecting The KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon