Third persons pov
Ilang araw na ang nakalipas nang matapos ang paghalal ng bagong hari.
Marami ang nangyari..
Unti unti ng nagbabago ang mga light magicians. Natatanggap na nila ang mga dark magician sa buhay nila.
Ngunit nakatira pa rin ang mga karamihan sa Luminous forest.
Sila Art, Aria at Ao ay nanatili sa Luminous forest. Minsan dumadalaw sila sa hari para kamustahin ito.
Samantalang sila Felix at Clive ay nanatili sa tabi ni Shin.
Ang namumuno ngayon sa mga dark magicians ay si Ren kasama nya sina Rain at Coud.
Ang dalawang magkapatid nasi Andrea at Mike ay nasa kastilyo nasa pangangalaga sila ni Shin.
Ang mga candidates ay naghihiwalay din ng landas.
Si Hera ay sinamahan ang kanyang ina. Dito tinulungan nya ang kanyang mga kasama.
Si Black naman ay naging heneral ng Hari.
Si Wilma ay naging advisor ni Shin sa ibang kalakaran.
Si Hazel ay tinulungan ay kanyang mga kababayan at tinuruan ang mga bata ng dapat nilang malaman.
Ang protectors ay nanatili lang sa tabi ni Shin. Sinabihan din kasi sila ni Cleo na wag hihiwalay kay Shin dahil di nila alam ang pwedeng mangyari.
Si Cleo at Luke?
Si Cleo ay namamasyal sa buong Florence kasama si Luke. Hindi sya umalis sa tabi ni Cleo.
********
"Kira...." Shin
Nakatingin sa bintana si Shin. Malungkot ang mga mata nito.
Di nya alam na pinagmamasdan sya ni Cleo.
Kinabukasan..
Sa Castle of Thorns..
Binibini...
Binibini...
Binibini...
Napatingin si Cleo sa labas. Nakita nya ang maraming spirits na nagtutumpukan.
"Spirits?" Cleo
"Bakit Cleo may problema ba sa mga spirits?" Luke
"Wala mukhang may gusto silang sabihin sa akin. Iwan muna kita dito tatanungin ko lang sila." Cleo
Napatango na lang si Luke at tiningnan si Cleo na umalis.
Nang makarating si Cleo sa mga spirits..
"May problema ba mga kaibigan?" Cleo
"Hinahanap ka nya binibini..."
"Matagal ka na nyang inaantay sa Sacred garden..."
"Umiiyak na sya at gusto ka nyang makita.."
Nagtaka naman si Cleo kung sino ang tinutukoy ng mga spirits.
Pumunta pa rin sya sa Sacred garden.
Nang makarating sya doon. Napansin nyang may pinapalibutan ang mga spirits. Lumapit sya agad sa mga ito.
'Anong meron?' Cleo
Nagsialisan ang mga spirits ngunit di lumayo sa kanya ang mga ito.
Nakita nya ang isang lobo na may tatlong buntot kulay puti ito at mga halong kulay itim. Nasa 2 feet ang taas nito. At may kung anong tattoo sa may bandang noo nito. Pamilyar ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Selecting The King
Fantasy"Nakapagdesisyon ka na ba kung sino ang pipiliin mo?" Cleo Freed is a typical girl living in the orphanage.. She's weird, talking to someone that cannot be seen by the naked eye.. Naririnig nya ang mga boses ng mga halaman,hangin,tubig,apoy at lupa...